Nasapo kong muli ang ulo ko dahil parang umiikot parin ang paningin ko dahil sa nangyari kagabi. At kapag naiisip ko ang bagay na iyon ay nag uumapaw na naman ang galit ko at iyon ay para sa bwesit na babaeng Nathalie na iyon. Ang lakas ng loob niyang lagyan ng droga ang inumin ko. Damn her! At ngayon, ang maligamgam na tubig na rumaragasa at bumabalot na sa buong katawan ko ay walang magandang naidudulot dahil hindi naman nababawasan ang bigat ng pakiramdam ko. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi pero sadyang na bla-blangko ang utak ko. Ang huling tanging natatandaan ko ay ang magpahatid ako sa isa sa mga tauhan dito sa building sa loob ng bahay ko. Then, wala na akong maalala. Ni hindi ko alam kung paano ako napunta sa sa silid ni Elijah. At i