CHAPTER 8

1430 Words
NAKAHARAP SI Temarrie sa malaking salamin sa loob ng banyo.  Katatapos lang niyang maligo at ang mahaba niyang buhok ay basa pa kaya nakabalumbon pa iyon sa isang puting tuwalya.  She opted for a white shirt and cotton pajama.  Ang wedding gown niya ay isinampay na lang muna niya sa isang silya roon sa banyo.   Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang may asawa na siya.  “Temarrie Icasiano-Bernardo,” sambit niya sa repleksyon sa salamin.  “Mrs. Temarrie Bernardo.” Napalitan na ang pangalan niyang buong buhay niyang dinala.  Ganon lang pala kadali iyon, ano?  Napakadaling palitan ang pangalan pero ang panindigan iyon ang siyang pinakamahirap gawin.  Sinipat niya ang gold band sa kanyang palasingsingan.  Yes, she’s married alright.  At ang masuwerteng lalaki, naroon at naghihintay na sa kanya sa labas ng banyong iyon.  Binigyan niya ng masamang tingin ang nakasarang pinto.  This was their first night together.  Their wedding night. Pero hinding-hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang lalaking iyon na makalapit sa kanya.  Tinanggal niya ang tuwalya sa kanyang ulo at hinayaan ang mahaba niyang buhok na lumugay sa kanyang mukha.  Ni hindi siya nag-aksaya ng panahong magsuklay man lang.   Effortless ang mangkukulam look niya. Perfect. Bitbit ang kopya niya ng mga dos and don’ts niya para sa kanilang pagsasama, lumabas na siya ng banyo.  Dumiretso ang kanyang mga mata sa nag-iisang pigura na kasama niya sa silid na iyon.  Nakapagpalit na rin ng damit si Jubei.  Isang simpleng puting t-shirt at gray sweatpants ang suot nito. Abala ito sa pagpu-push up isang silya roon.  Hindi tuloy mapigilan ni Temarrie ang sariling panoorin ang pagpi-flex ng mga muscles nito sa mga braso at balikat nito.  Anak ng patis!  Bakit ganito kaganda ang katawan nito?  Firm muscles were rippling from broad shoulders to tapered waist, tight butts, and long sturdy legs.  Siguro kapag sinakyan niya ito sa likod, kayang kaya pa rin nitong mag-push ups. Tinampal niya ang sariling mukha.  “Ano ba iyang pinagsasasabi mo, Temarrie?  Magtino ka nga.  Kung saan-saan na napupunta ang imagination mo. Behave.” Nalipat sa kisame ang kanyang tingin nang bahagyang bumaling sa kanya ang si Jubei.  Marahil ay narinig nito ang pagmo-monologue niya.  Biting her lower lip to divert herself from the fast thumping of her heart, she sat on the edge of the bed.  Ngunit agad din siyang napatayo nang maupo rin sa tabi niya si Jubei. “Hindi tayo puwedeng magtabi sa pagtulog,” deklara niya.  “Ayoko ng may katabi sa kama.  Nasusulat iyon dito sa mga kundisyon ko.” “Mabuti kung ganon.”  Kinuha ni Jubei ang listahan at basta na lang iyon inihagis sa nightstand.  Pagkatapos ay hinila nito pababa ng kama ang isang kumot at dalawang unan at ibinagsak iyon sa sahig.  “Ayoko rin ng may katabi sa pagtulog.” “Ayos iyan. Magkakasundo tayo dyan.” Pero nagulat lang siya nang mahiga ito sa kama.  “Teka, bakit nakahilata ka dyan? Akala ko ba dito ka sa sahig matutulog?” “I never slept on the floor.  Ikaw ang matutulog diyan.” “Ano?!”  Lumapit siya kay Jubei at tinapik ito nang akma itong pipikit na.  “Hoy, kung ikaw ay hindi nakakatulog sa sahig, mas lalo na ako.  Doon ka sa sahig!” “This is my house and this is my bed.  Bakit ako magtitiyaga sa sahig?” “Because I’m your wife. Ikaw dapat ang nagsasakripisyo para sa ating dalawa dahil ikaw ang lalaki.” “Uso na ngayon ang gender equality.” True. Pero hindi pa rin siya papayag na sa sahig matulog.  Lumipat siya sa kabilang panig ng kama at sumampa roon.  Dahil nakabaling si Jubei sa kanya, magkaharap na sila sa kama nang mahiga siya.  For a while, ganon lang sila.  Magkaharap, nagtititigan.  Patagalan.  Matira ang matibay.  E, ang malas, matibay nga siya pero hindi na niya matagalan ang sitwasyon nila.  Idagdag pa ang panggulong t***k ng kanyang puso.  Ngunit bago pa siya makakilos ay tinalikuran na siya nito. “Kung ako sa iyo, sa sahig ka na lang matulog, Misis.  Dahil malikot akong matulog.  Baka kung ano ang magawa ko sa iyo habang nasa kasarapan ako ng tulog.” “I know what you’re doing, Mister.  Gusto mo lang akong maisahan.”  Tinalikuran na rin niya ito.  “Pero sorry ka na lang.  Hinding-hindi mo ako mapapatulog sa baba ng kama.” “Ikaw ang bahala.” Naramdaman ni Temarrie na gumalaw ang kama.  Ilang sandali pa, nagulantang na siya nang maramdaman ang pagdikit ng katawan nito sa katawan niya.  Napalikwas siya ng bangon.  Nakatalikod pa rin sa kanya ang lalaki.  Ang likod nito ang dumikit sa kanya.   Nilingon siya nito.  “Ops.  Naistorbo ba kita?  Nakatulog na kasi ako.” Ang herodes!  Talagang sinusubukan ang pasensiya niya! Ah, ganon, ha? Bumalik si Temarrie sa kama at nakipag-agawan ng mas malaking parte ng higaan.  Umurong siya nang umurong at ang balak sana niya ay ihulog ito sa kama.  Ngunit gumanti ito.  He pushed her farther back to the edge of the bed.  Wala na siyang nagawa kundi ang sipain ito upang mapigilan ang sariling mahulog.  Pero gumanti na naman ito kaya ang nangyari, tuluyan na siyang nahulog.   “Aray!” sigaw niya bago nagpagulong-gulong sa carpeted floor upang maibsan ang sakit na dulot ng pagkakabagsak niya. Guwapong mukha ni Jubei na nakatunghay sa kanya ang namulatan niya nang sa wakas ay mahimasmasan.  At ang kumag, mukhang nag-e-enjoy pa sa nangyari sa kanya dahil kumikislap ang mga mata nito. “Want more?” tanong nito. “Heh!”   He just grinned at her.  “Goodnight, Misis.”  Then he fell back onto his bed.   Nanatili naman si Temarrie sa sahig habang nag-iisip.  Hindi pa rin siya makakapayag na matulog sa matigas at malamig na sahig. Never pa siyang natulog sa hindi malambot na higaan! Kaya lang, wala rin naman siyang laban sa kurimaw na lalaki kung palakasan ang magiging labanan.  Mas malaki ito at mas malakas.  Kailangan dito, isang demokratikong paraan ng pakikipag-ayos.  Isang paraan na sigurado ang panalo niya.   Ginising niya si Jubei.  “Kasal na tayo kaya pag-aari ko na rin ang kamang ito, Mister.  Pero ayoko ng makipagtagisan ng lakas sa iyo.  Talo ako dun.  Daanin na lang natin ito sa mabuting usapan.”  Ngunit hindi na ito nagsalita pa.  “Jubei, you can’t…” Nawalan na rin ng imik nang mapagmasdan ng mukha nito.  Malalim na ang paghinga nito, tanda na mahimbing na itong natutulog.  Guwapo pa rin ang mukha nito, ngunit mahahalata na ang pagod at puyat doon.  Ano ba ang ginawa nito nitong mga nakaraang araw bago ang kanilang kasal?  Hindi kasi niya ito nakita o nakausap man lang.  Kunsabagay, siya man kasi ay naging abala sa kung ano-anong bagay tulad ng pamimili ng mga gagamitin para sa balak niyang itayang restaurant.  Pati ang pagre-recruit ng mga tauhan ay siya ang personal na nag-asikaso. She looked at the face of the man she would be sharing her life with for the coming six months.  Guwapo talaga ito.  At hindi iilang beses niyang naramdamang nagugustuhan niya ito, lalo na kapag hindi nito pinapag-init ang kanyang bumbunan.  He took a deep breath.  Napangiti siya.  Daig pa ng isang anghel ang kolokoy kapag tulog.  And speaking of tulog, inaantok na rin siya.  Kaya lang wala pa rin siyang balak na matulog sa sahig kaya sa tabi na lang nito siya nahiga, tutal malaki naman ang kama.  They could share it without killing each other.  Pero di naman siya agad nakatulog.  Ang isip kasi niya ay aware na aware pa sa lalaki sa kanyang tabi.  Nilingon niya ito.  Nakatalikod ito sa kanya subalit kahit ganon ay hindi pa rin niya maiwasang ma-curious dito.  Ang lapad naman kasi ng likod nito, parang ang sarap pagdantayan ng ulo.  Kinagat niya ang kumot upang pigilan ang sarili dumikit dito.  Sa huli, hindi rin siya nakatiis. “Isa beses lang…”  Unti-unti niyang inilapat dito ang kanyang palad.  Testing muna kumbaga.  It felt good.  Kaya ang sumunod ay ang pisngi naman niya ang inihilig niya sa likod nito.  “Hmm…nice.  Daig pa ang pinakamalambot na unan.” Nakangiti niyang ipinikit ang kanyang mga mata upang namnamin nang husto ang masarap na pakiramdam na iyon.  Ni minsan ay wala pa siyang naging katabi sa pagtulog mula noong mamatay ang kanyang ina.  Kung alam lang niyang masarap din pala ang may katabi, sana noon pa niya ito ginawa.   Her smile never left her lips as her mind and body relaxed before falling into a deep sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD