NAGBIGAY ng ngiti sa mga labi ni Patti ang mga bulaklak na bumungad sa kaniya sa paglabas niya ng closet room. Ibinaba ni Andriano ang dala nitong bouquet upang makita niya ang mukha nitong nakangiti. "Another one?" Umangat ang isang kilay niya bago tinanggap ang mga bulaklak ng pulang rosas. Mula sa mga rosas, naglandas ang paningin niya sa paligid ng kuwarto nila. Tatlong araw pa lang ang lumilipas simula nang malaman nila na nagbubuntis siya, pero halos mapuno na ng mga bulaklak ang kanilang kuwarto. Bawat alis at balik ni Andriano mula sa lakad nito, laging may pasalubong na dala para sa kaniya. Flowers, jewelries, branded clothes, expensive things. Lahat ng magaganda sa paningin, binili na nito. Hinagkan siya ni Andriano sa magkabilang pisngi bago nilapag ang briefcase nito sa iba