END

1216 Words
NAPASIMANGOT SI Nadja nang sa paggising niya ay wala sa tabi niya si Angelo.  Sinabihan siya ng doktor na si Kester na manatili na lang sa clinic for observation.  Para lang daw masigurong hindi na lalala pa ang sakit niya at para na rin mabantayan ang progress ng kalusugan niya.  Pabor na pabor naman doon si Angelo kaya naroon sila magdamag.  Bago pa siya makatulog dala ng gamot na ibinigay sa kanya ng doktor, nakita niyang nasa tabi lang niya ang binata. “Saan kaya nagpunta iyon?” “Si Angelo ba?” nakangiting tanong ni Kester.   Ngayon lang niya napansin na may ibang tao pa pala sa clinic na iyon.  Nakaupo sa visitor’s chair si Cloud na nagbabasa ng magazine. “Ang sabi niya kanina may aasikasuhin lang siya sandali.  Babalik din daw siya agad.  Hintayin mo na lang mo siya.” “Okay.” “By the way,” singit ni Cloud nang hindi tumitingin sa kanya.  “Alam mo bang binawi na niya ang petisyon na patalsikin ka sa SRC two days after niyang inihain iyon kay Reid?” “Ha?” “Yeah,” dugtong ni Kester.  “Mabait naman talaga si Angelo.  Ayaw lang talaga niya ng binabalewala siya, lalo na ng isang babae.  Sanay kasi iyon na laging center of attention.  Kaya nang hindi mo siya pansinin at inuna ang paninilip kay Ian Jack, nainsulto siya nang husto.  But when you said you’re sorry, he immediately talk to Reid.” “Ang ibig mong sabihin, matagal ng walang bisa iyon kung ganon?” “Oo.”  Cloud closed the magazine in his lap and turned to her.  “What are you going to do now?” “Ha?” “Lalayuan mo na naman si Angelo?  Ngayong wala ng dahilan pa para manatili kang malapit sa kanya?” Naguguluhan siya sa pinagsasasabi ng mga ito.  Ngunit mas nagtaka siya kung paanong nalaman ng mga ito ang tungkol sa kasunduan nilang iyon ni Angelo.  Samantalang isang tao lang naman ang alam niyang nakakaalam niyon.  Si Jigger lang… “Did Jigger tell you about this?” “No, but Trigger did.  But its not as if its still a secret around here.”  Sumandal si Kester sa kinauupuan nito.  “Huwag kang magalit kay Angelo.  For sure, he had his own reason for not telling you about this.” “Instead, you should thank him,” si Cloud uli.  “Hindi lahat ng SRC member, kasing bait niya.” Subalit bago pa siya makasagot sa mga ito ay pumasok na roon ang lulugo-lugong si Ian Jack.  Kasunod ang gaya rin nitong si Angelo. “Damn it, Angelo!  Bakit kailangan mo pa akong suntukin?  You could have just ask me, you know.” “I don’t have anything to say to you.  Gusto lang talaga kitang upakan.”  Agad nagliwanag ang mukha ni Angelo nang makita siya nito.  “You’re awake.  Gusto mo ng kumain?” “Angelo, may sugat ka!”  Hindi na niya alam kung paanong hahawakan ang mukha nitong may pasa sa kaliwang pisngi at may sugat sa gilid ng mga labi.  “Ano ba ang nangyari sa iyo?  Saan mo nakuha iyan?” “Nagpang-abot lang kami ni Ian Jack sa labas.” “Anong nagpang-abot?” reklamo uli ni Ian Jack.  Inaasikaso na ni Kester ang mga sugat nito.  “Ikaw diyan ang basta na lang ako sinuntok.  Ano ba’ng problema mo?  Magkasundo na naman kayo ni Nadja, hindi ba?” Masiglang naupo sa tabi niya sa hospital bed si Angelo.  “Ewan ko rin.  Basta na lang uminit ang ulo ko nang makita kita.  Wala naman talaga akong balak na kantiin ka kung hindi lang nabanggit sa akin ni Jigger ang tungkol sa iyo.” “Tungkol sa akin?” “Tungkol sa iyo at kay…”  Lumingon sa kanya si Angelo.  “Ah, nevermind.  Sorry, ‘tol.” “Sorry…upakan kita riyan, eh.  Pasalamat ka at katabi mo si Nadja.  Dahil kung hindi, binalian na kita ng buto.” “Sige, para makabawi ako sa iyo, I’ll tell you a little secret.” “Masakit ang panga ko.  I don’t give a damn about your freakin’ little secret!” Ngunit hindi nakinig si Angelo.  Bagkus ay tumayo na uli ito, masiglang-masigla.  Excited. “Gusto kong kayo ang magsilbing witness sa proposal ko kay Nadja…”  Nilingon siya ni Angelo at binigyan ng napakatamis na ngiti nito.   She could see love shining in his eyes as he pulled out a little box inside the pocket of his jacket.  Tila nagkaroon ng karera ng kabayo sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang maliit na kahon na iyon. “Angelo, you wouldn’t mean…” “I mean it.” Hinawakan niya ang kanyang noo.  “Huwag mo nga akong bibiruin ng ganyan.  Kagagaling ko lang sa sakit!” Tumawa lang ito at naupo uli sa tabi niya nang buksan nito ang maliit na kahon.  Gaya ng inaasahan niya, singsing nga iyon.  Muntik na siyang magtititili nang hawakan nito ang kanyang kamay. “I’d like you to be a part of my life forever, Nadja.  Would you take me?” “Paano kang nakakuha ng singsing na ito—“ “Nadja.” “Sandali, mag-i-internalize lang ako—“  Isinuot na nito ang singsing sa kanyang daliri.  Sa wakas ay natahimik din ang natataranta niyang puso.  “This is for real…right?” “Its for real.” Naluluha na naman siya nang gawaran niya ng halik sa mga labi si Angelo at mahigpit itong yakapin.  Hindi na rin niya mapigilan ang kanyang pagtawa.  Totoo na nga iyon.  Sa kanya na ang puso isa sa mga ipinagmamalaking member ng Stallion Riding Club. “Ka-sweet naman nirâ.  Nakaka-inggit kamó.” Nakita niya ang tila mannequin na nakatayo sa labas ng nakabukas na pinto ng clinic.  May elegante itong sumbrero tulad ng isinusuot ng mga royalties ng Britanya at idinadampi-dampi nito sa mata ang isang panyo. “Ang ganda naman ng love story ninyo.”  “Thanks, Genil,” aniya saka pinalis ang luha sa kanyang mga mata. “Sa wakas natapos na rin,” narinig niyang sambit ni Ian Jack.  “Genil, anong ginagawa mo rito?  Wala rito si Rozen.” “Ginapamangkot ba kita?” “Ano raw?” “Kung tinatanong ka raw ba niya,” aniya.  Umiral na naman ang pagiging Ilongga ng eleganteng babae. “Nakasalubong ko si Trigger…ah, si Jigger yata iyon.  Ewan, basta isa sa kambal.”  Genil waved her gloved hand.  “Ipinapasabi  niya na kung makikita raw kita, Ian Jack, sabihin kong paalis na si Naville ng Stallion Riding Club.” “Naville?” “Who’s Naville?” Napansin niyang biglang natahimik si Ian Jack.  At tila ba naging uneasy sa kinauupuan nito.  Ngunit bago pa man siya makapag-usisa ay hinila na siya ni Angelo palabas ng clinic. “Ang iingay ninyo!” wika pa nito.  “Istorbo kayo sa moment ko!” Tatawa-tawa na lang siyang sumabay sa binata.  Oo nga naman.  Dapat ay silang dalawa lang ang sikat ngayon.  Afterall, he just asked her to marry him.   Ang saya-saya, ‘no? THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD