Chapter 2

1179 Words
Malalim ang iniisip ni Phrixx habang nasa beranda siya ng kanyang kwarto. Sumagi sa kanyang isipan ang kasunduan niya at ng mga magulang ni Stella. Nasa sampung taon pa lang si Stella nang huli niyang makita. Dahil matagal din siyang nasa ibang bansa para ka kanilang mga negosyo na naroroon. Kaya matagal-tagal na rin siyang hindi nakakauwi sa kanyang mansyon sa probinsya. Ilang babae na rin ang ipinakilala sa kanya ng mga magulang, ngunit ni isa sa kanila ay walang tumatagal sa kanya. Naging pampalipas oras lang sa kanya ang mga iyon. Wala siyang nararamdaman na pagmamahal sa mga babaeng nakasama at naikama niya. Hindi na niya alam kung ano na ngayon ang hitsura ng batang matagal na niyang hinintay na mapasakanya. Pero kailangan niyang tuparin ang pangako niya sa mga magulang ni Stella. Kahit pa sabihing si Stella ang naging kabayaran ng pagkakautang ng mga magulang niya kay Phrixx ay dapat pa ring alagaan ni Phrixx ang dalaga at protektahan. Hindi alam ng mga mgulang ni Phrixx ang kasunduang iyon. Nagsalin siya nang mamahaling alak at pinaikot-ikot niya ito sa baso sabay isahang lagok lang iyon. Napapikit siya sa tapang ng alak na iyon. Sa bawat lagok nang mapait na alak ay ang pag-iisip niya sa kung ano na kaya ang hitsura ng batang noon ay musmos pa lamang. Kinabukasan ay maagang nagising si Phrixx. Ginawa na niya ang araw-araw niyang routine— ang mag-exercise sa loob ng bahay niya. May sarili siyang gym sa loob ng kanyang pamamahay. Sa lawak at laki ng bahay niya ay halos kompleto na sa loob nito. Mag-isa lang siyang nakatira doon dahil wala ang mga magulang niya. Nasa ibang bansa sila at madalang lang din silamg umuwi ng Pilipinas para lang magbakasyon. Hindi rin sila nagtatagal at bumabalik din kaagad sa ibang bansa. Mga kasambahay, guard, at mga driver lang ang kasama niya sa bahay niyang iyon. Nakakalungkot kung tutuusin pero parang nasanay na rin siya sa ganoong takbo ng kanyang buhay. Lahat ng makakasalubong ni Phrixx na mga empleyado niya ay nakayuko at bumabati sa kanya. Halos lahat ng mga tauhan niya ay takot sa kanya. Kilala si Phrixx na masungit at seryosong tao ng kanyang mga empleyado. Alam nilang mahigpit din ito sa trabaho at kung may ayaw siya at may nilabag sa kumpanya niya ay kaagad niyang tinatanggal sa trabaho. Kapag oras ng trabaho ay trabaho talaga ang dapat na atupagin. "Good morning, sir," sabay na bati nila sa kanya. Tumango lang siya at patuloy lang sa paglalakad na animo ay model ng isang mamahaling brand ng damit. Nakasunod lang sa kanya ang kanyang secretary at ang kanyang assistant. "May meeting ba ako ngayon?" tanong kaagad ni Phrixx nang makarating na sila sa opisina niya. "Meron po, sir. Pero mamayang hapon pa po iyon," sagot ng kanyang secretary sabay abot sa kanyan ng isang folder. Naglalaman iyong ng schedule niya sa buong araw. Kinuha naman iyon ni Phrixx at binasa ang nakasulat doon. Tumango lang siya bilang pagsang-ayon sa nakalagay sa folder. "Ok, sige. Makakalabas ka na," utos niya sa kanyang secretary at lumabas naman iyon kaagad. Naiwan naman ang assistant ni Phrixx. "Anong balita sa pinapabantayan ko sa iyo?" tanong ni Phrixx sa kanyang assistant. "Tahimik pa sila sa ngayon, sir. Wala pa silang ginagawang plano laban sa mga kalaban nila," sagot naman ng assistant ni Phrixx sa kanya. "H'wag kang titigil sa pagmamanman sa kanila," utos ni Phrixx. "Opo, sir." "Good, tawagan mo ang katiwala natin sa hacienda at tanungin mo kung may kailangan sila roon para sa pag-harvest. Kahit ano na kailangan nila ay ibibigay natin," utos niya ulit. "Sige, sir. Tatawagan ko sila mamaya roon," pagsang-ayon ng assistant niya. "Baka isa sa mga araw na ito ay luluwas tayo roon," seryosong sabi ni Phrixx. "Sabihan mo lang po ako, sir, kung kailang para mapagsabihan ko sila roon at para na rin makapaghanda sila," sabi naman nito kay Phrixx. "Sige, makakaalis ka na," ani Phrixx at nagpaalam na ang assistant niya. Hindi alam ni Phrixx pero parang may nagtutulak sa kanya na umuwi muna ng hacienda. Parang may nagsasabi sa kanyang puso na umuwi siya. Naisip naman niya ang maamong mukha ng batang si Stella. Nasa tamang edad na si Stella ngayon at gaya ng usapan nila ng magulang ni Stella ay magtatapos muna siya ng kolehiyo bago niya ito kukunin sa kanila at iyon nga ay malapit ng mangyari. Handa na ba siyang kunin si Stella? Tanong niya sa kanyang sarili. Ngunit gaya ng napagkasunduan nila ay susundin niya iyon. Alam niyang malayo ang agwat nila ng dalaga ngunit wala siyang pakialam. Lalake siya kaya alam niya ang kanyang ginagawa. Hawak-hawak naman ni Phrixx ang kasunduan nila ng mga magulang ni Stella. Binasa niya ulit iyon at napangiti na lang siya nang maalala na naman ang mukha ni Stella. Huli niyang makita ito at sampung taon pa lang noon si Stella at ngayon ay dalaga na ito. Parang excited siyang makita ang dalaga. Tinawagan naman ni Phrixx ang kanyang assitant at sinabi nito na uuwi sila sa hacienda sa susunod na araw. Napangiti naman si Phrixx pagkababa ng telepono. Na-miss na rin niya ang maligo sa batis na lagi niyang ginagawa noon kapag nasa hacienda siya. Gusto niyang dalawin ulit ang kanyang nasasakupan. Kaya naman excited na siyang umuwi muna roon at kalimutan muna ang problema sa siyudad. ---- Habang nakahiga naman si Stella ay kung saan-saan na lang lumilipad ang kanyang isip. Hindi siya makatulog at hindi niya alam kung bakit. Parang may kaba sa kanyang dibdib na hindi niya alam kung para saan at kung bakit. Siguro dahil malapit na ang araw ng kanyang pagtatapos at hindi pa niya alam kung saan siya mag-aaral o kung makakaya ba nila na magpatuloy pa siya sa kolehiyo. Pero umaasa pa rin siya na makapagtatapos siya sa kursong gusto niya. Hindi lang naman iyon para sa kanya, kung hindi ay para na rin matulungan ang kanyang mga magulang at mga kapatid na maiahon sila sa kahirapan. Hindi na namalayan ni Stella na nakatulog na pala siya. Kinabukasan... "Inay, papasok na po kami," paalam ni Stella sa mga magulang nila. Kasama niya ang mga kapatid niya. Papasok na naman sila sa paaralan. "Sige anak, mag-iingat kayo," bilin ng inay nila. "Opo, Inay, salamat. Kayo rin po ni Itay, mag-iingat po kayo at h'wag po kayong masyadong magpapapagod," bilin din ni Stella sa mga magulang bago sila. "Stella, saan ka mag-aaral ng college?" tanong ng matalik na kaibigan ni Stella habang nagpapraktis sila ng kakantahin sa kanilang graduation. "Hindi ko pa alam kung saan ako mag-aaral," sagot naman ni Stella. "Ako, sabi ng nanay ko sa Manila raw ako mag-aaral at titira ako sa tiyahin ko roon," sabi naman ng kaibigan ni Stella sa kanya. "Mabuti ka pa. Ako, hindi ko pa sure," malungkot na sabi ni Stella. "Naku ikaw pa? Hindi naman papayag ang mga magulang mo na hindi ka mag-aaral," wika naman ng kaibigan niya. "Tara na nga. Saka na natin iyan pag-uusapan," nakangiting wika ni Stella sa kaibigan at ipinagpatuloy na nila ang pagpapraktis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD