"Naipaayos ko na ang bagong titirahan ng mama mo. Paglabas ng mama mo ay doon na siya tumira at hindi sa maruming maliit na apartel lang." "H-hindi naman kailangang lumipat kami ng titirahan sir." Halos hindi lumabas sa bibig ko ang mga iyon dahil parang laging may nakabara sa lalamunan ko at hindi naman talaga ako nakikipag usap sa kanya ng matagal. Puro Yes Sir lang naman lagi ang nasasabi ko sa kanya o di kaya naman at magtatanong lang kung ano ang gusto niya, tsaa o kape. Iyon lang at wala ng ibang mga salita pang lumalabas sa bibig ko maliban na lang talaga kung tatanungin niya ako at kailangan ng sagot at paliwanag ko. "Kami? Nagpapatawa ka ba? Ang mama mo lang ang lilipat dahil sa bahay ko ka na titira. Baka nakakalimutan mong may pinirmahan na tayong kontrat