KABANATA 11: "BATA PA LANG AKO, KAIBIGAN KO NA SIYA. Palagi lang akong nakakulong sa loob ng bahay dahil hindi pumapayag ang mga magulang ko na makipaglaro ako sa kahit na sino. They always want me to stay and study at home, and don't try to be friends with anyone except from those kids na kung hindi ko pinsan, mga anak ng business partners nila. I was lonely that time, I just want a friend to play with and there he came. . ." Pakiramdam ko kumirot ang puso ko habang inuumpisahan niya ang kwento. Ramdam na ramdam ko 'yong kalungkutan sa bawat salitang binibitiwan niya. Sino ba namang hindi malulungkot sa ganoong sitwasyon? Samantalang no'ng mga panahong bata pa ako, pinapahid ko pa ng likod ng palad ko iyong sipon na tumutulo mula sa ilong ko habang naglalaro ng jolen!Ganoon ba talaga an

