KABANATA 23: “MA'AM ODYSSEY, parang awa ninyo na ho. Kailangan ng anak ko ang tulong ni Sir Ajax!” Mabilis na itinulak ako ni Leia palayo sa akin nang marinig namin ang sigaw ng isang baritonong boses mula sa labas. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa halik na 'yon nang marinig ko ang boses ni Mama. "Pero isang buwan na pong hindi nanggagamot si Ajax, wala na po siyang balak bumalik pa." "Hindi po ba pwedeng kahit ngayon lang ay bumalik muna siya? Nanghihina ang anak k-ko." Tuluyang pumiyok ang boses ng lalaking nagsasalita. Halatang hindi pa ganoon katanda ang may-ari ng tinig. Dumungaw si Leia sa labas ng bintana habang ako ay hindi kumikibo. . . Ito na naman, may isang tao na naman ang kailangan ng tulong ko. Kahit na marami naman ang pwede nilang hingian ng tulong, hindi ko mawari

