“BOYFRIEND MO si Angelo?”
Gusto sanang taasan ng kilay ni Nadja ang babaeng nagtanong. Kasama ito sa limang modelo na gaya ni Angelo ay naghahanda na rin para sa photoshoot nang araw na iyon. Ngunit di gaya ng ibang modelo, ang babaeng ito ay mas abala pa sa pagtipa sa laptop computer nito imbes na magpa-cute sa mga napapadaang club members doon.
“Huwag mo akong tingnan ng ganya,” wika nito nang hindi naman lumilingon sa kanya. “Nagtatanong lang ako.”
Ang taray ng bruha. Naging model ka lang pero magkasing-level lang ang ganda natin. “Hindi ko boyfriend si Angelo.”
“Ano ka niya kung ganon? Alalay?”
“Ano naman kung alalay niya ako?” Inggit ka lang dahil malapit ako lagi sa kanya. Beehh!
Lalayasan na lang niya ito para hindi na siya maasar pa sa pakikipag-usap dito nagn marinig niya itong muling magsalita.
“Pumapayag ka ng ganon? Don’t you think that’s too degrading for us, women? Dapat ang mga babae, hindi nagpapaapi sa mga lalaki. Dapat, lumalaban sila. Kung nagkaroon kayo ng problema ni Angelo, maraming paraan para makabawi ka sa kanya. Hindi sa ganitong paraan na magpapaalipin ka sa kanya. Come on, girl. Ipagtanggol mo naman ang pagiging babae mo. Dapat ka niyang igalang kahit gaano pa kalaki ang naging atraso mo sa kanya.”
Nge! Sabay ganon? Biglang nagbago tuloy ang tingin niya rito. “Feminist ka ba?”
“No. I just believe na ang mga babae sa lipunan natin ay dapat mas binibigyang halaga. That Angelo guy, he could be charming and nice. Pero sa tingin ko, hindi pa rin tama na napakarami niyang babae.”
“Marami…siyang babae?”
Saka lang siya nito binalingan. “Selos ka?”
“Hindi, ‘no! Nagtatanong lang ako.” Humalukipkip siya. “Ikaw, may gusto ka ba kay Angelo?”
“Of course not. I’m inlove with Trigger.”
“Trigger?”
“Yeah.” Inginuso nito ang direksyon ng isa sa kambal na nakatayo sa tabi ng veranda ng Lakeside Cafe habang kausap ang ilang club members. “Trigger Samaniego.”
“That’s not Trigger.”
“That’s him.”
Tiningnan uli niya ang kinaroroonan ng isa sa notorious twins. Kahit siya ay nagududa sa hula niya. “Paano mong nalaman na si Trigger nga iyon? Ni minsan ay wala akong narinig na nakapagsabi ng tama kung sino si Trigger o kung sino si Jigger sa kanilang dalawa.”
Nagkibit lang ito ng balikat saka muling binalikan ang laptop computer. “Ganyan talaga pag-inlove. Kahit gaano pa kalaki ang mundo o kung gaano pa karami ang tao sa paligid mo, ang nag-iisang tao lang na mahal mo ang tanging makikita mo.”
Talagang nagulat siya sa sinabi nito. Ito ang unang pagkakataon na may nakatukoy ng tama sa kambal. Siguradong matutuwa nito ang mga tao roon sa SRC na nabiktima ng dalawang iyon dahil sa past time ng mga itong panggugulo sa lovelife ng mga tao sa kanilang paligid.
“Excuse me,” untag niya sa babae. “Anong pangalan mo?”
Nilingon siya ng babae at inayos ang salaming pangmata nito. “Jeuliette Altre.”
“Nadja.”
Nilapitan niya si Angelo nang senyasan siya nitong lumapit dito. Subalit hindi pa rin maalis ang tingin niya sa babaeng nagpakilalang Jeuliette Altre.
“Nadja.”
“Ha?”
“You don’t pay attention.”
“Ah. May iuutos ka?” Tiningnan uli niya ang babae. “Did you know she could easily tell who Trigger was from the twins?”
“No. Can you wipe away my sweat?”
“No.” Nakatingin pa rin siya sa babae. “Magkano kaya ang ibabayad sa akin ng mga taong gustong makaganti sa kambal na iyon para sa impormasyong ito?”
“Nadja.”
“Mukhang yayaman ako ng wala sa oras…” Nawala lang ang atensyon niya sa bagong natuklasan nang sa pagharap niya sa binata ay makita itong halos dalawang hakbang na lang ang layo sa kanya. Nakapamaywang at matiim ang pagkakatitig sa kanya. Napaurong siya nang wala sa oras hindi dahil sa nailang siya sa pagkakatitig nito sa kanya kundi dahil sa reaksyon niya mismo sa pagkakalapit nilang iyon.
“Alam mong nakasalalay sa akin ang pananatili mo rito sa SRC, Nadja,” seryoso nitong wika. “Pero mukhang balewala lang sa iyo iyon sa nakikita ko sa iyo. Sige, okay lang. Maybe I should just talk to Reid right now.”
Tinalikuran na siya nito. Doon lang siya tila natauhan kaya sinundan niya ito. “Pupuntahan mo si Reid?”
“I’ll tell him that he doesn’t have to wait for a week. Ngayon na mismo ay puwede ka na niyang patalisikin ng SRC.”
“T-teka, Angelo—“
“Maayos ang naging agreement natin, Nadja. Isang linggo kang magsisilbi sa akin. But you just forfeited that now.”
“What? Wala naman akong—Sandali lang, Angelo!” Hinawakan na niya ito sa braso upang pigilan. “Okay, okay. I’m sorry. Masyado lang akong natuwa sa nalaman ko kay Jeuliette.”
“I don’t care.” He started to walk again but she didn’t let him go.
“Sorry na nga, eh. Hindi na mauulit iyon. Sige na, bumalik na tayo doon. Baka mabulilyaso pa ang photoshoot ninyo dahil sa tantrums mo—“
“I’m not having tantrums.”
“Okay.” Sinubukan niya itong ngitian. “Balik na tayo?”
It worked because she noticed him relaxed. Pakakawalan na lang niya ito nang magdalawang isip siya. She liked this feeling, of holding him this way. Kaya siguro hindi rin niya ito agad pinakawalan.
“Bumalik ka kung gusto mo,” wika nito mayamaya. “I’m tired and I want to rest.”
“Ha? Paano ang photoshoot ninyo? Ni hindi pa nga kayo nagsisimula.”
“I was only there to supervise everything. Hindi ako kasali sa mga modelo ngayong araw.” Tinalikuran na siya nito at dahil nakahawak siya sa braso nito ay napasama na rin siya rito. “Puwede mo na ring bitiwan ang braso ko.”
Napahiya naman siya dahil napansin nito ang ginagawa niya kaya napilitan na rin siyang bumitaw dito. Ngunit dahil din doon ay hindi niya napansin ang naka-usling bato sa daraanan niya kaya siya natalisod at dire-diretsong bumagsak sa lupa. Agad niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang tuhod.
“Aray…”
“Ano ba iyan?”
She sat on the grassy part of the land to tend to her wounds. “Nakita mo na ngang nadapa ako, di ba? Nagtatanong ka pa. Aw…”
“Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?”
“Malay ko bang may extra’ng bato riyan…”
Nawalan na naman siya ng imik nang mag-squat sa harap niya si Angelo at maingat na inililis ang pantalon niya. “This is bad. Ito lang ba ang sugat na nakuha mo?”
“Bakit parang nanghihinayang ka pa yata na iyan lang ang sugat ko?”
“Parang ganon na nga. Naiinis ako sa mga taong hindi tumitingin sa dinaraanan nila. Can you get up?”
“Can you die?” Akala ko pa naman magkaka-puso ka na dahil sa nangyari sa akin. Hay naku, wala ka ng pag-asang maging tao, Angelo. Ngunit pinilit na rin niyang tumayo. Umalalay naman agad ang binata. Na mabilis din niyang tinanggihan. “Kaya ko ang sarili ko.”
“Okay. Sumunod ka sa akin sa clinic.”
Nauna na itong maglakad. Gustong-gusto na niya itong batuhin ng isa sa mga kabayong sinasakyan ng mga club members na nakasalubong nila. Wala talagang puso ang walanghiya. Hindi na naawa sa kanya. Nagpakipot lang naman siya ng kaunti, kinagat naman agad. Pero masakit talaga ang tuhod niya. Mahapdi ang sugat na nasasagi ng pantalon niya sa bawat paglakad niya kaya napilitan siyang huminto sa paglalakad.
“O, ano? Kaya mo pa?”
Masama ang tinging ibinigay niya kay Angelo. “Ewan ko sa iyo!”
“Puwede kitang tulungan.”
“I don’t need your help!”
“Okay.”
“Nadja? What happened to you?”
Parang nagliwanag ang buong paligid niya nang makita kung sino ang papalapit na ngayon sa direksyon niya sakay ng kabayo nito.
“Ian Jack…” Nakalimutan na niya ang iniinda at sinalubong ito. “K-kilala mo ako?”
“Paano kitang hindi makikilala, kapatid ka ni Neiji.”
Nagpiyesta na naman ang puso niya. He knew her! “Grabe, nandito ka pala? Kailan ka nakabalik? Ang sabi ni Polly, nasa Australia ka raw ngayon, ah.”
“The X-Game has been cancelled.” Bumaba na ito sa kabayo nito upang inspeksyunin ang sugat niya. “Bakit hindi ka magpunta sa clinic? Baka maimpeksyon iyan.”
“Ha? Ah…papunta na nga talaga ako roon, eh. Nagpahinga lang ako kasi nahihirapan akong maglakad.”
“Do you need help?”
“Yes, thank you.”
“Malayo-layo din ang clinic dito. Sumakay ka na lang sa kabayo ko.”
“Okay.”
Inalalayan siya nitong makaangkas sa likod ng kabayo nito. Ngunit hindi ito sumampa roon bagkus ay iginiya lang nito ang hayop patungo sa direksyon ng clinic. Nakangisi niyang nilingon si Angelo.
Beeehh.