SA HARAP ng Lakeside Café and Restaurant nakarating si Nadja. Doon kasi ang may pinakamaganang view ng Taal Lake kaya marahil ay doon ang naging venue ng photo shoot ng crew ni Angelo. Ilan lamang ang mga taong naroon at nag-aasikaso kasama ng limang modelong babae. Si Angelo lamang ang tanging modelong lalaki roon.
“Okay, turn a little bit on your side, Angelo,” wika ng photographer na walang tigil sa pagpindot ng camera nito. “Jeuliette, put your hand on Angelo’s chest. Yes, that’s it…Danica, move a little more closer on Angelo’s side and lean your head towards his chest…that’s it…perfect…”
Nakatayo na lang siya di kalayuan at pinagmamasdan ang mga nangyayari. At kahit ayaw niyang aminin sa kanyang sarili, Angelo seemed to have proved to her why he was hailed as the most sought-after male model not just in the country but also in the international modelling world. Noong nakaraang araw nang makita niya itong natutulog sa duyan sa likod ng bahay nito, hindi nga ba’t pakiramdam niya noon ay tila humulas ang lahat ng inis at ngitngit niya rito? He looked like an innocent angel back then. Pero ngayon habang pinagmamasdan niya itong mag-project sa harap ng mga camera, tila bigla itong nagbago. He became the hottest piece of meat any woman would have to have taken a bit with.
“Nadja, ha?” saway niya sa sarili. “Ano ba naman iyang pinagsasasabi mo riyan? Patatalsikin ka na ng lalaking iyan sa SRC, nagagawa mo pa siyang purihin. Umayos ka nga.”
Impit siyang napasinghap nang madako ang tingin sa kanya ni Angelo sa kabila ng limang babaeng nakapaligid dito nang mga sandaling iyon.
“Angelo, give me a seductive look…that’s it.” utos pa rin ng photographer nito. “That’s it. Give me a look that will make the women scream for you.”
And he did just that. Ang problema lang, sa kanya nakatingin talaga ang kumag. At sa utos ng photographer nito, pakiramdam niya ay inakit siya nito nang husto na halos gustuhin na niyang tumili, just for the heck of it. His hair was swaying against the gentlest breeze and that oh-so-delectable look he was giving her almost made her went insane.
“Hala!” sambit niya sa sarili habang pilit na iniiwas ang tingin dito. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib nang mga sandaling iyon sa hindi malamang kadahilanan. “No, no, no. Wala itong kinalaman sa Angelo na iyon. I’m not even attracted to him. Si Ian Jack…si Ian Jack lang ang—“
“Para sa akin ba iyan?”
Angelo was drinking a bottled water, as his magnificent chest peeping through his still opened shirt. Tila pinasok na naman ng masamang hangin ang utak niya dahil natagpuan na lang niya ang kanyang sariling pinagmamasdan ito nang maigi. Because, darn it, he really was so good to look at!
“Ang alin?” He motioned the flowers she was holding. “Ha? Ah…oo.”
Lumapit pa ito sa kanya. Lumayo naman siya. Napakunot ang noo nito. “I’m not in the mood for playing games with you, Nadja. Kung ayaw mong ibigay iyang mga bulaklak, okay lang. Its not my type anyway.”
Umiral na naman ang kayabangan nito at kahit paano, iyon ang nakapagpabalik sa linaw ng kanyang pag-iisip. At sa tanging dahilan niya ng paglapit dito.
“Para sa iyo talaga ito.” Iniabot na niya rito ang bungkos ng tullips. “Puwede mo na bang bawiin ang petisyon mo kay Reid?”
Natigil ito sa pag-inom at napatingin na lang sa kanya sandali. “And you think maaalis ng mga bulaklak na iyan ang pang-iinsultong inabot ko nang dahil sa iyo?”
“Nakapag-apologize na ako doon, ah. Bakit ba hindi mo pa rin ako mapatawad?”
“Dahil hindi ako madaling makalimot ng mga taong nagkakaroon ng atraso sa akin.”
Hambalusin na kaya niya ito ng mga bulaklak na iyon? “Okay, fine. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para lang mapatawad mo na ako at bawiin na ang petisyong iyon?”
“Nothing.” Tinalikuran na siya nito. “I just want you out of the Stallion Riding Club.”
Sinundan niya ito. Hindi siya papayag na basta na lang mawala ang opportunity na mapalapit sa tanging lalaking naging espesyal sa kanya dahil lang sa kapritso ng impaktong lalaking ito.
“You’re being unfair, Angelo. Simple lang naman ang naging kasalanan ko sa iyo pero bakit hindi mo pa iyon mapatawad? I’ve already said my apologies. I even offered you this seven hundred pesos worth of flowers.”
“Kung nanghihinayang ka sa mga iyan, ibalik mo sa shop mo. Pero hindi na magbabago ang isip ko.”
Nakarating na sila sa loob ng Lakeside Café kung saan may nakalatag na buffet para marahil sa buong crew ng nagpo-photo shoot doon. Umakyat sa ikalawang palapag si Angelo. Sumunod pa rin siya. Ang buong palapag na iyon ay pribado para lamang sa mga club members sa mga gustong isama ng mga ito roon. At dahil siya lang ang nakabuntot kay Angelo, hindi tuloy sila nakaiwas sa mga panunukso ng ibang club members na kasalukuyang kumakain at nagpapalipas oras ngayon doon.
“Uy, ano iyan? Babae na pala ang nanunuyo ngayon sa mga lalaki?”
“I just love this riding club.”
“Nadja, sigurado ka na ba kay Angelo? Kunsabagay, guwaping naman iyan. Nakita mo naman na international model pa siya ngayon.”
Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at patuloy na sinundan si Angelo. Hanggang sa CR ng mga lalaki. Nilingon siya nito nang tangkain niyang pumasok. Inilahad niya ang mga bulaklak dito.
“Ayoko talagang umalis dito sa SRC. Masaya ako rito. Kahit na mga buraot minsan ang mga tao rito, masaya pa rin ako. Pero mas masaya ako dahil nandito si Ian Jack. You know I like him very much, don’t you? At isa siya sa mga dahilan kung bakit kailangan kong manatili rito. Please naman, Angelo. Patawarin mo na ako.”
“You like Ian Jack?”
Napangiti siya saka tila nangangarap na kinutingting ang mga bulaklak. “I liked him the first time I saw him. Ang cute-cute niya…”
“Ang babaw mo.”
“What?”
Pumasok na ito sa loob ng CR. Susunod pa rin sana siya kung hindi lang siya tinamaan ng hiya kaya nanatili na lang siya sa labas ng nakasarang pinto.
“Hindi kababawan ang magkagusto kay Ian Jack. For your information, isa siya sa mga pinakamabait na member ng club. Pinakaguwapo, pinakamasayahin, pinaka—“
Biglang bumukas ang pinto. Napaurong na naman siya palayo rito. He had his other arm leaned against the door frame that made him looked so masculine. At ewan niya kung dahil sa gulat ay tila tinambol ang kanyang dibdib nang makita ito. O talaga lang masyado itong naging guwapo sa paningin niya nang mga sandaling iyon.
Ian Jack…Ian Jack. Iyan lang dapat ang tanging lalaking nakakapagpalito sa isip mo, Nadja. Ang tanging lalaking nakakapagpabilis ng t***k ng puso mo. Hindi kasama ang lalaking iyan sa harap mo! Eww!
“Parang narinig kong sinabi mong mali ako, a,” wika nito.
“Ha?” Kailangan na niyang bumawi. Kahit magsinungaling pa siya. Syet talang kaba ito! “Naku, hindi. Tama ka. Mababaw naman talaga ako, eh. Tama lang iyong sinabi mo.”
“Talaga?”
“Oo naman. You’re perfect!”
“Nang-iinsulto ka na naman, Nadja.”
“Hindi!” Ibinigay na uli niya rito ang mga bulaklak. “Meron bang nang-iinsultong nagbibigay ng mga tullips? Na worth seven hundred pesos?”
Napakunot lang ang noo nito. Patay! Mali na naman ba ang kambiyo niya?
“Bakit lagi mong pinipresyuhan ang mga bulaklak na iyan? Kung masama ang loob mong ibigay iyan, huwag mong ibigay.”
“Naku, buong puso ko itong ibinibigay sa iyo, Angelo. Pramis. Nanghihinayang lang kasi ako kung tatanggihan mo ang mga ito. Magaganda pa naman.” Sinulyapan uli niya ang mga bulaklak. “At seven hundred pesos din ito.”
Bakit ba kasi ganito karami ang kinuha ni Polly na mga tullips? Iyon pa naman ang pinakamahal na mga bulaklak sa shop niya. Sana pumitas na lang siya ng gumamela sa mga nadaanan niya kanina. Kinalimutan lang niya iyon nang kunin sa kanya ni Angelo ang mga bulaklak. But he had touched her hand and didn’t take the flowers right away. Instead, he just held her hand and the flowers as he looked at her.
“I’ll take these,” wika nito. “Pero hindi ito sapat para makabayad sa naging kasalanan mo sa akin.”
“O-okay…” Sinubukan niyang bawiin ang kanyang kamay ngunit hindi siya pinapakawalan nito. Her heart started to rumble again. “So…a-ano ang puwede kong gawin—“
“I want you to work for me for the whole week.”
“Ha?”
“You heard me. Magiging alalay kita at katulong sa loob ng isang linggo. Saka ko babawiin ang petisyon kong paalisin ka ng SRC.”
“Alalay at katulong?” Ang dami yata nun, ah. “Hindi ba puwedeng isa lang sa dalawa? Wala kasing magbabantay ng Picka-Picka—“
“Do you want it or not?”
“Bitiwan mo muna ang kamay ko.”
“I’m not holding your hand.”
“You do.”
“I don’t.” Binitiwan nito ang kamay niya. Bumagsak ang mga bulaklak sa sahig. “See? I told you.”
Siya ang humahawak sa kamay nito, ganon? Paanong nangyari iyon? At bakit parang bigla siyang nawalan ng lakas na hawakan ang mga bulaklak na iyon? Ganon ba ang naging epekto sa kanya ng saglit na pagkakadaiti ng mga kamay nila ni Angelo? She looked at his handsome face. Ano nga ba ang meron sa mukhang iyon na nakakapagpalito sa kanya ng ganito? Na nakakapagpatibok nang husto sa puso niya? Samantalang ang alam niya, si Ian Jack lang ang nakakagawa niyon sa kanya.
Ian Jack.
“Okay, I’ll accept it. Magiging alalay at katulong mo ako sa loob ng isang linggo.” Napakunot ang noo nito. “O, bakit parang nagtataka ka pa? Iniisip mo bang aatras ako at kakalimutan ang panata ko kay Ian Jack? Neknek mo. Hindi ako ganon kadali mapapasuko ng sinoman sa pagsinta ko sa lalaking…sinta ko. Hi-hi-hi.” Dinampot niya ang mga bulaklak at nakangiti iyong ibinigay uli kay Angelo. “O, hayan. Ingatan mo iyang seven hundred pesos na tullips ng Picka-Picka, huh? Huh? A, teka. Jigger, halika dito sandali.”
Lumapit sa kanila ang isa sa notorious twins ng Stallion Riding Club. “Hindi ako si Jigger.”
“O kung sino ka man. Ikaw ang witness namin ngayon sa kasunduan namin ng Angelo Exel Formosa na ito. Na magiging alalay niya ako at katulong sa loob ng isang linggo. Isang linggo. Malinaw na malinaw, kapatid.”
“Hindi kita kapatid.” Nilagpasan lang sila nito at dumiretso na sa CR ng mga lalaki. “At huwag ninyo akong isali sa kabaliwan ninyong dalawa.”
“Okay!” Tinapik niya sa balikat ang tila naguguluhan pa ring si Angelo. “Bukas na ako magsisimula. Oo nga pala, itsa-charge ko sa iyo ang seven hundred pesos na tullips na iyan since hindi mo naman ako susuwelduhan. Okay? Okay!”