KABANATA 25: MAHIGIT ISANG BUWAN NA MULA NANG HINDI ko matagumpay na natulungan si Nomi at ngayon ay kaharap ko ang tatay ni Nomi. Hindi ko akalain na darating ang araw na haharap siya sa akin at makikiusap na muling tulungan ang anak niya. "Sigurado ho ba kayong gusto mo ng tulong ko?" paniniguro ko. Tumango ang nag-aalalang tatay ni Nomi. Halata sa mukha niyang stress na siya dahil sa nangyari sa kaniyang anak. "Higit isang buwan na mula nang ma-commatose si Nomi at hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagigising. Doctors can't figure out the reason, they can't explain it. So I guess there's supernatural going on." Tumango ako. "Mayroon po talaga," sagot ko. "Gusto n'yo ho bang malaman ang kwento ng anak n'yo?" Saglit na napahinto siya sa sinabi ko. Nakaupo kami ngayon, magkaharap

