BUMUNGAD sa dalagang si Maggie ang aburidong mukha ni Andriano nang pagbuksan niya ito ng pintuan. Diretsong pumasok ang lalaki at hindi man lang pinansin ang suot niyang sexy lingerie, maging ang mamahaling pabango na napilitan pa siyang bilhin, para lang magpa-impress dito. "Mahal! Mabuti naman at nandito ka! I'm so happy to see you!" Pinili niyang hindi pansinin ang pandededma nito at nagkunwaring masigla. Sinundan niya ito hanggang sa makapasok siya sa kusina. Nakita niyang kinuha ng lalaki ang bote ng alak sa loob ng fridge, saka nagsalin sa hawak na baso at diretso iyon tinungga. Agad niyang pinulupot ang mga kamay sa braso nito at naglalambing itong hinalik-halikan sa pisngi. "Are you going to stay here for the night?" Bumaba ang paningin niya sa bote ng alak na nakapatong sa iba