"Sino ka?" tanong ulit ni Phrixx sa babae.
"I-Ikaw? Sino ka ba at bakit ka nandito?" tanong ni Stella sa lalaki habang nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang mata.
"Ikaw ang tinatanong ko, bakit ka nandito?" tanong ulit ni Phrixx.
"W-Wala, may hinahanap lang po ako," ani Stella sa lalaki. Dahil sa takot ni Stella at sa hindi sinasadyang makita niya ay kaagad siyang tumakbo papalayo sa lugar na iyon. Hindi na niya ininda pa ang sakit ng kanyang tuhod na tumama sa batuhan kanina.
Napangiti naman nang bahagya si Phrixx sa reaction ng babae kanina. Tiningnan niya nang bahagya ang kanyang alaga at mas lalo siyang napangiti dahil nakatayo ito. Tinanggal niya ulit ang towel na nakabalot sa kanyang katawan at lumangoy ulit sa batis. Inisip niya kung saan niya nakita ang mukha ng babae. Parang pamilyar kasi ito sa kanya.
Naalala naman ni Phrixx kung saan niya nakita ang magandang mukha ng dalagang nakita kanina. Ito ang kanyang nakita kanina na dumadaan sa likod ng kanyang mansion. Alam niyang makikita pa niya ito. Malakas ang pakiramdam niyang sa hacienda lang ito nakatira at anak ng isa sa kanyang mga tauhan. Patuloy pa rin ang kanyang paglangoy. Sinariwa nito ang mga alaala noong bata pa siya hanggang ngayon sa lugar na ito.
Matapos niyang pinagsawa ang kanyang sarili sa paglangoy ay nagpasya na siyang umahon na at maglakad-lakad muna sa paligid. Nagbihis muna siya pagkatapos ay sinariwa niya lahat ng paligid. Halos walang pinagbago ang lahat. Naalala niya noong kabataan niya na nanghuhuli pa siya ng mga ibon.
Napapangiti na lang talaga siya ng maalala ang lahat. Malayo na ngayon at marami ng pinagbago sa kanya. Busy na siya sa kanyang negosyo. Sa dami ng kanyang hinahawakan na negosyo ay hindi na niya halos maisip na magbakasyon dito.
----
"Bweset na lalakeng 'yon! Anong ginagawa niya sa batis na iyon at saka nakahubad talaga," nausal ni Stella habang nagpapahinga siya sa may puno. Napagod siyang tumakbo kanina at ngayon lang niya naramdaman na may gasgas ang kanyang tuhod. Medyo mahapdi na ito. Kumuha siya ng dahon at dinikdik niya ito saka tinapal sa kanyang tuhod.
Habol pa rin niya ang kanyang hininga dahil sa pagkaripas niya ng takbo kanina. Hindi niya sukat akalain na may taong ganoon na naliligo sa batis. Ngayon lang niya nakita ang pagmumukhang iyon at hindi niya matandaang nakita na niya ito. Lumaki siya sa lugar na iyon pero hindi pa niya ito nakikita talaga.
Medyo umayos na ang kanyang pakiramdam kaya dahan-dahan siyang naglakad para hanapin ulit ang kanyang mga kapatid bago umuwi ang kanyang mga magulang.
Nadatnan ni Stella ang mga kapatid sa kanilang bahay na naglalaro.
"Saan ba kayo galing at kanina pa ako naghahanap sa inyo?" tanong kaagad ni Stella sa mga kapatid.
"Doon lang kami nagpunta saglit sa aming kaklase, Ate," sagot ng isa niyan kapatid.
"Oo nga po, Ate, " dagdag pa ng isang kapatid ni Stella.
"Sa susunod, h'wag kayong aalis ng bahay na hindi nagpapaalam," bilin ni Stella sa mga kapatid. Inis na inis talaga siya sa nangyari at nakita niya kanina.
"Opo, Ate," sabay na sagot ng kanyang mga kapatid.
Pumasok na si Stella sa loob ng bahay para mag-ayos. Hapon pa darating ang kanyang mga magulang galing sa trabaho. Kaya siya na lahat ang nag-aasikaso sa kanyang mga kapatid at magpapakain sa mga ito.
Kinabukasan ay maagang nagising si Stella dahil may praktis pa siya sa school para sa kanilang graduation. Nalulungkot si Stella dahil ilang linggo na lang ay ga-graduate na siya. Paniguradong hindi na niya lagi makakasama ang kanyang mga magulang at kapatid. Dahil mag-aaral na siya ng college.
Hindi pa rin niya alam kung mag-aaral ba siya ng college at kung saan siya mag-aaral. Kaya sisikapin niyang makapaghanap ng part time job muna pagkatapos ng kanilang graduation para makatulong din siya sa kaniyang mga magulang.
"Stella, malapit na ang graduation natin. Ano na? Alam mo na ba kung saan ka mag-aaral?" tanong ulit ng kaibigan nito sa kanya.
"Hindi ko pa talaga alam kung saan ako mag-aaral. Hindi pa kami nag-uusap ng mga magulang ko," ani Stella sa kaibigan.
"Sige, basta sasabihin mo sa akin kung saan ka mag-aaral, ha? Sana sa Manila ka na rin para kahit hindi tayo same ng school ay malapit pa rin tayo sa isa't isa," wika ng kaibigan ni Stella sa kanya.
"Sure, ikaw pa ba? Ikaw ang unang makakaalam kung saan ako mag-aaral," nakangiting sagot ni Stella sa kaibigan.
Pero hindi niya talaga alam kung mag-aaral ba talaga siya ng college. Ayaw man niyang panghinaan ng loob na pero baka hindi siya makakapag-college.
"Tara na tinatawag na nila tayo para magpraktis," aya ng kaibigan ni Stella. Sabay na silang pumunta kung saan sila magpapraktis.
Imbes na excited si Stella sa kanilang graduation ay parang hindi na siya excited sa nangyayari ngayong papalapit na nga ang kanilang hinihintay na pagtatapos sa high school.
Maagang nakauwi si Stella sa kanilang bahay dahil maagang natapos ang kanilang praktis.
"Stella, ikaw na ang maghain ng pagkain natin at may gagawin lang ako," utos ng kanyang inay.
"Sige po, Nay," sagot naman ni Stella.
Habang kumakain sila ay sinabi ni Stella na wala silang pasok bukas dahil may meeting ang mga guro sa kanilang paaralan.
"Mabuti na lang at wala kang pasok bukas anak. Tulungan mo ako sa mansyon dahil wala akong kasama bukas. May pupuntahan daw ang kasama ko," ani Aling Linda kay Stella.
"Sige po, Inay, tutulungan ko po kayo," sagot ni Stella at pinagpatuloy ang pagkain.
-----
Naglakad-lakad muna si Phrixx sa kalawakan ng kanyang hacienda. Malinis na ang mga paligid na dati ay parang gubat. Marami na rin itong mga puno at mga prutas. Masaya siya at talagang inaalagaan nilang maayos ang kanyan hacienda. Kaya kahit hindi siya laging nagpupunta rito ay masaya siya.
May ilang mga bahay na rin sa gilid ng hacienda at sakop pa rin ito ng kanyang pagmamay-ari. Mga tauhan niya ang mga ito.
"Magandang hapon po, sir," bati ng isang lalakeng nakasalubong niya.
"Magandang hapon din po, manong," bati rin ni Phrixx sa matanda.
"Mag-isa lang po yata kayo, sir?" tanong ng matanda.
"Oho, manong. Gusto ko lang libutin ang paligid," sagot naman ni Phrixx.
"Sige po, sir. Enjoy lang po kayo. Safe na rin po ang loob ng hacienda ninyo dahil malinis na po ang mga ito," sabi naman ng matanda.
"Sige po, manong, salamat," sabi niya sa matanda sabay talikod.
Matapos maglakad-lakad ni Phrixx ay nagpasya na siyang bumalik sa mansion. Para doon na lang magpahinga. Nadadaanan niya pa rin ang mga tauhan na namimitas pa rin ng mga mangga. Kinawayan lang niya ang mga ito saka nagpatuloy na umuwi sa mansion.
Kaagad siyang nagtungo sa kanyang room at doon ay pasalampak niyang hiniga ang katawan sa kama. Pakiramdam niya ay napakasarap magpahinga sa lugar na iyon. Malayo sa magulong lugar at tahimik ang paligid. Pinikit niya ang kanyang mga mata.
Ngunit may ibang gumugulo sa kanyang isipan, ang babaeng nakita niya kanina. Sino kaya ang batang iyon?
Dahil kilala si Phrixx sa lugar na iyon at ang mga magulang nito kaya naimbitahan siyang maging speaker sa isang paraalan sa nalalapit na graduation. Dahil malapit na rin si Phrixx sa lugar na iyon at kilala ang kanyang mga magulang kaya pinaunlakan niya ang kanilang paanyaya.
"Sir, anong oras po tayo dadalaw mamaya sa school?" tanong ng kanyang assistant.
"Mamayang mga alas diyes," sagot naman ni Phrixx.
"Sige po, sir, para maihanda ko ang sasakyan," sagot naman nito.
"Maghanda ka ng cash para sa donation ko sa school," utos ni Phrixx aa assistant niya.
"Sige po masusunod," sagot nito kay Phrixx.
Nagpaalam na si Phrixx dahil may gagawin muna siya bago sila aalis.
"Maraming salamat sa pag-unlak ng aming imbitasyon, Mr. Phrixx," masayang sabi ng punong-guro kay Phrixx nang makarating ito sa paaralan.
Halos kinikilig naman ang mga dalagitang mag-aaral nang makita nila si Phrixx . Sa gwapo at tindig ng binata, kahit mga kabataang babae ay kinikilig sa kanya.
"Walang anuman, ma'am," nakangiting sagot ni Phrixx na may paggalang sa principal ng paaralang iyon.
Nakipagkwentuhan naman si Phrixx sa guro at tiningnan kung anong mga kulang sa paaralang iyon para mabigyan niya ito ng sapat na pondo bilang pagtulong niya rito.
"Maraming ga-graduate sa taong ito at iyon sila," sabay turo ng guro sa mga kabataang nagpapraktis sa stage.
"Medyo marami nga po pala talaga ngayon ang mga kabataang magtatapos," nakangiting sabi ni Phrixx habang nakatingin sa mga kabataan.
"Tara, medyo lapitan natin sila," anyaya ng guro kay Phrixx.
Sumunod naman si Phrixx para tingnan ang mga kabataang nagpapraktis. Nahagip ng kanyang paningin ang babaeng nakita niya sa may batis kahapon.
"So, dito pala nag-aaral ang babaeng nakita ko kahapon at graduating na siya," sabi ni Phrixx sa isipan niya.
Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng dating ng babae sa kanya. Parang kay lakas ng kaba ng kanyang dibdib. Sino nga ba ang dalagitang ito sa kanya at kung bakit ganoon na lang ang epekto sa kanyang pagkatao?
Seryoso niyang pinagmasdan ang dalagitang nakita niya kahapon or sabihin na lang natin na dalagitang nakakita ng buo niyang katawan na walang saplot.
Pagkatapos nilang malibot ang paaralan ay nagpaalam na siyang aalis na. Naibigay na rin nila ang dagdag tulong sa paaralan.
"Sir, uuwi na ba tayo or may dadaanan pa po tayo?" tanong sa kanya ni Jake.
"Umuwi na tayo," sagot niya sa kay Jake. Iniisip niya pa rin ang mukha ng dalagitang nakita niya kahapon at kanina. Sigurado siyang siya iyon.
Habang binabagtas nila ang daan pauwi sa mansyon ay nasisiyahan siya sa pagmamasid sa mga tanawin. Malaki na talaga ang pinagbago ng lugar na ito ngayon kaysa noon. Maganda ang buong araw niya hanggang sa makauwi na siya ng bahay.
Matapos maligo ni Phrixx ay nagpasya na siyang umahon at umakyat na sa kanyang room para doon na magbanlaw saka magbihis. Pagpasok niya sa kanyang room ay kaagad niyang tinanggal ang tuwalya na nakatapis sa kanyang baywang saka pumasok na sa banyo.
"Ahhh!" sigaw ni Stella sa gulat nang makita ang lalake. Kaagad siyang nagtakip ng mukha para hindi makita ang katawan nito.
"Ikaw?" gulat na tanong ni Phrixx.
"T-Tapusin ko lang po itong paglilinis ko at lalabas na rin ako," mahinang sabi ni Stella. Nakatalikod pa rin siya kay Phrixx.
"Pede bang malaman kung ano ang pangalan mo?" tanong ni Phrixx.
"Stella po," sagot naman ni Stella.
"Ikaw si Stella?"