bc

A Soldier's Love Montenegro Series 1

book_age16+
15.8K
FOLLOW
49.0K
READ
possessive
aloof
drama
sweet
scary
captain
soldier
small town
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

Si Bianca, umuwi ng bansa matapos ang dalawang taon na pagiging ofw abroad. Hindi n'ya inaasahan na sa kan'yang muling pagbabalik sa bansa ay makakaranas siya ng kabiguan sa lalaking kan'yang minahal at pinagkatiwalaan kaya naman nangako siya sa sarili na babangon at muling magiging matatag. 

Ayaw na niyang masaktan tulad ng naranasan sa dating boyfriend na sundalo kaya ginawa niya ang lahat ay  umiwas  sa mga lalaking nasa serbisyo.

Ngunit, mapaglaro ang tadhana dahil hindi titigil ang isang first lieutenant Mateo Montenegro na gawin ang lahat makuha lamang siya at mahalin n'ya.

Handa kaya siyang sumugal alang-alang sa tunay at totoo na pag-ibig na kan'yang inaasam?

Paano kung muling maging mapaglaro ang tadhana at muli siyang maging biktima ng nakatagong kasinungalingan sa likod ng pagkatao ng taong kan'yang pinagkakatiwalaan?

Lalaban ba s'ya para sa pag-ibig o muling susuko dahil napagod na ang kan'yang puso?

All Rights Reserved, 2021

Do not copy, plagiarism is a crime.

©️ Dragon1986

Warning‼️

Hindi ito typical na romance, 2nd chance love story ang plot ng kwento na ito kaya matagal lumabas ang bidang lalaki.

chap-preview
Free preview
Chapter 1

NAIA TERMINAL 1

Habang pababa ang eroplanong sinakyan ni Bianca ay hindi niya mapigilan ang labis na excitement na nararamdaman. It's been two years ago simula ng huling apak niya sa bansang sinilangan. Hindi siya mapakali bsa upuan habang panay ang silip sa labas ng katabing bintana.

"Hoy Bianca kumurap ka naman," sabi ng kaibigang si Sheng.

Kasamahan niya ito sa trabaho at pareho silang galing sa isang agency in-aplayan papuntang Lebanon.

"Ano ka ba nag-eemote ako dito at ninanamnam ko ang oras na ito, h'wag ka munang storbo bessy," sagot ni Bianca na hindi maitago ang excitement at saya.

"Sabagay parang katumbas ng sampung taon ang dalawang taon natin sa abroad sa sobrang homesick natin," sagot ni Sheng na katulad niya ay excited rin.

"Hay, sinabi mo pa. Kahit anong mangyari, hinding-hindi na ako babalik doon Sheng. Kaya hindi na ako nag-renew ng contact sa kanila dahil ang hirap nilang pakisamahan," reklamo pa niya habang hindi inaalis ang mga mata sa tanawin sa labas ng bintana.

"Ay nungka na babalik din ako ako sa kanila bessy. Kaya sumabay na ako sa 'yo pauwi dahil alam ko naman na mahirap ang maiwan pa ako doon," naiinis na sagot ni Sheng habang iniisip ang mga taong kasama nila sa loob ng dalawang taon.

Pareho silang abala ng kaibigan sa paghahanap sa kapatid na si Che-che na susundo sa jay Bianca sa arrival area terminal pero hindi niya ito makita. Nangako kasi ito na susunduin siya personally dahil excited rin ang ate niya na makita siya.

"Anong plano mo ngayon n'yan bessy saan ka tutuloy?" Hindi mapigil mag-tanong ni Bianca kay Sheng.

Wala kasi itong sundo dahil sa malayong probinsya nakatira ang pamilya nito.

"Mag-hotel nalang ako bessy at bukas na ako uwi ng Cagayan late na rin kasi at siguradong wala ng biyahe ngayon. Mabuti nang ganito ang gawin ko at least makakapag-pahinga pa ako," balewalang sagot nito.

"Mabuti pa doon ka nalang muna sa bahay ng ate ko, tutal siya rin susundo sa 'kin, sabay na tayo bukas umalis pa probinsya," suggestion ni Bianca since magkalapit lang terminal ng bus pa bicol at Cagayan.

.

"Ay, bet ko 'yan bessy para hindi na ako magbayad ng hotel at sure may free food pa," nakakatawang biro nito kay Bianca.

"Asus kuripot mo talaga," sagot niya sa kaibigan sabay irap nya rito.

Pilya na hagikhik lang sinagot sa kan'ya ni Sheng at sabay kurot sa braso ni Bianca.

"Huwag ka nang mag-alala, libre kita ng favorite mong guyabano," pagpatol nito sa kunwari ay naiinis na si Bianca.

"Yan ganyan ka lagi magaling may pampalubag loob bessy," natatawa na rin sya.

Ganyan silang magkaibigan, despite the differences between them e, naging malapit sila at naging sandalan ang bawat isa sa loob ng mahigit dalawang taon sa labas ng bansa na parang tunay na magkapatid.

'Bianca! Bianca!" Matinis na tinig ang narinig niya mula sa kaharap na dagat ng tao sa waiting area.

"Ate ko na yata 'yon bessy," mahaba ang leeg na sabi ni Bianca sa kaibigan habang hinahanap ang kapatid sa bulto ng napakaraming tao sa waiting area.

"Aba malay ko bessy. Hindi ko naman kilala kapatid mo," tuloy na pang-iinis nito sa kan'ya.

"Tse, kahit kailan talaga e, hay naku naman. Nasaan na ba si ate?" reklamo ni Bianca dahil kanina pa siya naghahanap sa kapatid.

"Hayon, siya 'yong maliit at maputing babae sa dulo. Nakita mo rin ba, Bessy? Let's go, tayo na lang ang lumapit sa kan'ya dahil hindi siya pwedeng pumunta dito, tawid na tayo," aya ni Bianca sa kaibigan.

"Bakit ang payat mo na sis? Mukhang nagutom kayo doon ah, pati rin itong kaibigan mo," puna ng kapatid nyang si Che-che ng makalapit sila dito.

"Paanong hindi kami papayat ate e, sa haba ng oras ng trabaho namin doon wala man lang kaming panahon na magpahinga. Isa pa, wala kaming off day kaya tiis talaga kami hanggang matapos ang contact," mahabang paliwanag ni Bianca sa kapatid.

"Naku ate sexy lang talaga ako, ito talaga ang katawan ko," sagot agad ni Sheng sabay ikot at pose pa sa harap nila.

"Ay siya nga pala ate si Sheng po, bestfriend ko at kasamahan ko sa trabaho sa Lebanon," pakilala ni Bianca sa kaibigan.

"Nice to meet you po ate," sagot agad ng kaibigan na mabilis naglahad ng palad.

"Katuwa ka naman Sheng," hindi mapigilang komento ng ate niya.

Masayahin talaga ang kaibigan. Happy pill niya ito during the time na wala siyang makapitan dahil sa labis na lungkot sa bansang pinuntahan.

"Tara na at pumila na tayo sa taxi stand ng makauwi na tayo. Alam ko na mga pagod at gutom na rin kayo," aya ng ate n'ya.

"Hindi ko tatanggihan 'yan ate dahil isa iyan sa hinihintay ko," biro ni Sheng habang hawak at hatak ang traveling bag.

"Walang problema sa sa akin 'yan, nakahanda na ang bahay namin. Ito kasi si Bianca hindi man lang sinabi na may kasama pala, di sana ay nakapag-handa ako ng maayos," reklamo ng kapatid habang ka sabay nilang naglalakad.

"Ito kasing si Sheng ate e, last minute nagsabi. kaya gan'yan ang nangyari akala ko naman may connecting flight papuntang Cagayan iyon pala, may balak pa magtipid at mag-bus na lang bukas," paliwanag niya.

"Hay naku bessy alam mo namang hindi sinagot ng amo natin ang connecting flight ko kaya okay na mag-bus ako. Alam mo namang nagtitipid ako. Ang hirap kaya kumita ng pera sa panahon ngayon," sagot ni Sheng

Kung sabagay, alam naman niya kung bakit ganito ang kaibigan. Sa dalawang taon, nakita niya na halos lahat ng sahod nito ay pinapadala sa pamilya sa probinsya kaya halos wala run natira.

"Alam ko na 'yang reason mo, mabuti pa sumakay na tayo at ng makapag-pahinga na," pagputol niya sa usapan dahil kong hindi, sigurado s'ya aabutin sila ng umaga.

Habang nasa byahe si Bianca ay nagpasalamat sa diyos. Nakauwi sila ng ligtas at kahit paano ay naka-ipon siya ng konti para may magamit siyang panimula.

"Welcome back and good luck self," mahinang usal niya sa hangin habang panay ang tingin sa mataas na mga building na nakatayo sa gilid ng kalsada.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Husband-SPG

read
4.6M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.2M
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.8M
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child (holand series 1)-SPG

read
2.6M
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
936.2K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
733.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.6M
dreame logo

Download Dreame APP

download_iosApp Store
google icon
Google Play