Tristan Wala naman sigurong masama kung itatakas ko si Blythe para makasama ko. Alam kong magagalit si Kuya, dahil ’yong utang ang inaalala niya na nasa 150 million. Malaking halaga rin ’yon. Pero bahala na—basta itatakas ko si Blythe mula sa kaniya. Honestly, naaawa na rin kasi ako kay Blythe gayong nalaman ko na na pinambayad lang pala siya sa utang ng kuya niya kaya siya narito sa Isla bilang katulong. Ang bata pa niya para akuin ang isang kasalan na wala naman siyang kinalaman. Hindi bagay sa ganda niya ang maging katulong lang dito sa Isla. So no, hindi ako papayag na gawin lang siyang alila ni Kuya dito. Ako ang magiging knight in shining armor niya. At ngayong gabi, sisimulan ko na ang aking plano sa pagligtas sa kaniya. Good luck to me. “Kuya, uminom naman tayo,” I said as we

