"Ano? Tatakbo kang Mayor?" Sabay na gulat na tanong ng Papa at Mama niya nang kinabukasang magtungo sa bahay ng mga magulang para sabihin sa mga ito ang plano niya. Nakapag desisyon na siya, tatakbo siyang Mayor sa bayan ng San Miguel. "Opo, Papa, Mama," sagot niya habang nasa hapag sila at nag aalmusal. Sinadya niyang magtungo ng maaga sa bahay ng mga magulang, para nga masabi at makapagpaliwanag siya sa biglaang desisyon niya. "Bakit bigla ang pag iba ng desisyon mo ngayon, Zandro?" Tanong ng Mama niya. "Oo nga naman, Zandro hindi ba't ayaw mong tumakbo. Ilang beses na kitang kinumbinsi para tumakbo. Anong nangayari at nagbago ang desisyon mo?" Secunda ng ama. "Nais ko ho sanang subukan. At ituloy ang mga nasimulan niyo po Papa," sagot niya. Pinag aralan na niya ang pagsagot niyang i