TINANGHALI NG gising si Temarrie kinabukasan. Agad nabaling agn atensyon niya sa katabing unan pagmulat niya ng mga kanyang mga mata.
“Dinala niya ako rito sa kuwarto niya? Wait. Magkatabi ba uli kaming natulog…?”
Well, malinis at maayos ang parte ng kama sa kabilang side na hinigaan niya. Unless inayos iyon ni Jubei bago bumangon.
Napabuntunghininga na lang si Temarrie. Wala na talaga siyang matandaan dahil sa kotse pa lang yata ay mahimbing na ang naging pagtulog niya. Inabot niya ang unan nito at inamoy-amoy iyon. His masculine scent was still clinging to his bed. Pero walang indikasyon na ‘fresh’ ang amoy ni Jubei na naroon sa unan.
“Mukha kang tanga, Temarrie. Ever since that first day na nag-away kayo sa kama na ‘to ay hindi na uli nangulit si Jubei na makipag-agawan sa iyo sa kuwarto na ‘to, ‘di ba? Isinuko na niya ang kuwarto niya sa iyo.” Niyakap niya ang malambot na unan. “He’s a good man, don’t you think? Hinayaan ka na niya sa lahat ng gusto mong gawin, tahimik na sinusuportahan sa pag-put up ng restaurant na iyon. And now, he even cared enough for you to pull you out from your work because he thought you’re working way too much. Nag-alala siya na napabayaan mo na ang sarili mo.” she gave out a big, comfortable sigh. “I had a great sleep, thanks to him.” Iniharap niya ang unan sa kanya at ‘kinausap’. “You married the right man, Temarrie Icasiano. Maybe your father did something good for you once.”
Her father.
Ngayon lang din niya napansin na hindi na siya nakatanggap ng anomang updates dito mula nang umalis ito ng bansa. Kahit ang mga kapatid niya ay hindi rin siya binibigyan ng balita tungkol sa kanilang ama. Oh, well. Whatever. He must be doing great for ignoring his only daughter again.
“Whatever.” Abala naman siya sa mga bagong gawain niya sa buhay ngayon. Her father can call anytime he wanted. Or never. She couldn’t care less. For now, though, she just wanted to spend more time with her husband.
My husband…
She couldn’t help smiling again as she got up and readied herself. Sabado ngayon. Siguradong hindi papasok sa opisina si Jubei. Maybe they could spend some time together, as newly wed couples do. Puwede niyang puntahan ang restaurant pagkatapos na lang ng lunch nila since ilang araw na rin naman siyang babad sa pag-aasikaso doon. Kaya naman nag-ayos agad si Temarrie at isinuot ang pinaka-kumportable pero maganda niyang damit. ‘Yung tipong hindi mahahalata na sinadya niyang mag-ayos para sa kanyang asawa.
Gusto niyang maging maganda sa paningin nito. Sa anong dahilan, hindi niya alam. Basta lang gusto niyang magustuhan ni Jubei ang itsura niya. She let her long hair fell freely across her back and went out to find him having coffee with three other guys at the veranda. Balak sana niyang huwag ng istorbohin ang mga ito dahil mukhang may importante silang pinag-uusapan. Pero napadako ang atensyon ni Jubei sa direksyon niya at pagmasdan siya mula ulo hanggang paa. She was never conscious about her physical appearance but for the first time, she suddenly felt…shy.
Good shy.
Kaya kahit medyo nahihiya siyang bigla, she was happy he was looking at her like that. Like she was very pretty in his eyes. Like she was the most beautiful woman in the world at the moment. And she couldn’t hide her satisfied smile.
“Oh, hello there,” bati ng isa sa mga kasama nitong lalaki. “You must be Temarrie, Jubei’s wife?”
“I just got married, Neiji. Paano mong naisip na may ibang babae akong kasama sa bahay ko bukod sa asawa ko?”
“Huwag mo kasing iniintriga si Jubei, Neiji. Masyado pang maaga.”
“Maghintay ka muna na magtanghali, Neiji. ‘Yung hindi na masyadong excited si Jubei na makita ang asawa niya sa umaga.”
Nagpalit-lipat ng tingin si Temarrie sa dalawang lalaki na magkamukhang-magkamukha. The most handsome pair of twins I’ve ever seen. At the same time, her instint was also sensing the mischievous nature of the two that she must be careful of.
Kailangan ko rin bang balaan si Jubei? Baka hilahin siya sa impiyerno ng aura ng kambal na ‘to.
“Relax, Mrs. Bernardo. Hindi kami manggugulo sa bagong buhay ni Jubei.”
“Medyo lang. At paminsan-minsan lang.”
Hala. Nahalata ba ng kambal ang iniisip niya? Kailangan nga talaga niyang mag-ingat sa mga ito. Si Jubei din, kailangan niyang mailayo.
“Mukhang coffee lang ang mayroon kayo. Gusto nyo bang ipaghanda ko kayo ng breakfast?”
“Oh, wow. Napaka-swerte talaga ni Jubei,” wika ni Neiji. “May maganda ng asawa, napakabait pa. May kapatid ka pa ba, Temarrie?”
“Meron,” sagot ni Jubei. “Sina Anthony at Marlon. Mga kuya niya. Pareho na ring married. In short, layuan mo ang asawa ko kung ayaw mong punitin ko itong kakapirma ko lang na business contract natin.”
The twins nodded and grinned.
Neiji just smiled. “Temarrie, kapag naburyong ka na kay Jubei, isoli mo na lang siya sa parents niya. Kontakin mo rin ako. I’m not interested in any serious relationships now, but I can introduce you to some good men. ‘Yung hindi aburido tuwing umaga gaya nyang asawa mo. By the way, hndi pa pala ako pormal na nakakapagpakilala. I’m Neiji Villaraza, ang pinakaguwapo sa aming apat dito. That’s B1 and B2,” turo nito sa kambal. “They’re the devil incarnate.”
“Si Lucas Villanueva na ang may hawak ng titulong ‘yan,” wika ni ‘B1’. “Bukod sa pagiging prinsipe niya ng mga evil spirits.”
“Nadagdagan na pala ang sakop ng kaharian niya,” dugtong ni ‘B2’. “I want to be friends wit him.”
“Aren’t you already?” komento ni Jubei. “Tinuruan nyo na nga siyang mandaya ng hindi nahahalata sa naging huling tournament natin sa Stallion Riding Club, ‘di ba?”
“Yes. Pero hindi pa kami masyadong close.”
“Yeah, and we wanted to be closer to him. Parang mas marami siyang alam na pandaraya kaysa sa amin.”
“Really now? Iyan talaga ang topic ng usapan?” baling ni Neiji sa mga ito. “Sinadya natin si Jubei para kumustahin silang mag-asawa dahil biglaan ang naging kasal nila. At hindi ba’t gusto nyo pang itanong na kambal kung bakit iba ang pinakasalan ni…” Neiji’s voice trailed off and his eyes went towards Jubei. “Ah, well, nevermind.” Inilahad na lang nito ang kamay kay Temarrie. “It’s good to meet you, Temarrie…”
Si Jubei ang sumalo sa kamay ni Neiji. Nakalapit na pala ito kay Temarrie nang hindi niya namamalayan. “Masaya rin si Temarrie na makilala kayo. By the way, Temarrie, sina B1 at B2 ay sina Trigger at Jigger Samaniego.”
They knew about Rumina. Nagpunta sa bahay nila ang mga kaibigan ni Jubei dahil curious ang mga ito kung bakit hindi ang totoong kasintahan ni Jubei ang pinakasalan nito.
“Neiji, hindi ba’t naghahanap ka ng modelo para maging modelo sa bagong product ng kumpanya mo?” tanong ng isa sa kambal. “Temarrie would be perfect. She’s beautiful and she has nice, long hair.”
“I agree,” segunda ng kakambal nito.
“Model? Sorry, pero hindi ako model.”
“Oh, you don’t need to have experience. Just your existence is already perfect for my newest project.” Bumalik uli si Neiji sa harap ni Temarrie. Halata ang sobrang excitement sa mukha nito. “Can you model for my Stallion Shampoo? Wala ka namang ibang gagawin kundi ang ngumiti sa camera at bahala na ang buhok mo ang mag-promote sa bagong launch na product ng kumpanya ko.”
“Hindi pa ako pumapayag, Neiji,” singit ni Jubei. “At hindi mo ba narinig ang sinabi ni Temarrie? Hindi raw siya model so give it a rest already. Iba na lang ang hanapin mo. Marami pang ibang mas magagandang modelo kaysa sa kanya.”
Temarrie didn’t like what she heard. Nilingon niya si Jubei. “At anong ibig mong sabihin? Na hindi ako maganda para sa commercial na iyon?”
“Well, Rumina’s doing modelling as well, right?” wika ng isa sa kambal. “Kung hindi papayag si Temarrie, I think Rumina’s gonna do fine, Neiji.”
“At makakakuha ka pa ng discount sa talent fee niya kung si Jubei ang personal na hihingi ng pabor sa kanya,” dugtong ng kakamabl nito.
“But…I really prefer Temarrie…”
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Temarrie kanina?” baling ni Jubei kay Neiji. “Hindi nga siya modelo kaya--”
“Kaya mas gusto mong si Rumina na lang ang kuning modelo,” sansala ni Temarrie sa sasabihin pa ng kanyang esposo. “I’m not pretty enough, ganon?”
“I didn’t say that.”
“I heard you.”
“We heard you too,” segunda ng kambal. “Right, Neiji?”
Tabingi na ang ngiti ni Neiji, halatang hindi alam kung sino ang sasang-ayunan. Unti-unti na ring nasisira ang magandang umaga ni Temarrie.
“Fine. I did say that,” wika ni Jubei. “Pero hindi ka pa rin naman talaga makakagawa ng commercial dahil sa dami ng trabaho mo sa restaurant—“
“I think ako lang ang makakapagsabi niyan sa sarili ko.”
“Well, aren’t you the one who just couldn’t seem to have enough time to finish all the work yesterday?”
“At hindi ba’t ikaw din ang dahilan kung bakit hindi ko natapos ang ibang trabaho na dapat ay natapos ko na kahapon dahil bigla mo akong kinidnap sa restaurant?”
“I did it because you look so exhausted. Nakatulog ka na nga sa biyahe pa lang natin at ngayon ka na lang nagising dahil sa sobrang pagod.”
“Ah, you know, hindi naman kailangan na ngayon mismo magdesisyon si Temarrie,” singit ni Neiji. “You can talk it out first at kung ano ang maging desisyon nyo, sabihin nyo na lang sa akin. Hindi nyo kailangang mag-away na mag-asawa--”
“We’re not fighting,” sagot nilang dalawa.
“Hamo sila, Neiji,” si Trigger naman. “Away mag-asawa iyan kaya ikaw lang ang malilintikan kapag nakialam ka.”
Nagtagisan ng titig sina Temarrie at Jubei. Hindi siya magpapatalo rito. Hindi siya papayag na makialam ito sa mga desisyon niya sa buhay. Nakaaklungkot lang na kung kailan maayos na ang relasyon nila ay ngayon pa nangyari ang iringan nilang ito. At dahil lang nabanggit ang pangalan ng kasintahan nito, nag-iba na uli ito ng pakikitungo sa kanya?
Pinagsisisihan na ba nito ang ginawang pagpapakasal sa kanya?
“Fine,” mayamaya’y wika ni Jubei. “Ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong mangyari, Temarrie.”
“Fine,” wika na rin ni Temarrie saka hinarap si Neiji. “Magkano ba ang ibibigay mong talent fee sa akin?”
“Ah…” Sinundan ng tingin ni Neiji si Jubei nang bumalik ito sa kinauupuan kanina at itinuloy ang usapang negosyo kasama ng kambal. “Hindi ko alam kung magkano ang offer na talent fee para sa makukuhang modelo. We can discuss it sa ibang araw sa opisina ko kung kailan ka may free time…”
Hindi na masyadong nasundan ni Temarrie ang sinasabi ni Neiji. Na kay Jubei pa rin kasi ang atensyon niya. Masama na talaga ang loob niya.
Did they just had their very first quarrel as a marriage couple? And just because of another woman?
“Sa Stallion Riding Club nga pala ang magiging location shoot para gagawing commercial,” patuloy ni Neiji. “Sa Tagaytay iyon. Alam iyon ni Jubei dahil member din siya ng club.”
“I can go there myself.”
“Hindi ka papapasukin dun kung hindi member,” sagot ni Jubei nang hindi tumitingin sa direksyon ni Temarrie. “At lalaki lang ang tinatanggap na club member.”
“Pero puwede kang makapasok kung may kuneksyon ka sa isa sa mga members dun,” wika ni Jigger. “Pretty sure Neiji would put you on his guest list.”
“I can put you on my guest list too,” wika ng Trigger. “As my congratulatory gift on your wedding. Kahit hindi nyo kami inimbita.”
“Thank you--”
“Temarrie, ipinaalala ko lang sa iyo na kakailanganin ang presensiya mo sa itinatayo mong restaurant,” wika ni Jubei. “Miinamadali mong matapos iyon para makapag-open ka agad, hindi ba?”
“It’s okay. Maganda namang opportunity ang commercial na iyon para ma-promote na rin ang restaurant ko.” Patutunayan ko sa iyong maganda ako!
“Perfect,” sambit ni Neiji. “The shoot will start next week. Ang alam ko ay handa na ang lahat para roon at ang main model na lang talaga ang hinihintay. By the way, Trigger, Jigger, we also needed other background male models. Puwede ba kayong sumali?”
“Kami lang?”
“Nakausap ko na ang iba pang Stallion boys. So far, pumayag naman sila.”
“We’re in then.”
“And, Jubei,” baling uli ni Neiji sa walang imik na lalaki. “Ipinapasabi nga pala ni Reid na sa Stallion Riding Club ang celebration ng birthday niya. Ikaw na lang ang hindi pa sumasagot sa imbitasyon niya. And he said he would take your silence as a ‘yes’.”
“Bring Temarrie with you,” suhestiyon ni Trigger. “Para makilala rin siya ng ibang Stallion boys. Curious din kasi sila sa babaeng basta na lang pinakasalan mo na sa tv na lang namin nalaman.”
“Tamang-tama. Magandang opportunity din iyon para maging panatag na si Temarrie sa mga Stallion boys na makakasama nya sa commercial ng Stallion Shampoo ko.”
Hindi umimik si Jubei.
“I think he just said ‘yes’…” wika ng isa sa kambal. “With that gloomy handsome face of his.”