Napalunok siya sa tanong ni Ziyah sa kanya, at napatingin rito na tanging undies na lang ang suot. Muli na naman siyang napalunok matapos ipaglandas ang mga mata sa magandang katawan ng asawa. Kanina pa niya napapansin ang kakaibang ganda ng hubog ng katawan nito, at ngayon lalo niyang nasilayan iyon dahil sa itim na terno undies na suot nito. "Safe naman dito hindi ba?" Ziyah asked hindi pa rin kasi siya nakakasagot sa unang tanong nitong sa kanya kung pwede ba itong maligo sa ilog ng hubad. "Ikaw lang naman ang allowed na pumunta dito right?" Ziyah continued. "Yeah," tanging nasagot niya. Ngumiti sa kanya ang magandang asawa, ngiting lalong nagpaganda rito, at nagpakabog sa dibdib niya. Tumikhim pa siya para alisin ang tila bumabara sa lalamunan niya. "Do what you want," tugon niya