"Julio, huwag mong sasaktan si Ziyah," awat ng Mommy niya at hinarangan si Julio na akmang lalapitan pa siya habang nakaupo sa tiles at hawak ang pisngi niya. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal sa kanya ni Julio pakiramdam niya tumabingi ang mukha niya. Ito ang unang beses na sinaktan siya ni Julio. Mula pagkabata hindi siya pinagbubuhatan ng kamay ni Julio, kahit anong galit nito sa kanya. Pero ngayon nagawa na siyang saktan ng amain, dahil ba ramdam na nito ang pagkatalo? "Traydor iyang anak mo! Ako pa ang kakalabanin niya! Masyadong sutil! Kailangan turuan ng leksyon!" Asik ni Julio na nagpupumilit pa ring makalapit sa kanya marahil para saktan pa siya habang ginagawa naman lahat ng Mommy niya maharangan lang si Julio. "Umalis ka nga diyan Cassandra, kailangan maturuan ng leksyon ang