Wala akong imik habang hinihila ang maliit na maleta ko na naglalaman ng nga gamit na hinakot ko sa bahay habang nakasunod lang kay sir Ace. Sa totoo lang wala naman talaga akong maraming gamit na dinala dahil hindi ko na naisipan na bumili ng marami kapag nagkakapera ako dahil mas inaalala ko ang pagpapagamot ko kay mama. Tama lang na gagamitin ko sa limang araw na may pasok ako kapag may trabaho at pitong pares naman ng pambahay. Iyon lang naman at mga personal na gamit ko sa araw araw. Ganyan ako kasimple at hindi ko naman ikinahihiya ang kasemplehan ko. Kahit na makita ng nga tao sa paligid ko na pare-pareho ang mga damit ko na isinusuot ko at isiping hindi ba ako nagpapalit? Nah! Hindi ko na problema iyon basta ang alam ko sa sarili ko ay malinis ako sa kata