CHAPTER 6

1552 Words
NAKAPANGALUMBABA SI Nadja sa unang baitang ng hagdan sa front porch ng bahay ni Angelo.  Mag-a-ala sais pa lang ng umaga kaya makapal pa ang ulap sa bahaging iyon ng Tagaytay.  Nakadagdag pa ang lamig na iyon sa nararamdaman niyang antok.  Hindi siya sanay na nagiging ng ganito kaaga.  Sa Picka-Picka siya nakatira since dati naman talagang bahay ang naturang establishment at maliit lang na bahagi niyon ang ginawa niyang souvenir shop.  Kaya kahit anong oras ay puwede siyang gumising at magbukas ng shop.  Pero dahil ayaw niyang may masabi pa ang Angelo na iyon, inagahan talaga niya ang punta sa bahay nito para maaga rin siyang makapagsimula sa kung ano man ang ipagagawa nito sa kanya. “I didn’t you know you could be this dedicated.”  Nilingon niya ang nagsalita.  Nakaupo si Angelo sa lounger, nakapatong ang isang binti nito habang may hawak ng umuusok na tasa ng kape.   “Mahihiya sa iyo ang mga alarm clock.” “Wala kang sinabing eksaktong oras kahapon bago tayo naghiwalay.  Ayoko namang may maibato ka na namang reklamo laban sa akin kaya inagahan ko na ang punta rito.” Humigop ito ng kape nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.  Simpleng t-shirt at maluwag puting na cotton pants lang ang suot nito.  Pero nagawa pa rin nitong magmukhang kaakit-akit sa kanyang mga mata.   Lagi na lang, reklamo niya sa isip habang pinagmamasdan ito.  Kailan ka ba papangit?  Naman!   “Bakit hindi ka nagtanong kahapon?” “Nakalimutan ko na.”  Niyakap niya ang sarili upang kahit paano ay hindi gaaonong lamigin saka sumandal sa dalawang baitang pa ng hagdan.  “O, ano na ang iuutos mo?” “Mag-iisip pa ako.” “Mag-iisip?”  Nangati ang kanyang lalamunan kaya malakas siyang tumikhim.  “Mga ilang oras naman kaya ang aabutin niyan bago ka makapag-isip?” “Mga…kalahating araw.”  Tumayo na ito at lumapit sa kanya saka iniabot ang tasa nito ng kape.  “Magkape ka muna.  Mukha ka ng basang sisiw diyan.” Nagtaka siya sa inasal nito.  Hindi kasi siya sanay na makasaksi ng kabutihan nito.   “Huwag kang mag-alala,” patuloy nito.  “Walang lason iyan.” “Gayuma?” “You’re insulting me again, Nadja.  Para sa isang tulad ko, hindi ko na kailangan ng gayuma kung gusto kitang akitin.” Sinimangutan lang niya ito saka kinuha ang iniaabot nito.  Lantaran lang kasi nitong sinabi na wala itong gusto sa kanya kaya hindi ito mag-aaksaya ng panahon na akitin siya.   O, e, ano naman kung wala siyang gusto sa akin?  Kiber.  Si Ian Jack lang ang lalaking gusto ko.  Period. Sinundan niya ng tingin si Angelo nang pumasok ito ng bahay nito.  “Hindi man lang ako niyayang pumasok.  Walang puso!  Walang kaluluwa!  Walang balunbalunan—ay, bumalik!” Wala sa loob niyang humigop ng kape kaya hindi na kataka-takang napaso siya.   “Tsk!  Huwag mo kasi akong isipin,” narinig niyang wika nito.  Saka niya naramdaman ang paglapat ng init na hatid ng balabal na inilagay nito sa balikat niya.  “At ang pag-inom ng mainit na kape, dinadahan-dahan.  Ganito, ipapakita ko sa iyo—“ “Ano ba?”  Inilagay niya sa pagitan nila ang tasa ng kape dahil naupo na rin ito sa tabi niya sa baitang na iyon ng hagdan.  “I know how to drink coffee.” “Iyon naman pala, bakit napapaso ka pa?”  He put a finger under her chin.  “Ano, masakit ba?” Tinakpan niya ang bibig saka ito matamang pinagmasdan.  What the heck was he doing?  To her? “What?” tanong nito nang mahalata marahil ang pagtataka sa kanyang mukha. “Bakit tinatanong mo ako ng ganyan?” “Natural dahil napaso ka.” “Bakit biglang-bigla naman yata ang pagiging concern mo sa akin ngayon?” “Huwag kang mangarap.  Sinisiguro ko lang na walang anomang mangyayaring hindi maganda sa iyo dahil kargo kita habang nasa poder kita.”  Dinampot nito ang tasa ng kape at humigop din doon.  “Iyon lang iyon.” “B-bakit ka nakikiinom sa kape ko?” “Akin naman ito.  Pinainom lang kita.” “Pero ibinigay mo na sa akin iyan.” “Again, ‘pinainom’ lang kita.”  Iminuwestra nito ang tasa sa kanya.  “Its still mine.  Bakit pumangit na ang lasa nito?” “Ewan ko sa iyo.” “Hmm.”  Tumayo na uli ito at wala ng imik pang bumalik sa loob ng bahay dala ang tasa ng kape. Nakatanga na lang siya nakamasid dito.  What in the world was going on with him?  Hindi ito ang inaasahan niyang Angelo Exel Formosa na makakasama niya ngayon.  Napansin niya ang nakabalabal sa kanya. “Anong nangyari sa lalaking iyon?” tanong niya sa sarili.  “Hindi iyon ang Angelo na kilala ko.” Hindi kaya…may gusto ito sa kanya? “Miss.”  Nakatayo na sa nakabukas na pinto ang lalaki.  “Ano pa ang ginagawa mo riyan?  Pumasok ka na rito at ipagtitimpla mo pa ako ng kape.” “Ano?  Magtimpla kang mag-isa—“ “Katulong kita ngayon.  Gawain ng mga katulong ang magtimpla ng kape ng mga amo nila kapag nag-request ang mga iyon ng kape.”  He opened the door for her.  “I want some coffee.  Now.  If you don’t mind.” Grinding her teeth, she went inside the house.  Pero bago tuluyang pumasok ng bahay ay binigyan muna niya ito ng matalim na tingin saka nagtungo sa kusina.   “Where’s your coffee?” tanong niya rito. “Sa may kitchen counter.” “Your coffeemaker?” “Sa may kitchen counter.” Tiningnan niya ang itinuro nito.  Oo nga naman.  Naroon na pati ang dalawang tasa at kustsara na gagamitin niya.  Dalawang tasa? “Malamig sa labas,” wika nito nang tila nabasa ang kanyang iniisip.  “I’m sure gusto mo ring mainitan kahit paano kaya magtimpla ka na rin sa sarili mo.  ‘Yang balabal, ayusin mo ng gamit.  Bigay pa iyan ng isa sa mga fans ko.” “Opo,” padabog niyang sagot saka pabalang na ipinulupot lang sa kanyang leeg ang balabal na napipilitan nitong ipinahiram sa kanya.  “With or without sugar?” “Without.”  Naupo ito sa silya sa harap ng kitchen table.  “Nag-breakfast ka na?” Napalingon siya rito.  Kanina coffee, ngayon naman breakfast.  Talagang gusto na niyang magduda sa lalaking ito— “Sagot,” untag nito. “Oo, nag-breakfast na ako bago umalis ng bahay ko.” “Good.  Ayoko kasing may kasama kapag kumakain.  Ipaghanda mo na rin ako ng agahan.  Damihan mo.  At heavy meal ang gusto ko.  Dalhin mo na lang sa lanai sa likod bahay.  Unahin mo ang kape na isunod sa akin.” Pagtalikod nito palabas ng kusina ay napamaang na lang siyang pinagmasdan ito.  She really couldn’t believe this.  Talagang dinidibdib ng damuho ang pagiging señorito nito at pagiging atsay niya!  At sino ba kasi ang sira ulong nagpasok sa utak niya na maaaring may gusto ito sa kanya?   “Problem?” tanong nito nang bigla na lang siyang lingunin. “Wala po, among tunay,” buong sarkasmo niyang sagot.  Lasunin kita diyan, eh. “Nadja.” “Ano po iyon?” “Ayusin mo iyang paggamit sa balabal ko.  Bigay pa iyan ng fan ko.” “Ha?” “Tsk.”  Bumuntunghininga lang ito saka lumapit sa kanya. Napaurong pa siya palayo dahil hindi niya inaasahan ang paglapit nito sa kanya.  Ngunit hinila lang siya nito uli palapit dito at inayos ang balabal sa leeg niya.  Ewan niya kung dala lang ng pagkabigla niya kaya naramdaman niya ang malakas na pagkabog ng kanyng dibdib gaya ng naramdaman niya kahapon nang tingnan siya nito habang nagmo-modelo sa harap ng camera.  Subalit mas matindi ngayon.  Dahil ni hindi niya magawang tumingin man lang sa mukha nito.  Para kasing natatakot siya na kung ano ang makikita nito sa kanyang mga mata.   Teka, ano nga ba ang meron sa mga mata ko na katatakutan kong makita niya?   Siya na rin mismo ang sumagot sa katanungang iyon.  Wala.  But when she tried looking up to him and seeing his handsome face that close, she felt like all the feeling inside her just went off.  Wala siyang ibang nararamdaman nang mga sandaling iyon kundi ang malakas na t***k ng kanyang puso.  Iyon lang.  Napatingin din ito sa kanya at mas lalo pang dumoble ang pag-arangkada ng kaba sa dibdib niya.  Hindi niya akalaing darating ang pagkakataon sa buhay niya na nagwawala na siya sa loob, nagsusumigaw, ngunit walang anomang ingay na lumalabas sa kanyang bibig.   “O, bakit?” mayamaya’y tanong nito.  “Ngayon lang ba may nag-ayos ng balabal para sa iyo?  Well, there’s always a first time for everything, right?  ‘Yung kape ko, isunod mo na lang sa akin sa lanai.” Tinapik pa siya nito sa balikat.  At salamat doon dahil kahit paano ay nagising ang tila natulog niyang sistema.  Hinawakan niya ang balikat na tinapik nito kasabay ng pagkakadaiti rin ng kanyang kamay sa balabal na inayos nito sa para sa kanya. “Oo…” sagot niya sa hangin.  “Ngayon lang may nag-ayos ng balabal para sa akin…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD