CHAPTER 10

1863 Words
“BAKIT KINUHA mo pa rin ang Baltimore’s Place?  Akala ko ba nagkasundo na tayo na sa akin na ang lugar na iyon pagkatapos ng kasal natin?” “Misis, ang aga-aga pa para mag-away tayo.” “Huwag mo akong matawag-tawag na misis kapag ganitong mainit ang ulo ko.”  Ibinagsak ni Temarrie sa ibabaw ng office table ni Jubei ang dala niyang bag.   Talagang sinugod niya ang esposo sa opisina nito nang ipaalam sa kanya ni Manny na nabili na raw ng Shinra Corporation ang Baltimore’s Place. At si Jubei nga ang nakabili.    “Bakit pinakialaman mo iyon, Jubei?  Akin na iyon, di ba?!” “Temarrie, lower down your voice.” “Wala akong pakialam kung marinig man tayo ng mga empleyado mo! ‘Buti ngang malaman nila kung ano ang ginawa mo sa kawawa mong asawa! Na hindi ka tumupad sa nag-iisang pangako mo sa akin!” “Marami akong pangako sa iyo sa harap ng altar.” “I want Baltmore’s Place!” Napabuntunghininga na lang si Jubei. “Kailangan ng kumpanya ko ang lugar na iyon--” “I need it too! I need it more!” “What for?” “Wala ka nang pakialam dun!” “May pakialam ako dahil ako ang kailangan mong kumbinsihin ngayon para ibigay sa iyo ang Baltimore’s Place.” “Damn it, Jubei! I want a divorce!” “Walang divorce sa Pilipinas. Hindi mo rin ako puwedeng suntukin dahil ikaw lang ang literal na masasaktan.” “Oo. Singtigas ba naman ng adobe ang mukha mo.” Gusto nang magwala si Temarrie sa sobrang asar kay Jubei. Marami siyang gustong sabihin pero hindi niya halos alam kung ano ang tamang salita na gagamitin dahil sa taas ng emosyon niya nang mga sandaling iyon. “I hate you, Jubei.” “And you’re still not gonna have Baltimore’s Place until you give me one good reason why I should give it to you. Just one, Temarrie.”   Ayaw niyang magsalita.  Nasanay na kasi siya sa kanyang pamilya na hindi naman pinakikinggan ang mga opinyon at sinasabi niya.  Ngayon ay napipilitan siyang magsalita, kahit na nga alam niyang hindi rin naman nito pakikinggan ang sasabihin niya.   Men are so heartless.  Bakit ba hindi na lang sila magkaroon ng sarili nilang planeta at nang hindi na nagugulo pa ang mundo ng mga kababaihan? “Kailangan ko ang Baltimore’s dahil iyon ng pinakamagandang puwesto para sa iniisip kong itayong negosyo.” “Negosyo?” “A restaurant.  Matagal ko ng plano iyon.  Hindi ko lang agad naisakatuparan dahil ipinahamak mo ang perang puhunan ko sana para doon.” He leaned back agains his seat.  Halatang pinag-iisipan nito nang husto ang kanyang mga sinabi.  Which was new to her.  Usually kasi, pakikinggan lang ng mga tao sa paligid niya ang mga sinasabi niya pero hindi naman talaga iyon sineseryoso.  Jubei, on the other hand, looked he was interested enough to contemplate on her words. For the first time, someone did listen to her. “You don’t have to work, you know,” wika ni Jubei.  “Kapag naghiwalay na tayo, makakakuha ka ng malaking halaga since wala tayong pinirmahang prenuptial agreement.” “Gusto ko lang ng isang bagay na alam kong pinaghirapan kong ipundar.” “O gusto mo lang may mapatunayan sa iba?” “Paano kung ganon nga?  Masama ba iyon?” “Hindi naman.”  May kinuha itong papeles sa drawer nito at ibinigay nito iyon sa kanya.  “Just sign it and Baltimore’s is yours.” Nagulat siya sa narinig kaya hindi agad siya nakapag-react. At nahalata iyon ni Jubei. “I don’t really mean to take it away from you. Sinigurado ko lang na hindi mawawala sa ating dalawa ang Baltimore’s Place dahil desidido at purisigido talaga si Zaccheus Romero na makuha ang lugar na iyon. And he’s friends with the Samaniego twins. I heard they would help him secure that place, kaya kinausap ko na agad ang realtor para i-bribe na sana. But he congratulated me on our wedding and told me he’s friends with you kaya ginamit ko ang pagkakataong iyon para kumbinsihin siya na ireregalo ko sa iyo ang Baltimore’s Place as a wedding gift.” “Ireregalo mo sa akin?” “Of course not. I told you, sinabi ko lang iyon para mag-take advantage. Nagtagumpay naman ako.” “And now you’re giving it to me.” “Huwag mong isipin na ginawa ko ito dahil naaawa ako sa iyo. Na-curious lang ako nang husto kung bakit handa mong itapon ang kalayaan mo para lang makuha ang lugar na iyon. So far, gusto ko ang narinig na sagot mo. ” He tapped the contract on his table. “Pero kapag nabigo iyon, babawiin ko uli sa iyo ang Baltimore’s, Temarrie.  You only have one chance so make sure you do everything right.” Wala palang kundisyon, ha?  Ngunit hind niya magawang maasar kay Jubei.  He had given her a chance to prove herself.  Sapat na iyon para mapatawad na niya ang mga naging atraso nito sa kanya. Kinuha na ni Temarrie ang kontratang pipirmahan at binasa ang mga nakasulat doon. So far, so good. Pabor sa kanya ang lahat ng nakasulat doon. Sinulyapan niya si Jubei. Binalikan na uli nito ang kinalimutang trabaho nang istorbohin niya ito kanina. He gave her a chance to prove herself. He listened to her. He treated her like his equal. Everything she ever wanted from the people she cared so much but couldn’t. “I don’t really like it when someone’s watching me while I’m working.” Nag-angat ito ng tingin mula sa binabasang mga papeles. “Do you need anything else, Misis?” “Wala na, Mister.” Dala ang mga papeles ay naupo si Temmarie sa visitor’s couch upang doon na pirmahan ang mga papeles.  Misis.  Mister.  Kakatwang tawagan iyon para sa tulad nilang mag-asawa na.  Pero nakakatuwa sa pandinig, now that she thought about it.  Para silang mga tanga.   Not me, ‘no? “Huwag mong kalilimutan, Misis.  Bernardo ka na ngayon at hindi na Icasiano.” Nagulat pa siya nang marinig boses na iyon ni Jubei.  Lalo na nang maupo ito sa tabi niya at ibigay sa kanya ang isa pang kopya ng mga papeles. “Alam ko namang magkakamali ka kaya nagpadagdag ako ng isa pang kopya.”  Kinuha nito ang mga papeles na nauna na niyang napirmahan.  Marahan itong napailing nang basahin iyon.  “Masanay ka ng maging Mrs. Temarrie Bernardo.  Mahaba-habang panahon din ang anim na buwan.” Ewan ni Temarrie kung ano ang pumasok sa utak niya at pinagmasdan na lang niya ito imbes na pagtuunan ng pansin ang mga bagong kopya ng papeles na dapat niyang pirmahan.  Bakit parang nag-iba ito sa paningin niya?  At bakit hindi na niya magawang maasar agad ngayon?  Anong nangyari sa kanya?  Nang balingan siya nito ay tila doon lang siya nahimasmasan. “Saan ko nga uli ito pipirmahan?”   Itinuro ni Jubei ang espasyo sa pinakailalim ng mga papeles.   Ang ganda pala ng mga daliri nito.  Parang kandila.  At ang mga kuko, malilinis.  Temarrie, imbes na ang mga daliri at kuko niya ang pag-interesan mo, bakit hindi mo na lang pirmahan iyang mga papeles at nang makalayas ka na, ‘no? “Mag-iiba na rin ba ako ng pirma, Jubei? Iba na kasi ang pangalan ko ngayon.” “Hindi ko rin alam.”  Ibinigay nito sa kanya ang isang piraso ng papel na hawak nito.  “Mag-practice ka muna ng ibang pirma habang hindi ko pa naitatanong sa mga abogado.” Gusto niya ang magaang atmosphere na ito sa pagitan nila ng kanyang asawa.  Asawa.  Well, would you look at that.  Parang tanggap na niya ang sitwasyon nilang iyon, ah.  Parang hindi nangyari na kagabi lang ay halos magpatayan na sila nang dahil lang sa isang kama. “Okay na ba ‘to?”  Ipinakita niya ang kanyang bagong pirma.   Dumikit si Jubei sa kanya upang tingnan iyon.  Bahagya lang siyang nailang, ngunit ilang segundo lang ay tila nakapag-adjust na rin ang sistema niya sa presensiya nito.  And it felt good, just like that time when she leaned against his back. “Hindi maganda,” anito.  “Palitan mo.  Subukan mo pa ang ibang style at strokes.” She never thought signing papers could feel this nice.  “how about this?” “Parang pinag-trip-an lang ng adik.  Gandahan mo naman.” “Iyon na ang pinakamaganda kong pirma, ‘no?”  Sinubukan uli ni Temarrie ng ibang style ng pirma.  “Kapag nilait mo pa iyan, itatapon ko na ‘tong golden pen mo sa labas ng bintana nitong office mo.” “Well then, okay na iyan,” sagot nito nang hindi man lang tinitingnan ang kanyang bagong pirma. Natawa na lang si Temarrie.  Ngingiti-ngiti na lang din si Jubei nang kunin nito ang mga pinirmahang papeles ni Temarrie.  Pagkatapos ay tahimik na lang silang nanatiling nakaupo sa couch.  Wala na siyang masabi pa sa lalaki at ito man ay tila wala namang ibang gustong sabihin.  Pero damang-dama niya na pareho silang wala pang balak na umalis sa tabi ng isa’t isa.   Kinda weird but…that was a nice thought. “Aalis na ako,” aniya. “Sige.” Magkasabay silang tumayo.  Nakakapagtaka na talaga itong ikinikilos nilang dalawa.  Ngunit mas nagulat siya nang sabayan siya ni Jubei sa paglalakad palabas ng opisina nito. “What are you doing?” “Hmm? Oh. Ihahatid lang kita hanggang elevator. Baka kasi maligaw ka.” “Opisina mo ang buong palapag na ito, paano akong maliligaw?” “Malay mo. Marami pa namang maligno rito dahil dating gubat ang lugar na ‘to.” “What?” “Nevermind. Nandito na tayo.” Nakatayo na sila sa harap ng saraIto pa mismo ang pumindot sa elevator.  “Huwag ka ng umangal diyan.  Mabuti nga at inihahatid pa kita.” “And you’re waiting for a thank-you?” “Hindi naman na ako umaasa dyan.” “Marunong din naman akong magpasalamat kahit paano. If the price is right.” “May presyo talaga kahit ang pasasalamat?” “Minsan.” Pumasok na siya sa elevator nang bumukas iyon.  “Thank you.  O, ayan.  Libre ‘yan. See? Kaya ko ring maging galante.” Ngumiti lang si Jubei at bahagyang itinaas ang isang kamay bilang pamamaalam.  “Ingat, Misis.” Ang ngiti nitong iyon ang baon niya nang sumara na ang elevator.  Napasandal siya a malamig na steel wall ng elevator nang may ngiti rin sa kanyang mga labi. “Mukha ka na ring tanga ngayon, Temarrie,” aniya sa sarili.  “Ngumingiti ka ng walang dahilan.” Anong wala?  Meron, ‘no? kontra ng munting boses ng chararat sa isip niya. Ah, yes. There was a reason. And her reason was that guy she thought she would never get along with.   Her husband.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD