Dalawang oras ang matuling lumipas mula kaninang natapos ang permahan ng MC namin ni Elijah pero hindi parin humuhupa ang galit sa dibdib ko para kay lolo. At ngayon sunod sunod na katok ang gumambala sa pag iisip ko. "Elijah buksan mo ang pinto." Sigaw na pautos ko sa kanya dahil hindi na din siya lumabas mula kaninang sinabi kong magtago siya kanina sa lugar na hindi ko nakikita. Agad na bumukas ang pintuan mula sa kusina at tumalima para buksan ang pintuan ng opisina ko. At ganun na lang ang panlalaki ng mata ko na sunod sunod na nagsipasukan ang mga babaeng parang sasabak sa giyera pero hindi mga baril ang hawak kundi mga maliliit na box na naglalaman ng iba't ibang mga wedding ring na nakapatong sa maliit at malambot na unan. "What the meaning of th