CHAPTER 17

1693 Words
“DRINK THIS.  Para kahit paano ay mainitan ka.” Tinanggap ni Nadja ang baso ng alak na ibinigay ni Angelo.  Pareho na silang tapos maligo.  Ang pagkakaiba lang, siya ay nakabalot pa rin sa makapal na kumot habang namamaluktot sa malaking sofa na iyon. “Salamat.”  Nagtagpo na ang landas ng mga damit niya at dryer.  Hinihintay na lang niyang matuyo iyon at nang makapagbihis na siya ng maayos.  Damit kasi nito ang suot niya ngayon.  “Kapag tumila na ang ulan, puwede bang magpahatid na sa iyo sa Picka-Picka?  Nakakahiya na kasi sa iyo.  Masyado na kitang naiistorbo.” “Wala naman akong sinasabing nakakaistorbo ka na.”  Naupo ito sa kabilang sofa.  “You can stay here as long as you want.” “As long as I want?” “Oo.” “Mamatay ka man?” Ngumiti lang ito.  “I’m glad you can c***k a joke again, Nadja.  Nami-miss ko na kasi ang mga witty remarks mo.” “Hindi naman ako nagbibiro.”  Napangiwi-ngiwi na siya nang malasahan ang mapait na lasa ng alak.  “Pwe!  Expired na yata itong alak mo, Angelo.  Ang sama ng lasa!” “Anong expired?  Vintage nga iyan.  Hindi ka lang kamo marunong uminom…hindi ka marunong uminom ng alak?” “Marunong, ‘no?  Watch me.”  She tried drinking again.  It tasted really awful but it was doing wonders to her system.  Kaya tiniis niya ang lasa.  “Waaah!  Grabe, tindi ng sipa, ah.  Isa pa nga.” “Tama na iyan.”  Kinuha na nito sa kanya ang baso.  “Pampainit lang ng katawan ang purpose sa iyo ng alak.  Hanggang dun lang iyon.” “Pero nilalamig pa ako.” Imbes na sumagot ay naupo lang ito sa tabi niya at inayos ang pagkakabalot ng kumot sa kanyang katawan.  Nilabanan niya ang pagkailang na nararamdaman.  Kaunting mga pagkakataon na lang ang nasa kanya para magkaron ng ganitong klaseng moment na kasama ito.  Kaya hindi na niya iyon dapat pinapalagpas.  Kung anoman ang maging resulta ng kabaliwan niyang iyon, bahala na si SpongeBob. “Nadja…?” “Hmm?” “I’m sorry about what happened to you and Ian Jack.” “Ha?” “You saw him…kissing another woman.  Alam ko kung gaano iyon kasakit para sa iyo.  Kung meron lang akong magagawa—“ “You’ve done enough, Angelo.”  Nilingon siya nito.  “Hindi nga maganda ang nangyari sa amin pero wala na tayong magagawa.  Sabi mo nga, hindi ako kayang mahalin ni Ian Jack gaya ng gusto kong mangyari.  Kaya huwag mo ng intindihin iyon.  Okay lang ako.”  She looked down her bare feet.  “Okay na ako.” Wala ng epekto sa kanya ang mga nakita niya kanina sa restaurant.  In fact, kung hindi nga nito binanggit ang tungkol doon ay hindi na niya iyon maaalala.  Mas naging abala kasi ang isip at puso niya sa mga nangyari sa pagitan nila ni Angelo.   The image of the woman clinging to his arm flashed her mind.  Nilabanan niya ang selos na ngumangata sa kalooban niya.  “Hindi ka ba hinahanap ng mga ka-date mo sa Riders Veranda?  Mukhang nagkakasiyahan kayo kanina.  Don’t you think masyado pang maaga na umalis ka sa party ninyong iyon?” “Closing party lang iyon para sa pagtatapos ng photoshoot namin dito sa Stallion Riding Club.  I don’t have to be there.  Besides, its just too boring for me.” “Boring?  Bored ka pa ng lagay na iyon?” “Bakit?  Hindi ba halata?” “Ang daming babaeng nakadikit sa iyo.  Dapat glorya ang pakiramdam mo nun.”  Kinusot niya ang kanyang ilong saka suminghot-singhot.  “Imposibleng na-bored ka pa nun.” “I’m bored.  Kaya nga ako umalis dun.  At kahit ilang babae pa ang kasama ko kanina, hindi iyon sapat para maibsan ang pagkabagot ko.” “Kaya umuwi ka na lang sa bahay mo?” “Kaya kita sinundan.” Muntik na siyang bumagsak sa kinauupuan niya sa narinig.  “S-sinundan mo ako?” “Oo.  Nag-alala kasi ako nang bigla ka na lang umalis ng Riders Veranda matapos mong makita ang nangyari kanina.”  Malakas itong napalatak.  “Gago talaga iyang si Ian Jack.  Kahit kailan, hindi na iginalang ang damdamin ng mga babae.  Kaya ikaw, hindi mo siya dapat pinag-aaksayahan ng luha.  Walang kuwenta iyon.” “Angelo, sinundan mo talaga ako?” “Oo.”  Inayos uli nito ang kumot na nakabalabal sa kanya habang nagsasalita.  “I saw you cried.  Muntik ko ng masuntok nun si Ian Jack kung hindi ako nag-aalala na baka bigla ka na lang tumalon ng bangin pag-alis mo ng Riders Veranda.” “Tatalon ng bangin?” “Well, what do you want me to think?  You look so hurt back then.  At para sa mga babaeng nabibigo, kahit ano ay magagawa nila.  Sinundan kita kahit saan ka magpunta.  Nang ma-realize kong wala ka namang balak mag-suicide at gusto mo lang talagang mapag-isa, hinayaan na lang kita.  Bumalik ako ng Riders Veranda at nagpaalam sa crew ko saka ako umuwi ng bahay ko.  I thought I might visit you tomorrow morning.  Even try to talk to you.  Pero nakita nga kita sa labas ng bahay.”  Napabuntunghininga na lang ito.  His hot breath gently touching her face as he looked deep into her eyes.  “Do you really love him that much?” “Ha?” “Ian Jack.  Do you really love him that much?” “B-bakit mo itinatanong iyan?”  At bakit parang nakikita niya sa mga mata nito na tila ba nahihirapan ito.   “Because…”  He gave out a frustrated sigh as he leaned back against the sofa.  “Because I hate to see you crying.  I hate to see that broken look on your face.  And I hate the fact that you had given your heart to someone who doesn’t know your worth.” “A-Angelo…”  Totoo ba itong naririnig niya? “Sabi nga sa isang kanta, nakaka-badtrip isipin na binabasura lang ng iba ang babaeng pinapangarap ko.”  Bumaling ito sa kanya pagkatapos.  “Alam mo iyon?” Tuluyan ng nablangko ang isip niya, lalo na ngayon habang pinagmamasdan ang guwapong mukha nito.   “Binalikan ko si Ian Jack sa Riders Veranda para sana iganti ka.  Kaso wala na siya roon.”  Muli nitong ibinaling ang atensyon sa kisame.  “Nadja, you don’t have to look so shocked.  I know this isn’t the right time to tell you about how I feel.  Pero kung hindi ako magsasalita ngayon, baka abutin na naman ako ng siyam-siyam sa paghahanap ng magandang timing para magtapat.  Baka may makasingit na namang ibang lalaki.” “Are you saying…you feel something for me?” “Oo.” Dumagundong ang puso niya.  “S-something like what?” “You know.” “Know what?” “Do I really have to spell it out?” “Spell what?” Dumiretso ito ng upo at nanggigigil na inipit ang leeg niya sa kumot na nakabalot sa kanya.  “I love you, damn it!  I love you because you’re so stupid sometimes and that made you look so cute!  I love you because you were enough for me to be satisfied with what I have.  I love you because you took me off my pedestal and made me realize a lot of things.  Like the things that I shouldn’t ignore.  Like the things I overlook because I was so full of myself.  Like…like the way I feel for you.”  Inalog-alog pa siya nito.  “Naiintindihan mo ba ako?” Nahihilo siya hindi dahil sa ginawa nitong pag-alog sa kanya kundi dahil sa mga sinabi nito.  Nakakahilo.  Nakakatuwa.  Natupad ang isa sa mga pangarap niya.  Ibinalik sa kanya ni Angelo ang pagtingin nito.  May bonus pa dahil minahal na rin pala siya nito.  Relief flooded her system and she gave out a heady laugh.  Ngunit kung kailan naman nagpipiyesta na ang puso niya sa kagalakang iyon ay saka naman niya nakita na naman ang kalungkutang iyon na gumuhit sa guwapo nitong mukha. “I really looked like a fool, don’t I?”  Kahit sa ngiti nito ay mapapansin ang kalungkutan nito.  “Oh, well.” Sumandal na lang uli ito sa sandalan ng sofa.  Hala, anong nangyari?  “Angelo?” “Don’t mind me.  Ganito talaga ako kapag nasasaktan.” “Nasasaktan?” “Mula nang mahalin kita, inaamin kong lagi akong nasasaktan sa tuwing nakikita kong kumikislap ang mga mata mo kapag nariyan si Ian Jack.  Naaasar ako nung una.  Hindi nga naman kasi ako sanay na wala sa akin ang atensyon ng babaeng gusto ko.  Pero pagdating sa iyo, natuto akong mag-adjust.  At magparaya.  Masaya ka kay Ian Jack, kaya masaya na rin ako para sa iyo.  Inaasahan ko na ang reaksyon mo ngayon sa mga ipinagtapat ko.” “Pero hindi naman—“ “Kaya lang, masakit pa rin pala.  But its fine.  Nasanay na rin ako dahil lagi naman akong nasasaktan nang dahil sa iyo.  I guess it goes with falling inlove with you, who’s already inlove with someone else.  Pero kahit ilang beses akong masaktan, okay lang.  Tanggap ko iyon.  Wala, eh.  Mahal kasi kita.  At siguro, karma na rin iyon sa akin para sa mga babaeng umiyak din nang dahil sa akin.” “Angelo Exel Formosa.” “Hmm?” Ibinukas niya ang kumot na nakabalabal sa kanya at isinaklob iyon dito.  Ngayon ay pareho na silang bilanggo ng kumot na iyon.  Saka niya ito itinulak pahiga ng sofa at dinaganan ito. “N-Nadja…” “Minsan sinabi mo na I deserve someone better, that I deserve to be happy and I deserve to be loved.”  Inilapit niya ang kanyang mukha rito.  “Well, I deserve you, you made me happier than I ever thought possible…and I love you.  Not Ian Jack.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD