CHAPTER 18

853 Words
“WHAT?” “Anong what?”  Buwisit!  Handang-handa pa naman akong halikan ka! “What do you mean, you’re inlove with me and not with Ian Jack?” “O, iyon nga.”  Bakit parang hindi ito makapaniwala?  “May problema?” “Of course there was.  I just heard you confessed your love to him this afternoon!” “A, iyon ba?  Well, nasabi ko lang iyon dahil hindi ko matanggap na nawala na ang anomang nararamdaman ko para kay Ian Jack at napalitan iyon ng damdamin ko para sa iyo.  All my life, ang alam ko ay sa kanya lang tumibok ang puso ko.  Kaya nang isa-isahin sa akin nina Polly at Ada ang mga ikinikilos kong hindi ko namamalayan mula nang mapalapit ako sa iyon, nag-panic akong bigla.  Nang mga panahong iyon kasi, magulo pa rin ang isip ko sa mga nararamdaman ko para sa iyo kaya hayun, nasabi ko ang lahat ng mga narinig mo kahit hindi naman talaga iyon ang gusto kong sabihin.”  Buong puso niyang hinaplos ang nakakunot pa rin nitong noo.  “Kasalanan ko ang kaguluhang ito.  Pasensiya na kung nasaktan ka nang dahil doon.  Hindi ko sinasadya.” “Ah…” ungol nito.  “So you mean to say, nagtampo ako nang walang dahilan?” “Parang ganon na nga.” Pinisil nito ang kanyang ilong.  “Malaki ang kasalanan mo sa akin.  Pasalamat ka at mahal kita.” Maluwag na ang kalooban niya ngayong nagkasundo at nagkaintindihan na rin sa wakas ang kanilang mga puso.  “So, you forgive me?” “Kahit pasabugin mo pa ang Malacañang ngayon, hinding-hindi ako magagalit sa iyo.  Hindi ko makakayang magalit dahil ako rin naman ang mahihirapan kung sakali.” Ngumisi lang siya.  Parang siya man, willing siyang patawarin ito sa kahit na anong magiging kasalanan nito sa kanya nang mga sandaling iyon.  Kabaliwan na nga iyon.  Pero ganon an yata talaga kapag nagmahal ka.  Lahat ay tatanggapin mo, lahat ng kasalanan ay kaya mong mapatawad dahil nagmamahal ka.   “Angelo?” “Hmm.” “I’m sorry I’ve hurt you.” “Nah.  It was all worth it.” “Akala ko noon, talagang si Ian Jack lang ang lalaking mamahalin ko.  Pero nakuha mong maibaling ko sa iyo ang atensyon ko.  At sa huli, pait puso ko ay nagawa mo ring makuha.”  Hinalikan niya ang tungki ng ilong nito.  “Thank you.” “For what?” nangingiti nitong tanong. “Dahil minahal mo pa rin ako sa kabila ng alam mong ibang lalaki ang mahal ko.” “No problem.” “At salamat din, na kahit hindi ka naniniwala sa pamahiin ninyong mga miyembro ng Stallion Riding Club, isinakay mo pa rin ako sa kabayo mo.” “Hmm.  Hindi nga ako naniniwala roon.  But then, gusto kong makasiguro kaya isinakay na rin kita.  Thank goodness it worked!” Oh, yeah.  Thank goodness.  Nanatili lang siyang pinagmamasdan ang guwapong mukhang iyon na batid niyang hinding-hindi na uli niya makakalimutan.  At mamahalin habang siya ay nabubuhay.  She felt his hand pushing her nape towards him for a kiss.  Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.  Buong puso niyang tinanggap ang mga labi at halik nito.  Ngunit hindi naman iyon nagtagal dahil bigla nitong pinutol ang kanilang halikan. “What?” disappointed niyang tanong.  “Why?” Kunot-noo lang nitong idinampi ang palad nito sa kanyang noo.  “Nadja, you have a fever.” “Hindi!  Wala!”  Napabuntunghininga na lang siya nang hindi man lang ito makinig. Isinubsob na lang niya ang kanyang mukha sa sofa nang bumangon ito.  My kiss…where’s my kiss? “Kailangang kang madala sa ospital.  O sa clinic man lang.” “I don’t need to go to any clinic.  Lagnat laki lang ito.” “Nadja.” Tiningala niya ito.  “Why don’t you just kiss me?  I’m sure I’ll feel better after that.” “Nadja.”  Nagpamaywang na ito saka bumuntunghininga.  Pagkatapos ay buong ingat nitong inayos ang kumot sa katawan niya.  “We’ll have plenty of that later.  Pero sa ngayon, kailangan kang magamot.  I’ll take you to the clinic.” “Hay, sige na nga.”  Hinayaan niya itong kargahin siya.  At dahil doon ay nagkaroon siya ng pagkakataong mahalikan ito sa pisngi.  “Ikaw lang naman ang kailangan ko para gumaling ako.” “As much as I love to hear that, I don’t want to take any risk when it comes to your health.”  He kissed her again on her lips as they walked out the door into the yard where his four-wheel drive was waiting.  Tumila na ang ulan at maliwanag na rin ang kalangitan.  “Pahinga ka lang ngayon magdamag.  Don’t worry, kung sasabihin ni Kester na manatili ka sa clinic for the whole night, I’ll be there with you.” “Yeah.”  Inihilig niya ang ulo sa malapad nitong dibdib.  “I’d like that…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD