"Iwan mo kami," matigas na utos ni Hilda na agad na sinunod ni Lucia. "Hihintayin ko po kayo sa elevator," bulong naman ng dalaga sa kaniya bago tuluyang umalis. Ang nakaarkong kilay ni Hilda ay biglang naglaho nang sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "I heard about your pregnancy." Nagbuga siya ng hangin mula sa ilong bago tumango. "Congratulations." Matagal niya itong tinitigan. Hindi niya alam kung bukal ba sa loob nito ang sinabi o hindi. Subalit pinili niyang muling tumango at magpasalamat. Lalagpasan na dapat siya ng babae pero bigla itong huminto sa kaniyang gilid. "Kahit pumayat ka, you still don't deserve him." Akmang muli itong hahakbang nang ngumiti siya at hinarap ito. "Magkakaanak na kami, kaya wala na akong pakialam sa sasabihin mo o sa tingin mo sa akin." Magalang si