Tinanghali na ako ng gising kinaumagahan, pero kahit papaano ay maganda naman ang naging gising ko. Napahikab ako at napaunat-unat pa bago bumaba ng kama at lumapit sa bintana. Hinawi ko ang burgundy na kurtina at binuksan ang bintana. Napangiti na ako nang mapatanaw sa labas. Ang ganda ng view. Tanaw na tanaw ang puting buhangin at malawak na karagatan. Ang sarap din ng pagpasok ng simoy ng hangin. Nakaka-relax. Mas napangiti pa ako nang masaksihan ang unti-unting paglabas ng sunrise. “Blythe!” Napalingon ako nang marinig ang pagtawag ng boses ng katulong sa labas at pagkatok nito sa pinto. “Lumabas ka na riyan kung gising ka na para makapag-almusal ka na.” “Sige po mamaya, maliligo pa ako!” sagot ko at pumasok na ng bathroom nang hindi na ito hinintay pang makasagot. Naligo na ak

