Nakita niya ang pagkagulat kay Ziyah nang banggitin niya ang pangalan ni Wilson. "Easy, easy man," pang aasar na sabi sa kanya ni Wilson. "What do you what?" Mariing tanong niya at bahagyang lumayo kay Ziyah na nag aayos ng damit nito. "De Guzman, may kinuha ka yata kasing hindi sa iyo. Kaya napatawag ako, dahil sa akin yata iyong kinuha mo," seryosong litanya ni Wilson sa kanya. Walang dudang si Ziyah ang tinutukoy nitong kinuha niya na pagmamay-ari nito. Wala ding duda na si Wilson ang sumusunod sa kanila ni Ziyah kanina. "Wala akong kinuhang pag mamay-ari mo, Santiago!" Mariing sagot niya. Tumawa naman ng malakas si Wilson. Nakakairitang tawa. Kung nasa hararapan lang niya ang lalake, hindi niya ito bibigyan ng pagkakataon para makatawa. "Sa akin si Ziyah, De Guzman! Siya ang mak