CHAPTER 7

619 Words
“YOU LOOK LOVELY, HIJA.” Tinanguan lang ni Temarrie ang ama habang naglalakad sila papasok ng simbahan.  Mas abala kasi siya sa paglalakad ng maayos.  Lintik kasing sapatos iyon!  Hindi niya makita.  Wala pa naman siyang makitang maipapalit dahil sa hotel siya nag-ayos at nawalan na rin siya ng oras para maghanap ng ibang pares dahil nagmamadali na sila ng driver niya.  Kaya ngayon, heto siya at pilit na binibigyan ng remedyo ang iika-ika niyang paglalakad.   Kung bakit naman kasi hindi na lang ako nag-paa nang tuluyan. Ano ba pumasok sa isip ko at isinuot ko pa talaga ang sapatos na ‘to kahit walang kapareha? Kasalanan ‘to ng Juan Bernardo IV na iyon, eh. Kung hindi siya abala sa sobrang asar niya rito, sana hindi siya nagdurusa ngayon sa paglalakad. “Siguradong masaya ang Mama mo kung sakaling nakikita ka niya ngayon, Temarrie.” Darn it!  Nakakahiya sa mga tao roon.  Pati na rin sa mga taga-media na nakatutok ang mga camera sa kanya.  Bakit naman kasi nag-imbita pa ng mga reporters sa kasalang iyon?  Napapansin na rin niyang nagbubulung-bulungan na ang mga tao. “Sana’y maintindihan mo ang naging desisyon naming ito ng mga Kuya mo, hija.  This is for you own good.” Napabuntunghininga lang si Temarrie.  Wala ng pag-asa pang tumino ang kasalang ito.  Hay naku, bahala na nga.  Pero masakit na talaga ang paa niya kaya hinubad na niya ang nag-iisang sapatos at iniwan iyon.  Doon mas lalong lumakas ang bulung-bulungan.   “Naiwan ‘yung sapatos.” “Naku, malas daw iyan para sa mga ikakasal.” “Ibig sabihin daw nun ay may isa sa kanilang bagong kasal ang iiwan ang kapareha nila sa wedding night nila!” “Kunin ninyo ‘yung sapatos, dali!  Ipasuot uli ninyo sa bride!” Great.  Now what?   Babalikan na ni Temarrie ang kanyang sapatos para matapos na kaguluhang iyon nang mapansin na naman niyang napabaling ang atensyon ng mga tao sa altar.  Nang tingnan niya ang dahilan niyon ay nakita niyang naglalakad na patungo sa kanya si Jubei.  He was walking like some royal prince as flashes of cameras where everywhere.  Nilagpasan siya nito upang damputin ang naiwan niyang sapatos.  Nang lumuhod ito sa harapan niya ay automatic niyang iniangat ang laylayan ng kanyang gown.  Nagulat pa nga siya dahil magkapaa na ang kanyang mga sapatos.  Itinago ba nito ang kapaa ng sapatos niya nang ibato niya iyon dito kanina? “Aaahh…ang sweet!” “Parang sa fairytale na mga nababasa ko.” “Nakakatuwa naman…” Jubei looked up at her and smiled.  Damang-dama ni Temarrie ang munting kaguluhan na iyon sa kanyang dibdib.  Kung hindi lang niya alam na palabas lang nito ang lahat ng iyon upang mapasaya ang mga magulang nito, pati na rin ang mga taong nanonood sa kanila nang mga oras na iyon, baka nagustuhan na niya ito.  Because the jerk was really a certified hunk! He slowly stood up and turned to he father.  “Good day, Sir.” “You’re so good for my daughter, son. Thank you na ngayon pa lang ay inaalagaan mo na siya.” “You’re welcome, Sir.” Binalingan uli ni Jubei si Temarrie at ngumiti. Ang kumag!  Talagang dinidibdib ang pagiging artista! “I’ll see you at the altar.” Ah, akala mo ikaw lang ang artistahin dito, ha?  Ngumiti rin si Temarrie at idinampi ang kanyang nakaguwantes na kamay sa pisngi nito.  “Wait for me.” Napansin niyang saglit itong natigilan.  Marahil ay hindi nito inaasahan na papatulan niya ang drama nito.  O, e di natameme ka ngayon diyan?  Huwag mo akong hahamunin, Jubei.  Dahil pumapatol ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD