SANDALING natigilan sa pagtitipa ng email si Andriano nang makarinig ng ilang katok sa pinto ng opisina niya. Hindi niya ito binigyan ng pansin at itinuon lang ang atensiyon sa ginagawa, sa pag-aakalang si Carol lamang ito, ang kaniyang sekretarya. "Surprise!" Napahinto siya sa ginagawa at mabilis na nabaling sa nakangiting mukha ng babae ang kaniyang paningin. "Maggie?" Patakbong lumapit sa kaniya ang dalaga dala ang isang brown paperbag. Agad siya nitong dinampian ng halik sa mga labi bago walang sabing naupo sa kandungan niya. "I miss you so much, mahal!" Pinaghahalikan siya nito sa mukha at leeg. Pilit naman siyang umiiwas sa mga labi nito. Sinubukan niyang kumawala sa babae, pero bigla nitong pinulupot ang mga braso sa leeg niya. "Didn't you miss me?" Sa wakas ay tumigil ito