CHAPTER 15

1465 Words
TAHIMIK AT tensyonado ang gabing iyon para kay Nadja.  Magkasama silang nagdi-dinner ni Ian Jack sa Riders Veranda dahil itinuloy pa rin nila ang kanilang date.  Ngunit damang-dama niya na pareho sila nito na hindi mapakali. “I think…” basag ni Ian Jack sa katahimikan.  “We have to discuss something, Nadja.  Nararamdaman mo ba iyon?” Napatingin siya rito.  “Oo nga, eh.  Ahm, ‘yung tungkol sa…sa narinig mo kanina sa Picka-Picka…ano, ah…hindi mo dapat iyon narinig, eh.  Sorry…” Nanatili itong nakatitig sa pagkain nito.  Ilang sandali rin ang lumipas bago ito tumikhim at nagsalita. “Nadja, ano kasi…ako dapat ang humingi sa iyo ng paumanhin.” “Ha?” “I don’t know how to tell you this without sounding like a jerk.  Pero kasi…mas makabubuting ibaling mo na lang sa iba ang anomang nararamdaman mo sa akin.  Hindi ako ang lalaking dapat mong mahalin.  Hindi ako ang lalaking dapat mahalin ng mga babaeng gaya mo.” “Bakit?  Bading ka ba?” “Ha?”  Napatitig ito sa kanya.  Pagkatapos ay bigla na lang itong tumawa.  And that seemed to have broken the ice between them.  “Of couse not!  Ikaw talaga, kung ano-ano na naman iyang pumapasok sa isip mo.” Napangiti na rin siya.  “Oo nga, eh.” “Pero, Nadja, totoo ang sinabi ko.  Sa tingin ko kasi, mas magiging masaya ka sa piling ng isang taong marunong magmahal.  I’m such a wanderer.  Hindi ko kayang isuko ng kalayaan ko para sa emosyon gaya ng nararamdaman mo.” “Ian…” “I’m sorry.  I don’t want to hurt your feelings but then, I don’t want to give you false hopes either.  Pero huwag mo ring isipin na niyaya kitang makipag-date para lang sabihin iyan.  Ang totoo, gusto talaga kitang maka-date.  Nakikita ko kasing masarap kang kasama at sa tingin ko ay pareho tayong mag-e-enjoy sa company ng isa’t isa.  Nang marinig ko ang mga sinabi mo kina Polly kaninang hapon, naisip kong dapat ko ng sabihin ito sa iya.  You’re a good girl, Nadja.  And you deserve someone who will return your feelings without hesitation.  I’m sorry I couldn’t be that person.  All I can offer is friendship and a constant companionship, kapag nalulungkot ka.” Habang pinapakinggan niya ang mga sinasabi nito ay kinakapa niya ang sariling damdamin.  Was she hurt?  Pero wala naman siyang anomang nararamdaman.  Ang kiliting hatid nito sa kanya noon kapag nakikita niya ito ay wala na rin.  Pati ang kaba sa kanyang dibdib na lagi niyang inaasahan kapag napapatingin ito sa direksyon niya ay tila nag-iba na ng ibig sabihin.  She could still feel something inside her heart for the man she thought she love.  Ngunit malayo na iyon sa dati niyang nararamdaman dito bago siya nagkaroon ng pagkakataong mapalapit kay Angelo. Si Angelo. Siya ang dahilan ng lahat ng pagbabagong ito sa damdamin ko.   Kailangan niyang makausap ang binata.  Subalit kailangan na muna niyang harapin ang kaguluhang hatid ni Ian Jack sa kanya.   “Okay,” sagot niya.  “Kung hanggang friendship lang ang kaya mong ibigay sa akin, walang problema.” “That’s nice.” “Yeah, I’d like to be your friend, Ian Jack.” “Are you…sure?” Tumango lang siya.  “Kaunti lang ang kaibigan kong lalaki kaya okay sa akin na madadagdagan ang bilang ng mga kaibigan kong iyon.” “Pero…paano na ang…nararamdaman mo?” “Hayaan mo na iyon.  Makakalimutan ko rin iyon.”  She took out a deep breath.  “Sa tingin ko ngayon, natuwa lang ako sa ideya na inlove nga ako sa iyo.  I mean, sinong babae ang hindi ma-e-excite na ang lalaking maaaring mahal na pala niya ay kasing guwapo mo?  Isa pa, ikaw pa lang kasi ang kauna-unahang lalaking nagparamdam sa akin kung ano ang feeling ng maloka-loka na sa pag-ibig.  Kaya inilagay kita sa pedestal.  Pero sa pagdaan ng panahon, kung hindi naman totoo ang damdaming iyon, mawawala rin iyon.  Gaya ng nangyari sa akin.” Ian Jack couldn’t hide his happiness.  Tinapik-tapik nito ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa.  Pagkatapos ay malakas itong napabuntunghininga. “Whew!  You don’t know how relieve I am, Nadja.  Akala ko, kapag kinausap kita tungkol dito, uupakan mo ako.” “Sira!  Ano naman ang palagay mo sa akin, bayolente?” “E…medyo.”  Ngumisi lang ito nang eksaherado siyang sumimangot.  “Hey, next month, pupunta na uli ako ng Australia.  Ano ang gusto mong pasalubong?” “Kangaroo.  ‘Yung three-folds.” Napakamot na lang ito ng ulo.  Natawa lang siya.  Nang mapadako ang tingin niya sa entrance ng Riders Veranda.  Maingay kasi ang bagong dating na grupo kaya hindi niya naiwasang tingnan ang mga ito.  At tila nanlaki ang kanyang ulo nang makita kung sino ang nag-iisang lalaking nakikipagtawanan sa grupo ng mga babaeng iyon. “Angelo…” sambit niya. As if he had heard her, napalingon ito sa direksyon niya at nagtama ang kanilang mga mata.  Saglit na nawala ang ngiti sa mga labi nito nang makita siya.  Damang-dama niya ang pagpiga na iyon sa  kanyang puso habang patuloy itong pinagmamasdan.  Isa sa mga kasama nitong babae ang yumakap sa braso nito. “Angelo,” untag dito ng babae.  “Let’s go?” “Ha?  Oh, yeah.”   Isang beses pang lumingon sa direksyon niya ang binata at ngumiti saka napatianod na sa babaeng kasama nito.  She so numb at that moment that all she could was follow him with her eyes. “Jealous?” narinig niyang tanong ni Ian Jack.  “Why don’t you go and get him?” Jealous?  She was jealous?  But why?   “Nadja.”  Nilingon niya si Ian Jack.  He touched her cheek and smiled.  “Sa tingin ko, gusto mo siya.  Kaya huwag mo ng itago iyan.  Go and get your man, dear girl.” Nang umalis ito sa harap niya, pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng panibagong lakas.  Ewan niya ngunit tila naging sundot iyon sa kanya upang tumayo siya sa kinauupuan at sundan ang direksyong tinungo ng grupo ni Angelo.  Dire-diretso ang lakad niya, hindi na niya halos alam kung ano na ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.  Basta ang sigurado siya, hindi niya gusto ang nakita kanina.  Kung selos mang matatawag iyon, sige, tatanggapin niyang nagselos nga siya.  At hindi niya maatim na may ibang babaeng dumidikit kay Angelo.  Kung bakit naman kasi ngayon lang niya ito naramdaman?  Kung kailan may iba ng babaeng umeksena sa pagitan nila?  At bakit ba kasi ngayon lang niya na-realize kung gaano na siyang apektado ng damdamin niya para kay Angelo?   “Angelo,” sambit niya sa kawalan.  “Saan ka bang nagsuot buwisit ka?  Layuan mo ang mga babaeng iyan.  Babaho ang kamay mo...” Natigilan na naman siya nang sa wakas ay makita ang binata kasama ng mga babae sa may veranda.  Nagkakasiyahan ang mga ito.  Habang siya ay tila mas lalong naramdaman ang pagpiga na iyon sa kanyang puso.  Pinapalibutan kasi ng mga babae ang binata, na mukhang tuwang-tuwa naman sa nakukuhang atensyon.  Napakagat-labi siya.  Huli na ba ang lahat para sa kanya?  Huli na ba para malaman nitong...mahal niya ito? Napadako sa direksyon niya ang pansin ng binata.  Napatitig din ito sa kanya at damang-dama niya ang matinding kaba na iyon sa kanyang puso.  A, hindi.  Hindi iyon kaba kundi normal na pagtibok lamang ng isang pusong nagmamahal.  Ang tanga-tanga talaga niya.  Bakit ngayon lang niya iyon naintindihan?  Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata.  Kaya bago pa siya magmukhang tanga sa harap ni Angelo ay bumalik na siya kinaroroonan ni Ian Jack para magpaalam sana.  Ngunit iba naman ang kanyang naabutan.  Dahil ang minsan niyang inakalang minahal ay abalang-abala na sa pakikipaghalikan sa isang babae sa isang tagong bahagi ng restaurant na iyon. So the two men in her life who taught her how to love decided to find another woman.  Bumaling siya sa pinanggalingang direksyon upang bigyan sana ng privacy ang mga ito subalit nakaharang naman sa daraanan niya si Angelo.  Sumikdo na naman ang puso nang makito ito.   “Angelo?  Bakit umalis ka na naman?” iyon ang babaeng umakay rito kanina palayo sa kanya.  “Come on, let’s go back.  Mas masaya roon.” Hindi na niya naitago ang matinding pagseselos.  Pumatak na ang mga luha sa kanyang mga mata kaya nagmamadali na lang niyang nilagpasan ang mga ito at umalis na ng lugar na iyon.   Tama ng parusa iyon para sa araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD