“MISS, SAAN KA PUPUNTA?”
Nilingon ni Temarrie ang babae sa reception area. “I’m here to see Mr. Bernardo.”
“Do you have an appointment with him, Ma’m? Ayaw ho kasing magpa-istorbo ni Sir ngayon.”
Ayaw magpa-istorbo? Kiss my ass! Ginulo ng lalaking iyon ang nananahimik niyang buhay, kaya nasa kanya ang lahat ng karapatan para bulabugin din ang buhay nito. Nawalan siya ng malaking halaga na maaari sana niyang magamit para magkaroon ng sariling buhay. Hindi siya papayag na basta na lang kalimutan iyon. Kaya ngayon ay maniningil siya. At ang gusto niyang kabayaran ay ang establishment na iyon na pinag-iinteresan na rin ng walanghiyang lalaki.
“I don’t need an appointment with him.”
“Pero, Ma’m—“
“I’m his fiancee. Kung ayaw mong maniwala, tawagan mo siya.”
Hindi na niya hinintay pang matapos ito sa gagawin nito. With that look of surprise on her face, sigurado siyang aabutin pa ito ng forty thousand years bago ma-absorb ang kanyang sinabi.
Napaismid na lang si Temarrie habang naglalakad patungong elevator. Madali lang niyang natagpuan ang lalaki. Nang tumawag siya kanina sa opisina ng Shinra Corporation, sinabi ng sekretarya nitong nasa Windurst Productions nga ito nag-opisina nang araw na iyon.
“I wouldn’t marry that creep!” sambit niya habang hinihintay bumukas ang pinto ng elevator.
“Miss?” Nilingon niya ang tumawag ng kanyang pansin. “Hi. I’m Antonio Corpuz. But you can call me Tonet.”
Inabot niya ang nakalahad na kamay ng binabaeng lalaki. Ah, ewan. Basta, iyon na iyon.
“You’re so pretty. Model ka ba?”
“Hindi.”
“Ay, baket? Pang-model ang aura at ganda mo. By the way, we’re looking for a fresh face para sa bagong shampoo product na ila-launch ng kumpanya namin. Baka interesado kang mag-audition.”
“I’m not interested.”
“Sayang naman. Bagay na bagay ka pa naman sa concept ng new commercial namin. Ang ganda mo na, ang ganda pa ng buhok mo. Pero hindi na kita pipilitin.” Nagbigay ito ng isang calling card. “Just in case na magbago ang isip mo, tawagan mo ako agad.”
Binasa ni Temarrie ang nakasulat doon. “Ang company na tinutukoy mo ay ang Shinra?”
“Well, I’m working for Shinra pero may collab works kaming ginagawa together with another companya for the launching of a new shampoo product. Ang team ko ang natoka sa paghahanap ng magiging female model.”
“I see.”
“So, ano? Go ka na sa audition? Actually, puwede ngang hindi ka na dumaan sa audition. Ipakita lang kita sa company heads, siguradong sasang-ayon din sila na ikaw na ang maging female model namin.”
“Thanks sa interest. Sige, pag-iisipan ko ang alok mo. By the way, anong floor ang opisina ni Mr. Bernardo?”
“Si Mr. Bernardo? Sa nineteenth floor ang buong opisina niya. Are you his girlfriend?”
“No.” Bumukas na ang elevator at pumasok na siya. “I’m his fiancee.”
Kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata nito bago tuluyang nagsara ang elevator door. Sa mga nakita niyang reaksyon ng mga tao roon kapag sinasabi niya ang papel niya sa buhay ng amo ng mga ito, mas lalo niyang nasigurado na wala nga itong girlfriend. Hindi kaya tama siya sa assessment niya tungkol dito? na maaaring berde ang dugo nito? Kung ganon, sayang ito. Pero wala na siyang pakialam dun. Mas importante sa kanya ang makuha ang lahat ng gusto niya sa ngayon mula rito.
Pagbukas ng elevator sa pinakamataas na palapag, hindi na niya kailangan pang maghanap sa opisina nito. Dahil naroon na siya mismo. The whole floor was his alone. Isang tingin lang, mahahalata na agad na sagana sa lahat ng kayamanan ang lalaki. Manliliit ang sinomang hindi sanay sa karangyaan kapag napunta ito sa ganitong lugar.
Wala akong pakialam sa kayamanan niya. I have my own wealth. And I want to have that wealth of mine.
May narinig siyang mahinang pag-uusap na nagmumula sa nakabukas na pinto sa kaliwa. Nagmamadali siyang sumugod doon subalit agad din siyang napahinto nang makitang may babaeng kasama ito. Nakaharap ang mga ito sa glass window kung saan makikita ang kabuuan ng Maynila. Tila masinsinan ng pag-uusap ng mga ito kaya hindi na muna siya sumingit. Maghahanap siya ng magandang timing para mas lalong maging dramatic ang pang-iistorbo niya sa mga ito.
“What are you saying, Jubei?”
“You know what I meant, Rumina. I’m asking you to marry me.”
Marry? He’s proposing to her? Akala ko ba walang girlfriend ang kumag na ito? And the woman was none other than the silent, sophisticated and the most sought-after actress in the country at the moment. Lahat na yata ng society pages ng mga magazines at diyaryo sa bansa ay naroon ang pangalan at larawan nito. Laman din ito lagi ng mga showbiz articles online at paboritong commercial models ng iba’t ibang product brands. Pero ni minsan ay hindi nabanggit doon ang tungkol sa lovelife ng babae at kung natatanong man ito, lagi nitong sinasabi na wala itong nobyo o seryosong dini-date. Tapos ngayon, maririnig ni Temarie na may nag-aalok na ng kasal dito? And it doesn’t even looked like the guy who offered Rumina a marriage proposal was some random admirer of hers. Kunsabagay, sa itinatakbo ng career ngayon ng babae, natural lang ng itago nito ang relasyon dahil makakaapekto iyon sa image nito.
Pinagmasdan uli ni Temarrie ang mga ito. This time, napako na lang ang mga mata niya sa mukha ng lalaking kausap ng aktres. Although…hindi ko rin alam kung bakit kailangan pang itago ni Rumina ang boyfriend niya. Guwapo naman ang Jubei na ito, mahirap nga lang pakisamahan.
“Jubei, napag-usapan na natin ang tungkol diyan, hindi ba? I can not accept your offer, at least not now.”
“Why not?”
“Marami pa akong plano sa buhay. Gusto ko pang matupad na muna ang mga iyon bago ako…mag-plano ng pagpapamilya.”
Hindi agad sumagot ang lalaki. Nanatili lang itong nakamasid sa magandang tanawin na iyon sa labas ng bintana. She couldn’t help smiling. Magkano kaya ang ibibigay sa akin ng mga taga-media para sa showbiz scoop na ito? Ah, bakit kailangang itanong pa niya kung magkano ang makukuha niya kung puwede naman siyang mag-demand?
The elusive bachelor and the mysterious young actress, the caption would say. Engaged?
Naisip bigla ni Temarrie ang kanyang pamilya. Paano ba naisip ng mga ito na papayag siyang magpakasal sa isang lalaking may kasintahan na? Desperado na bang masyado ang mga ito na maidispatsa siya at pati ang lalaking may mahal ng iba ay itatambak pa sa kanya?
“Jubei, babe, just give me a little more time, okay?” Hinawakan nito sa braso ang binata. “I just recieved a Hollywood movie offer. You know how much I dreamed of being well-known hindi lang sa Pilipinas kundi pati na sa buong mundo. Right? Kaya ayoko sanang palagpasin ang pagkakataong ito. Hindi lahat ng Filipino actors ay nagkakaroon ng ganitong klase ng offer. I really wanted this. Please, ito na lang talaga, Jubei, and then we could talk about our wedding.”
“I might not be there for you anymore when you come back, Rumina.”
“What are you talking about?” natatawa pa si Rumina. “Of course we’ll still be together. Sandali lang naman ako dun. Unless, ipagpapalit mo na ako sa iba.” Hindi sumagot si Jubei. “I trust you, babe. So, please, trust me too. Trust me on this. Just this one time, Jubei. And then I’ll give up my acting career entirely.”
“Rumina--”
Tumunog na ang cellphone ng babae. Lumayo ito para sagutin ang phone call habang nakamasid na lang dito ang lalaki. Hindi alam ni Temarrie kung pagtatawanan niya si Jubei o kaaawaan. Obvious naman kasi na mas priority ni Rumina ang career nito.
Sige na nga, maaawa na lang ako sa iyo.
“Jubei, that was my agent. Ipinapatawag na niya ako para sa press conference namin para sa success ng katatapos ko lang na teleserye. I have to go.”
And Rumina handed him the little box just like that and headed for the door where Temarrie was standing. Huli na para makapagtago siya dahil nakita na siya nito.
Ops.
“Who are you?”
“Ah…” Napansin ni Temarrie na napalingon sa direksyon nila si Jubei. Buking na siya. Oh, well. “Gusto kong makausap si Mr. Bernardo.”
“Si Jubei? Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?”
‘Taray ng bruhang ‘to, ah. “He’s busy.”
Ang bruha. Totoo talaga ang kasabihan. Looks can really be decieving. Mabuti na lang at hindi siya naniniwalang may mga mababait pang tao sa mundo.
“Tapos na kayong mag-usap. At hindi ba’t may pupuntahan ka pa? Umalis ka na bago ka pa ma-late.”
With that, tuluyan na itong umalis. Napailing na lang siya. Iyan ba ang taong willing i-give up ang career para sa kasintahan?
“Hindi ba’t naipakulong na kita? Bakit nagpapagala-gala ka pa rin hanggang ngayon?”
Nakatayo na si Jubei at naglalakad patungo sa kanya. He still has the face of an angel. Subalit tila mas naging masama ang ugali nito ngayong wala siyang nakikitang anomang ekspresyon sa guwapo nitong mukha. Tinanggihan ng walang pusong babaeng iyon ang alok nitong kasal at sigurado siyang malaking dagok iyon sa ego nito bilang lalaki at bilang isang nagmamahal. Kaya hindi na muna niya ito papatulan ngayon.
“Nagpunta ako rito para makipag-usap at hindi para maghanap ng away, Mr. Bernardo.” Sumandal ito sa hamba ng pinto at humalukipkip habang nakamasid paharap sa kanya. And for a moment there, his gesture made her uneasy. Napasandal na rin tuloy siya sa kabilang panig ng hamba ng pinto upang ipaalam dito na hindi siya nito nasisindak.
“At ano ang pag-uusapan natin?” tanong nito. “Ang alam ko, tapos na tayo sa lahat ng usapan natin doon pa lang sa presinto.”
“Ikaw lang ang nakaraos dun. Ako hindi pa. At dahil dun, nadagdagan ang atraso mo sa akin.”
“Atraso?”
“Ipinakulong mo ako nang walang kadahi-dahilan. Alam mong wala akong kasalanan—“
“Alam kong may kasalanan ka.”
“Wala akong kasalanan!” She counted to ten. Bigo iyan, Temarrie. Kaya pagbigyan mo na lang. Nang maramdamang kontrolado na uli niya ang emosyon niya ay saka lang siya muling nagsalita. “Bayaran mo ang perang nawala sa akin.”
Kahit ang ngiti nito, punung-puno ng pait. Hay naku, ang mga bigo nga naman.
“Nananaginip ka pa rin ba hanggang ngayon? Baka naman kulang pa ang oras na inilagi mo sa presinto para magising ka sa katotohanan.”
Ah, wala ng bigo-bigo! “Alam mo, nakakaasar ka na, ha? Sinabi ko na sa iyong hindi ako kriminal. Kung ayaw mong maniwala, bahala ka sa buhay mo. Basta bayaran mo ang perang nawala sa akin dahil sa pakikialam mo. Pero ayoko ng cash ngayon. Ang gusto ko, lubayan mo ang Baltimore’s Place. Mayaman ka naman. Maraming abandoned establishments ka pang makukurakot kaya hayaan mo sa akin ang Baltimore’s.”
“And why would I do that?”
“Dahil…dahil…” Darn it! Wala siyang maisip na maikakatwiran dito! Isa lang. “Dahil kung hindi, sasabihin ko sa media ang tungkol sa pagtanggi ni Rumina Alcaraz sa marriage proposal mo.”
Muntik na siyang kumaripas ng takbo palayo nang makita ang pagdidilim ng mukha nito. Mali ang kanyang sinabi, sigurado iyon. Pero wala siyang balak na magpakita ng pagkasindak dito.
“Wala kang anomang sasabihin sa kahit na sino, lalo na sa mga taga-media,” nagbabanta na ang boses nito. “Oras na malaman ng iba ang tungkol dito, mananagot ka sa akin. And believe me, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo oras na suwayin mo ako.”
“H-huwag mo akong pagbantaan. Akala mo ba matatakot mo ako—“
Natigilan siya nang umayos ito ng tayo at tumayo mismo sa harap niya. Batid niyang matangkad siya kaysa karaniwan ngunit pakiramdam niya ay isa siyang duwende sa paningin ni Goliath nang nga sandaling iyon.
“Hindi ka natatakot?” tanong nito sa halos pabulong na boses. “Gusto mong malaman kung paano ako manakot ng tao?” Inilapat nito sa ulunan niya ang isang kamay nito. “I can show it to you.”
Buwisit! Bakit ganito na lang ang pagkailang niya rito? Ibig bang sabihin nun ay guilty siya? Pero wala naman siyang ginagawang masama, ah.
“Leave Baltimore’s Place and I’ll leave you alone.”
“Shut up your mouth and I’ll let you live.”
“Aba’t—“
“Don’t push your luck too much, lady. I tell you, you wouldn’t like the consequences.”
“So, you finally met each other. This is nice. Now we can prepare your wedding.”
Sabay silang napalingon ng lalaki sa nagsalita. Hindi niya kilalala ang may edad ng lalaki na nakangiti sa kanila. Pero ang babaeng katabi nito na matiim na nakamasid sa kanila, kilalang kilala niya. Si Rumina. Hindi pa pala ito nakakaalis.
Lumapit na sa kanila ang matandang lalaki. Ngayon lang naging malinaw sa kanya na malaki ang pagkakahawig nito kay Jubei. Mag-ama marahil ang mga ito.
“Don’t you think its too soon for the wedding, Papa?”
“Jubei, hijo, matagal na nating napag-usapan ang tungkol dito. Sinabi ko na sa iyong kung wala ka namang maipapakitang babaeng pakakasalan mo within five years, ipu-push through ko na ang napagkasunduan namin ng kaibigan ko nung college. And anyway, sobra na ng tatlong taon ang ibinigay kong taning sa iyo so—“
“Teka, ikaw si Juan Bernardo?” singit niya. “Ang kaibigan ng Papa ko nung college at…”
“Yes, hija. We’ve been talking about this for years. Pareho naman kayong single nitong anak ko at naghahanap na rin kami ng apo kaya why not marry each other instead? My son is a good man. And I know, according to your father, you’re the best daughter any father could ever asked for.”
Natigilan siya sa narinig. Sinabi iyon ng kanyang ama?
“If you don’t to get married at the moment, its okay. mas mabuti nga na magkakilala na kayo—“
“We’ve known each other for quite sometime, Pa. Hindi lang namin sinasabi sa inyo. Gusto kasi namin kayong sorpresahin.” Nawalan na siya ng imik para kumontra nang akbayan siya ni Jubei. “We’re getting married as soon as possible, now that you already know about our relationship.”
“Oh, great! I’ll call Miguel.”
He’s going to call her father! Oh, no! Pipigilan sana niya ang matanda nang mahagip ng tingin niya si Rumina. Narinig nito ang lahat. At kung hindi siya nagkakamali, talagang sinadya ni Jubei iyon. Gumaganti ito sa babae dahil sa ginawa nitong pagtanggi sa alok nitong kasal. Gago talaga ang mga lalaki kahit kailan.
Oh, well. Kung ginamit siya nito, puwes, gagamitin na rin niya ang sitwasyon para sa kanyang kapakanan.
“I want Baltimore’s Place, or mapapahiya ka sa babaeng iyon at ang iyong pamilya.”