CHAPTER 16

2406 Words

DUMATING ang sabado at niyaya na akong lumabas ni Tristan para mamasyal daw. Tristan na ang tawag ko sa kaniya dahil ayaw niya naman na tawagin ko pa siyang sir, dahil hindi ko naman daw siya boss. Ayaw niya rin na tawagin ko siyang kuya, dahil parang nagiging matanda raw siya kapag tinatawag ng gano'n. Samantalang hindi naman talaga gano'n ang iniisip ko sa kaniya. Tinatawag ko siyang kuya ay para galangin siya, dahil mas matanda naman talaga siya kaysa sa akin, kaya tama lang na tawagin ko siyang kuya. Pero mukhang ayaw naman niya ng paggalang mula sa akin. Kaya naman sinanay ko na lang ang sarili ko na tawagin siya sa pangalan niyang Tristan. Sa isang linggo kong pananatili sa condo niya ay nagiging komportable na ako sa kaniya. Nagiging komportable na kami sa isa't isa na parang tu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD