BIANCA Malakas na tunog ng alarm mula sa cellphone ko ang gumising sa akin. Aabutin ko sana ito, ngunit hindi ko maigalaw ang katawan ko. May mabigat na kung ano ang nakapatong pala sa mga hita ko, at nakapulupot na braso ni Mateo ang nakita ko sa bewang ko. Mabuti na lang at nag-set ako ng alarm bago natulog kagabi. Alas-nueve ng umaga ang kasal, at alas-siyete na. Sa tingin ko naman ay sapat na ang natitirang oras para makapaghanda ako. Masarap pa sanang matulog dahil malamig ang ihip ng hangin mula sa bintana at ang sarap sa pakiramdam na may kayakap ng ganito, tapos nakabalot ng kumot. Tama nga si Mateo nang sabihin niya kagabi na makakatulog daw ako kung yayakapin niya ako. Hindi ko nagawang tumanggi dahil mabilis akong nakaramdam ng antok at nakatulog ng mahimbing. "Hmmmm.” Na