Chapter 3

1113 Words
Dumating ang araw ng pag-uwi nila Phrixx sa kanyang hacienda. "Nakahanda na ba ang lahat?" tanong ni Phrixx habang pababa siya ng hagdan. Naka t-shirt lang siya ng puti, naka-short at rubber shoes. Sa tindig ni Phrixx ay hindi mo talaga masisisi ang mga kababaihan na humanga sa kanya. "Yes, sir, nakahanda na po ang lahat," sagot naman ng driver niya. "Good, siguraduhin ninyong maayos ang sasakyan," ani Phrixx. "Yes, sir, napa-check ko na po ito," sagot ng assistant nito. "Good, lets go," ani Phrixx sabay sakay sa sasakyan na dadalhin nila. Alam niyang mahaba-haba ang byahe nila patungo sa kanyang hacienda. Pero okay lang sa kanya dahil bakasyon naman ang kanyang pupuntahan at hindi magtrabaho, magre-relax din siya roon. Halos apat na oras ang tinagal ng biyahe nila Phrixx bago nila narating ang hacienda niya. Kitang-kita kagad ni Phrixx ang mga tauhan na naghihintay sa kanya sa labas ng kanyang mansyon. "Magandang araw, Sir Phrixx," halos sabay-sabay na bati ng mga tauhan niya sa kanya. "Magandang araw din po sa inyo,. Kumusta na po kayo rito?" nakangiting tanong no Phrixx sa mga tauhan na naroroon. Nakipagkwentuhan naman si Phrixx sa mga tauhan na naroroon at binalita sa kanya na maganda ang harvest ng mga mangga ngayon. Pinuntahan nila ang mga nagha-harvest ng mga mangga. Masaya si Phrixx nang makita ang mga harvest nila. Masaya rin siya dahil maayos ang kanyang hacienda. Kaya naman ay nagpasya siyang bago siya uuwi ay bibigyan niya lahat ng kanyang mga tauhan ng bonus. Iba ang pakikitungo ni Phrixx sa mga tauhan niya sa hacienda kaysa sa mga empleyado niya sa kanyang kumpanya. Malambot ang kanyang puso kapag sa mga tauhan niya sa hacienda ang kanyang mga kasama. "Sir Phrixx, nakahanda na po ang pagkain para sa pananghalian ninyo," sabi ng isang matandang babae. "Manang, pakidala na lang po rito lahat ng pagkain para salo-salo na po tayong lahat dito," nakangiting utos niya sa matanda at kaagad naman itong tumalima sa utos ng binatang amo. Habang nakikipagkwentuhan naman si Phrixx sa mga tauhan ay biglang nasagip ng tingin niya ang isang babae na naglalakad patungo sa likod ng mansyon. Hindi niya alam kung bakit biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Hanggang sa nawala na ito sa kanyang paningin. Pagkatapos ng salo-salo nila sa manggahan ay nagpaalam muna is Phrixx sa mga tauhan niya at pumunta siya ng mansyon. Dahil maalinsangan ang panahon ay nagpasya siyang maligo sa batis kung saan isa ito sa kanyang paboritong spot sa kanyang hacienda. Kumuha muna siya ng gamit niya bago siya pumunta doon. Hinubad lahat ni Phrixx ang kayang saplot sa katawan na lagi naman niyang ginagawa mula pa noon. Alam niyang wala namang tao sa lugar na iyon at tahimik lang. Hindi pa rin nagbabago ang batis na kanyang paboritong puntahan noong bata pa siya. Unti-unti siyang bumaba sa tubig. Napakalinaw at malamig ang tubig kaya nakaka-relax talaga ito sa katawan. Lumangoy kaagad siya at pinagsawa ang katawan sa lamig ng tubig. ----- "Bakit anong meron ngayon at lahat yata ay busy sa paghahanda sa masyon at hacienda?" tanong ni Stella sa mga kapatid niya. Dahil walang pasok kaya nasa bahay lang silang magkakapatid. "Hindi mo ba alam, Ate? Na darating ang may-ari ng hacienda ngayon?" tanong ng kapatid ni Stella sa kanya. "Kaya pala naghahanda sila," sagot lang ni Stella. Wala naman siyang pakialam dahil hindi rin naman niya kilala ang may-ari ng hacienda at amo ng mga magulang. Pinagpatuloy na lang niya ang kanyang ginagawa. Ipinagluto niya ang ama para sa pananghalian nito mamaya sa manggahan. Dahil anihan na ng mga mangga at alam niyang sobrang abala ang mga magulang niya roon. Palinga-linga naman si Stella para nahapin ang kanyang itay at ibigay ang pagkain nito. Nakita kaagad niya itong nagbibilang ng tiklis ng mangga at kaagad niyang nilapitan ang kanyang itay. "Itay, ito na po ang pananghalian ninyo," masayang sabi ni Stella sabay taas sa dala niyang baunan. "Naku salamat, anak," nakangiting wika ng kanyang itay. "Itay, kumain na po kayo habang mainit pa po itong pagkain," sabi naman ni Stella sa kanyang itay. . "Sige, anak hihintayin ko lang ang mga kasama ko, sabay-sabay raw kaming kakain nila sir," sagot naman ng kanyang itay. "Sir?" kunot-noong tanong ni Stella sa kanyang itay. "Oo, dumating na kanina lang. Nandoon at kasama ng mga ibang tauhan ng haciend," sabi naman ng kanyang itay. Nilinga naman ni Stella ang tinuro ng itay niya ngunit hindi niya iyon makita dahil natatabunan ito ng mga tauhan niya sa hacienda. "Ah ganoon po ba, Itay, sige po," sang-ayon na lang ni Stella sa kanyang itay. "Kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin," sabi pa ng kanyang itay. "Tapos na po kaming kumain sa bahay," sagot naman ni Stella. "Alagaan mo ang mga kapatid mo at baka mamaya ay kung saan-saan na naman pupunta ang mga iyon," sabi pa ng itay ni Stella sa kanya. "Opo, itay. Uuwi na po ako at baka nga kung saan na naman naggagala ang dalawang iyon," ani Stella sa kanyang itay. "Sige, mag-iingat ka," bilin naman ng itay ni Stella sa kanya. Sa likod ng mansyon dumaan si Stella para mas madali siyang makauwi. Pagdating naman ni Stella sa kanilang bahay ay tinawag niya ang kanyang mga kapatid ngunit walang sumasagot at tahimik ang buong bahay. Kaagad na pumasok si Stella para tingnan kung nandoon ba ang mga katapid ngunit wala ang mga iyon. Hinanap niya ang dalawang kapatid sa kanilang mga kapitbahay ngunit wala rin doon. Kanina pa naghahanap si Stella sa mga kapatid ngunit hindi pa rin niya nakikita ang mga iyon. Kunot-noo na si Stella sa kahahanap sa mga kapatid at halos napuntahan na niya ang palaging pinupuntahan ng mga kapatid. Isa na lang ang hindi pa ang na lagi ding pinupuntahan ng mga ito. Kaya nagpasya siyang puntahan ang mga kapatid doon. baka sakaling nadoon nga ang mga iyon. Tahimik ang lugar nang dumating si Stella roon. Bumababa pa siya para tingnan ang bawat sulok ng ilog at baka nagtatago lang ang mga kapatid niya. Dahil sa hindi tinitingnan ni Stella ang dinadaanan ay nadulas siya at napasigaw. Dahil sa sigaw ng isang babae na narinig ni Phrixx ay bigla siyang napaahon sa ilog. Nakita niya ang isang babae na nakaupo sa malaking bato. Hindi na niya alintana na wala pala siyang suot na kahit ano sa katawan. Napaangat naman ng ulo si Stella nang may narinig siyang umahon sa tubig. Isang malaadonis ang kanyang nakita at mas lalong napasigaw siya dahil sa nakita niya. "Ahh!" Sabay takip niyA sa kanyang mga mata. "S-Sino ka?" malakas na tanong ni Phrixx sa babae at sabay hablot sa towel na nasa batuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD