KABANATA 24: ILANG ARAW ANG LUMIPAS na hindi na ako mapakali dahil hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko. Mula nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Leia, paulit-ulit na akong binabagabag ng konsensya. Ilang araw na akong hindi mapakali sa kung ano na nga ba ang nangyari sa batang hindi ko natulungan. Paano kung napahamak na siya dahil hindi ko siya tinulungan? Kaya nakapagpasya akong puntahan ang bahay nila kahit pa natatakot ako sa posibleng resulta ng pagtanggi ko noong isang araw. "Tao po!" Ilang beses na akong kumatok sa pinto nila ngunit walang sumasagot. "Tao po!" pag-uulit ko. Ngunit wala pa ring nagbubukas o kahit na sumasagot manlang sa katok ko. Ilang beses pa akong kumatok hanggang sa may kumalabit sa akin. Nang lingunin ko iyon,

