Chapter-16

3118 Words

Tahimik siyang nakaupo sa malaking sofa katabi si Zandro at nasa tapat sila ni Mayor Fernan De Guzman. Silang tatlo lang ang nasa loob ng Office of the Mayor. Pinalabas lahat ni Mayor De Guzman ang mga tauhan nito at mga taga media. Alam niyang kinabigla ng lahat ang sinagot niya kanina sa reporter. At walang dudang lalabas iyon sa news at makikita na ni Julio at ni Wilson. Nahihiya niyang sinulyapan si Zandro na nasa tabi niya, sakto namang napalingon ito sa kanya. Agad siyang nag iwas ng tingin. Ultimo si Zandro hindi niya nasabihan sa isasagot niya kanina. Dahil siya mismo hindi rin niya alam na lalabas ang ganoong salita sa bibig niya. Hindi niya intensyong mas lalong guluhin ang sitwasyon. Basta na lang lumabas ang mga salitang iyon kanina. "Ms. Alcaraz," banayad na tawag sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD