Akala ko panaginip lang ang lahat na may mga kamay na masuyong nagpupunas sa mga braso ko. At nakaramdam ako ng kaginhawan ng may kung anong malamig na nailagay sa nuo ko. Pero ng may maramdaman na akong malamig sa kilikili ko ay doon na ako nagmulat ng mata. At ang agad na kinapa ang kilikili ko para tanggalin ang nailagay doon. "Don't remove it." Boses na tumatak na sa pandinig ko. Na kahit hindi ko na siguro tignan ay makikilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Kaya naman napatingin ako sa kaliwa ko at tama nga ako. Si Sir Ace nga iyon na may hawak hawak pang maliit na towel na pinipiga sa isang maliit na palanggana. Siya iyong naramdaman kong nagpupunas ng kamay ko kanina? "W-hat happened?" Iyong ang mga tanong na unang lumabas sa