CHAPTER 8

1606 Words

NAGLALAKAD-LAKAD NA SINA MATTHEW AT BERRY pagkatapos magpakabundat sa tatlong order ng yogurt at sangkaterbang tubig. “Hindi na kita ililibre kahit kailan. Pahamak ka.” “At hindi ko rin naman sinabi na makihati ka sa in-order ko.” “Nakakaawa ka kasi. Parang mamamatay ka na sa unang subo pa lang ng yogurt.” “Ayan lang ang ospital, o,” turo ni Berry sa establisyimentong madaraanan nila. “Kung natigok ako dahil sa mukhang icecreams na iyon, puwedeng-puwede mo akong itapon diyan. Pero di mo ginawa. Tapos ngayon magrereklamo ka.” “Hayaan mo sa susunod, pababayaan na kitang mangisay dahil sa katakawan mo.” “Ililibre mo ako ulet?” “Ng icecreams?” Napangisi lang si Berry. Halata kasi na nang-aasar lang si Matthew. Hindi ito nagtagumpay, pero nagawa nitong halungkatin ang kababawan niya sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD