CHAPTER 6

960 Words
“ANG GANDA-GANDA mo talaga, Miss Temarrie.  Para kang prinsesa.” Hindi na pinansin ni Temarrie ang walang patid na papuri ng make-up artist na nag-aayos sa kanya.  Mas abala kasi siya sa kanyang isinusulat sa maliit na notebook na iyon.   It was her wedding day with Juan Bernardo IV. Hindi niya alam kung ano ang nagpabago sa isip ng lalaking iyon at pumayag ng ibigay sa kanya ang Baltimore’s Place.  Nalaman lang niya iyon nang magtungo ito sa bahay nila kasama ng mga magulang nito.  Hindi man sila nagkausap nang harapan, sapat na kay Temarrie ang pagpayag ni Jubei na matuloy ang kasal upang malaman niyang payag na rin ito sa pagbibigay sa kanya ng Baltimore’s Place.  At dahil din doon kaya ngayon ay heto siya at naglilista ng mga ayaw at gusto niyang makuha out of that marriage.  Jubei had done the same.  Nasa kanya na nga ang listahan nito. “Hindi ko na itatali ang buhok mo, Miss.  Sayang, ang ganda kasi para lang hindi makita ng iba.” “Bahala ka.”  Tumabon sa mukha niya ang manipis na tela ng kanyang belo.  Subalit di pa rin siya tumigil sa paglilista.  “I want a room of my own…bawal pumasok sa kuwarto ko…Hmm, ano pa kaya?  Ah!  Bawal manghiram ng kahit na anong gamit.  Kutsara, tinidor, pinggan, tuwalya, toothbrush, unan, kumot, blouse, panty at bra.” Malapad siyang napangiti sa kanyang mga huling sinulat.  Ano kaya ang magiging reaksyon ng kolokoy na iyon kapag nabasa itong listahan niya?   Wala.  Bato iyon, eh.   Pero hindi pa rin niya iyon binura.  Gusto lang niyang makapang-asar.  Tapos na siyang ayusan ng kanyang makeup stylist ngunit hindi pa rin siya tapos sa kanyang ginagawa.  Kanina pa nananakit ang likod niya dahil sa pananatili sa kinauupuan habang inaayusan kaya tumayo na siya at nagpalakad-lakad habang patuloy sa pag-iisip ng mga puwede pa niyang ilista.  Hanggang sa mapansin niyang tila may ibang tao roon na nanonood sa kanya.   And true enough.  Jubei was standing at the door, leaning against the doorframe, watching her.  Bigla siyang natahimik.  He was so goodlooking on his white tuxedo, even with that serious look on his face.  Hinintay niyang humirit ito at nang masangga niya dahil iyon ang nakasanayan niya.  Ngunit nang ilang minuto na ang lumilipas at nanatili lang itong nakamasid sa kanya nang hindi umiimik, nagsimula na siyang makaramdam ng pagkailang.  Na hindi naman dapat, kaya siya na ang unang bumasag ng katahimikan. “Hindi dapat nakikita ng groom ang kanyang bride before the wedding ceremony. Hindi mo ba alam ang kasabihang iyon?” “Hindi.”  Humalukipkip ito at patuloy lang na pinagmasdan si Temarrie. At medyo naiilang na siya. Pero walang dapat na mahalata ang lalakig iyon dahil siguradong pagtatawanan siya nito.  “Bakit ba nandito ka?  Anong kailangan mo?  Uurong ka na sa kasal? Okay lang. Basta nasa akin na ang Baltimore’s Place at wala nang bawian iyon--” “Hindi ako uurong. Why would I do that?  Ikaw ang inaalala kong baka takbuhan mo na naman ako gaya nang huli tayong magkausap sa opisina ko. Hindi ako papayag ngayon pang nakapag-invest na ako sa iyo.  You already got Baltimore’s Place.” “Na marapat lang naman.”  He still kept on watching her.  “Ano ba’ng problema mo at ganyan ka kung makatingin? Naiihi ka ba? Walang CR dito--” “Curious lang ako.” “Tungkol sa…?” “Ang alam ko kasi, mga virgins lang ang puwedeng magsuot ng white dress at wedding veil na nakatabon sa kanilang mukha.” “At anong ibig mong sabihin? Na hindi na ako virgin, ganon? Hoy, Mister--” “See you at the altar, Misis.” At naglakad na si Jubei palayo. Nagtatagis na ang kanyang mga bagang.  Ano ang karapatan ng lalaking ito na i-assume na hindi na siya virgin?  How dare him! Itinaas ni Temarrie ang laylayan ng suot niyang gown at hinubad ang kanyang sapatos saka iyon malakas na ibinato kay Jubei.  Tumama iyon sa likod nito. Dahan-dahan siya nitong binalingan.  Halata ang iritasyon sa mukha ng binata.  Gayuman, hindi ito nagtaas ng boses nang magsalita.  “This is our wedding day, Temarrie, kaya hindi ko papatulan ang kalokohan mong ito.  Hahayaan na lang muna kitang mangarap kahit sandali lang.” “Virgin pa ako! At baka nga ako na lang ang nag-iisang babae sa mundo na birheng maihaharap mo sa altar kaya imbes na insultuhin mo ako, dapat nga ay magpasalamat ka pa.”  She walked towards the door and slammed it shut.  “Ang gagong iyon!” Pumasok na sa isip ni Temarrie ang tumakas at hayaang harapin ng herodes na lalaking iyon ang lahat ng kahihiyan sa mundo. Ngunit agad ding nagbago ang isip niya nang maalala ang kanyang pamilya.  Siguradong may panibagong masterpiece na naman ang mga ito na maipangse-sermon sa kanya.  Isa pa, may sakit sa puso ang ama ni Jubei.  Rebelde lang siya, hindi kriminal.  Ayaw niyang may ibang taong mapapahamak dahil sa kanya. May kunsensya pa naman siya kahit paano. “Kung ganon, Juan Bernardo IV, humanda ka. Sisiguraduhin kong gagapang ka sa lusak habang nasa piling ko,” pangako niya sa hawak na listahang notebook.  “Goodluck with your life.” Eksperto siya sa pamamahagi ng sakit ng ulo, kaya nga napundi na sa kanya ang pamilya niya.  Ngayong wala na siyang magiging problema sa pera, libreng-libre na siyang tambakan ng sakit ng ulo ang lalaking iyon. “Ma’m, handa na ho ang sasakyan,” ang driver nila iyon.  “Nauna ng umalis ang groom kaya kailangan na rin nating umalis.” “Sige.  Hahanapin ko lang ang sapatos ko…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD