"Ikaw si Stella?" ulit na tanong ni Phrixx kay Stella, parang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita na ang babaeng kaharap niya ngayon ay ang babaeng matagal na niyang hinihintay na hinihintay na dumating na ang tamang panahon.
"At ikaw sino ka?" kunot noong tanong ni Stella.
"Ako ang may-ari ng bahay na ito." sagot ni Phrixx.
"So ikaw po ang may-ari ng buong hacienda?" inosenting tanong ni Stella.
"Yes, ako nga." seryosong sagot ni Phrixx kay Stella.
"Ah' sige po tapos na po akong maglinis sa room ninyo, aalis na po ako." paalam ni Stella kay Phrixx. Tumango lang si Phrixx sa sinabi ni Stella, hindi na siya sumagot pa. Nang makita niyang nakalabas na si Stell ay saka lang siya natauhan na ang babaeng laman ng kanyang isipan ng ilang araw ay ang babaeng magiging asawa n'ya soon.
"Siya ba talaga?" naiusal ni Phrixx, hindi pa rin kasi siya makapaniwalang ang batang musmusin noon na hiningi niyang kabayaran sa lahat ay ito na nakaharap na niya, at ibang-iba na ito ngayon, kahit napakainosente pa rin ng mukha nito ay lalung hindi siya makapaniwalang ito na ngayon ang ganda na. Naiiling na lang muna si Phrixx dahil parang siya ata ang hindi nakapaghanda sa pagkikita nila ng babaeng pagmamay-ari na niya mula noong musmos pa ito.
-- -- -- --
"Nay tapos na po akong naglinis sa room ni sir." ani Stella sa ina na naabutan niyang naglalaba sa washing area.
"Mabuti naman anak, salamat at tinulungan mo ako." sabi ng nanay ni Stella.
"Ok lang po 'yon nay, wala naman po akong gagawin ngayon." ani Stella sa ina.
"Naayos mo bang mabuti ang room ni sir?" tanong ng kanyang ina.
"Opo, Nay, sala dumating na siya, kaya iniwan ko na po siya." ani Stella. Nagulat naman ang kanyang ina sa narinig mula kay Stella na nagkita na sila ni Phrixx.
"A-Ano nagkita na kayo ni Sir Phrixx?" nauutal na tanong ng kanyang ina.
"Opo, bakit po?" pagtatakang tanong ni Stella.
"W-Wala naman anak." nauutal ulit na sagot ng kanyang ina.
"Tinanong niya po anong pangalan ko." ani Stella, sa naring ulit ng kanyang ina ay nabitawan nito ang hawak na labahan.
"S-Sinabi mo kung akong pangalan mo?" nauutal ulit na tanong ng ginang.
"Opo, sinabi ko po ang aking pangalan." ani Stella.
"Wala pa siyang sinabi sayo?" kinakabahang tanong ng kanyang ina.
"Wala naman po." sagot ni Stella.
"Sige na, umuwi ka na ako na bahala rito." pagtataboy ng ina ni Stella sa kanya, ayaw nang magtagal pa ng ina niya si Stella sa bahay ni Phrixx natatakot siyang baka sabihin nito sa kanyang anak ang kanilang kasunduan. Hindi pa niya kayang mawala ang dalaga sa kanila, alam niyang kahit anong oras ay puwede na siyang kunin ni Phrixx, natatakot lang siyang baka hindi nila kayaning mag-asawa.
-- -- -- --
"Sir, anong plano mo ngayong nakilala mo na ang bata noon?" tanong ni Jake sa kanya.
"Tuoy ang plano." sagot ni Phrixx kay Jake.
"Sige, kailangan ko ng ihanda ang lahat." ani Jake.
"Ihanda mo ang isa pinaka-exclusive kong condo, roon siya titira habang nasa manila siya mag-aaral." utos ni Phrixx kay Jake.
"Sige, aayusin ko lahat bago siya luluwas ng Manila." ani Jake.
"Good. Sa nalalapit niyang pagtatapos, maghanda tayo rito sa buong hacienda at huwag mong sasabihin na galing sa akin. Kausapin mo ang kanyang mga magulang tungkol dito." utos ni Phrixx kay Jake.
"Masusunod." sagot lang ni Jake.
"Sa mismong pagtatapos niya at wala na tayo rito. Luluwas na tayo ng Manila sa susunod na araw." ani Phrixx.
"Sige, habang nandito tayo ay aayusin ko na." ani Jake.
"Ipatawag mo ang kanyang mga magulang mamayang gabi, dahil ma y pag-uusapan kami." utos ni Phrixx kay Jake.
"Ngayon din pupuntahan ko ang kanyang mga magulag." ani Jake, at nagpaalam na ito.
-- -- -- --
Habang naglalakad si Stella pauwi ay hindi mawala sa kanyang isip ang inakto ng kanyang ina kanina. Parang may mali sa isip niya.
"Kaya pala nasa batis siya noong nakaraang araw, dahil sa kanya pala ang buong hacienda na ito, mabut pa siya mayaman, samantalang kami pobre lang." ani Stea habang naglalakad siya pauwi sa kanilang bahay. May pahampas-hampas pa siya sa mga dahon ng makahiya ng kanyang nadadaanan. May balak pa siyang manghuli ng paru-paro na nadadaanan niya sa daan. Parang isip bata minsan si Stella. Hind na niya namalaya na napapalayo na palas siya kakahuli niya ng mga paru-paro. Nakarating siya sa may sapa, matagal na silang nakatira sa lugar na iyon ngunit ngayon lang siya napadpad sa lugar na ito. Bumaba siya sa ilog at may nakita siyang maliliit na alimango kaya naisipan niyang manghuli muna.
"Araaay!" malakas niyang sigaw ng ianggat niya ang kanyang kamay ay sumama ng isan alimango, at inipit an kanyang isang daliri. Kaagad niyang inihampas ang kanyang kamay sa bato para matanggal ang nakasipit sa kanyang daliri. Hanggan sa nataggal niya ito, at nagmamadaling umakyat, para siyang bata na umiiyak pauwi sa kanilang bahay.
-- -- -- --
"Sir, pinatawag mo raw kami." mahinang tanong ng tatay ni Stella kay Phrixx na nakaupo sa may opisina nito sa hacienda, rito pinili ni Phrixx na kausapin ang mga magulang ni Stella para walang makakarinig sa kanilang usapan.
"Alam na siguro ninyo, kung bakit ko kayo pinatawag." seryosong wika ni Phrixx sa dalawang matatanda.
"Sir, hindi na po ba magbabago ang isip ninyo?" mahinang tanon ng Ina ni Stella na may halong takot. Alam kasi nila kung paano magalit si Phrixx.
"Wala ng magbabago pa." sagot ni Phrixx sa ina ni Stelle.
"Wala na kaming magagawa, kung talagang iyan na po ang pasya ninyo, wala na kaming tutol pa, sana alagaan mo ang anak namin gaya ng napagkasunduan natin." malungkot na sabi ng ama ni Stella.
"Good. Nagkakaintindihan tayo." ani Phrixx.
"Sana lagi n'yo po siyang protektahan sa anumang masasamang tao sa Manila." wika ng ina ni Stella.
"Walang makakagalaw sa kanya." sagot ni Phrixx.
"Kailan n'yo po balak kunin sa amin si Stella?" maluluhang tanong ng ama ni Stella.
"Pagkatapos ng graduation niya, bibigyan ko lang kayo ng limang araw na makasama siya at ipaliwanag kung bakit sa Manila siya mag-aaral." ani Phrixx.
"Sige po." sang-ayon ng ama ni Stella.
Natahimik sila saglit mg may biglang tumawag kay Phrixx. Kaagad namang sinagot iyon ni Phrixx.
"Hello." sagot ni Phrixx.
"Phrixx, asan ka ba manganganak na ako!" sigaw ng isang babae sa linya, dahil sobrang tahimik sa loob kaya dinig na dinig ng mag-asawa ang sabi ng babae. Nagkatinginan naman ang mag-asawa sa kanilang narinig.