CHAPTER 11

1228 Words
BUONG ARAW na nagpapaikot-ikot si Temarrie sa pagsu-supervise sa renovations ng Baltimore’s Place at sa pamimili ng mga kailangang kasangkapan para sa kanyang itinatayong restaurant.  May kaunting ipon naman siya sa bangko at iyon ang nagagamit niya sa pagbili ng mga gamit niya.  Nakatulong din na hindi na niya binayaran kay Jubei ang lugar na iyon dahil mas nakapag-focus na siya nang husto sa renovation at pagpapaganda pa lalo ng restaurant. Fully furnished naman ang lugar kaya kaunting renovations lang ang kailangan para makuha niya ang gusto niyang ayos doon.  Gabi na nang makita ni Temarrie ang kalahati ng mga pinaghirapan niya.  Masaya naman siya pero hindi pa talaga siya fully satisfied. “Gusto kong maglagay ng space sa labas para makapaglagay tayo ng mga halaman. Para naman may kaunting greenery na makikita ang mga customers,” wika niya kay Lou, ang nakuha niyang landscape artist.  “Parang maliit na garden na may rustic feels.  Tapos pakilagyan na rin ng maliit lang na waterfalls.  Nakaka-enhance kasi ang tunog ng running water sa mood ng mga taong kumakain.  Mas okay din siguro ang mga ornamental plants kaysa mga ordinaryong halaman lang, ano?  Mas maganda tingnan ang iba’t ibang kulay ng mga bulakalk. Yes, I want those. And then—“ “Ma’m, excuse me po,” singit ni Lou.  “May bisita ka yata.” “Bisita…?”  Si Jubei ang nakita niyang nakatayo sa may pinto ng restaurant at pinagmamasdan ang kabuuan ng lugar.  “A, ang asawa ko.” “Asawa mo?  Ang guwapo, ha?” Napakagat-labi na lang ito nang kunot-noo niyang balingan.  Ewan niya pero mukhang na-gets naman niya ang gusto niyang iparating na hindi na puwedeng pagpantasyahan ang kanyang asawa.  Kung hindi lang siya nasa kalagitnaan na ng renovations dito sa restuarant, baka naghanap na siya ng panibagong landscape artist. “Nakita mo lang ako, nalukot na agad ‘yang mukha mo. Akala ko ba bati na tayo?” “Mukha ko?” Nakasimangot ba ako? Kaasar kasing Lou iyon. Pagnasaan pa daw ba ang may asawa na? At asawa ko pa talaga. “Ah, sorry. Medyo pressured lang sa pagsasaayos ng lahat dito. Ano nga pala ang ginagawa mo dito?” “Wala naman. I’m just checking out the place.” “Wala kang trabaho?” “It’s already past six in the evening.”  “Oh?” Napasulyap si Temarrie sa relo sa kanyang bisig. Oo nga. “Hindi ko na napansin ang oras. Medyo maliwanag pa kasi sa labas.” “Talagang tutok ka rito, ah. Kunsabagay, looking at the works you’ve done here so far, malaki na agad ang naging progress ng mga inaayos mo rito.” “Oo, talagang hindi ko tinigilan hangga’t wala akong nakikitang magandang resulta.”  Isa-isa niyang itinuro ang mga natapos ng bahagi ng restaurant.  “Ito ang magiging bar counter.  Dito naman smoking area.  Meron din sa second floor pero hindi mo pa makikita ang kagandahan niyon dahil hindi pa namin nauumpisahan sa renovations—“ “Nagmiryenda ka na ba?” “Hmm? Kumain na ako ng banana cue na ibinigay sa akin ng isa sa mga tauhan ko rito kanina. At oo nga pala, what do you think of that chandelier? Hindi ba masyadong OA ang dating para sa isang rustic-themed restaurant? Hindi ba out of place? Mukhang antique ‘yung design nya pero hindi ba niya napapaliit tingnan ang kabuuan ng restaurant? Hindi siya nakakasikip--” “Hindi ka pa ba uuwi?” “Mayamaya pa. Kailangan ko pang bigyan ng mga instructions ang mga trabahador dito para sa—“ Kinuha ni Jubei ang hawak na clipboard ni Temarrie at basta na lang iyon inihagis sa bakanteng silya doon.  Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa kamay at hinila na siya palabas ng restaurant. “Jubei, what the heck are you doing?  Hindi pa tapos ang trabaho ko.” “Kaya nga naimbento ng Diyos ang gabi para makapagpahinga ang mga tao.  At kaya rin may bukas pa.” Hindi na siya nakapalag pa nang ideposito siya nito sa passenger seat ng kotse nito.  “Paano ang kotse ko?” “Mababantayan naman iyan ng mga tauhan mo rito.” “Hindi sila stay-in.” “Then may security guard ang kabilang establishment. Mababantayan na rin niya ang kotse mo.” Sumakay na ito sa driver’s seat.  “Ngayon ka lang ba nakahawak ng negosyo kaya sinagad-sagad mo na?” “Oo. Excited talaga ako kaya ako ganito.” Inilabas ni Temarrie ang hardbound niyang notebook kung saan nakalagay ang mga dapat pa niyang gawin at asikasuhin. Nakaipit din doon ang mga resibo na hindi pa niya nailalagay sa kanyagn notebook at nagsimula na siyang itala ang mga numero roon. “Sayang kasi ang oras kapag hindi ko inasikaso agad ang mga bagay na kaya ko nang gawin kahit sa free time ko. Actually, I don’t have the priviledge of a free time now. Masyado nang delayed ang mga plano ko for this business kaya kaya kailangan ko nang mag-double time, triple time pa nga kung kinakailangan.” Isa-isa niyang tiningnan ang mga resibo nang hindi na siya nakarinig ng reaksyon kay Jubei. “Hindi ko akalaing mahal na pala ngayon ang mga furnitures na gusto ko. Pati mga materyales sa renovations.  Mabuti na lang at marami akong alam na stores kaya nakakuha ako ng mga kailangan ko for a lower price.  Alam mo bang halos doble ang nakuha kong discount doon sa tatlong furniture stores na napuntahan ko?  Nakakatuwa.  Bukas, maaayos na namin ang mga gamit sa restaurant at siguro sa susunod na linggo, magiging fully-operational na iyon.  I can’t wait for that day.” Nanatiling tahimik lang si Jubei habang nagmamaneho.  Kunsabagay, ayos lang din naman kung hindi na ito magkomento pa. Mas mabuti nga iyon dahil makakapag-concentrate siya sa ginagawa niyang inventory sa mga nagastos niya ngayong araw.  Kung hindi lang siya napapahikab nang napapahikab. Ay, ginoo. Ngayon pa siya tinamaan ng antok. Hindi puwede. Marami pa siyang kailangan tapusing trabaho. “Magsalita ka naman diyan, Jubei.  Sobrang tahimik na dito sa kotse mo. Nakakaantok na.” “Ano naman ang sasabihin ko?” “Kahit ano…”  Naghikab uli si Temarrie.  “Basta magkuwento ka at nang hindi ako makatulog dito.” “Sobrang pagod na iyan.” “I’m not tired yet. Kailangan ko pang i-sort out itong mga resibo…”  Isang beses pa siyang naghikab. “Hay, tarages…” Kinusot niya ang mga nanlalabo at namumungay niyang mga mata.  Napagod na nga yata siya at ngayong nakakuha siya ng pagkakataon na makapagpahinga, unti-unti nang sumusuko ang katawang-lupa niya. Ipinilig niya ang ulo para labanan ang antok. “Just rest for a while, Temarrie. You needed it badly.” “No, I’m fine.” Tumingala siya sandali dahil napapapikit na ang mga niya sa pagkakayuko sa mga resibo. “Naduduling na ako sa mga binabasa ko…” Muli siyang humikab. Doon na rin naramdaman ni Temarrie ang masuyong paghila sa kanya ni Jubei at saka nito inihilig ang ulo niya sa balikat nito. “Matulog ka lang diyan, Misis.” “I’m not sleepy…” “Okay, Misis.” “Hmm…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD