Habang inaangkin ang labi ni Ziyah, napansin niyang hindi ito marunong humalik. Hindi nito alam kung paano gumanti sa halik niya. Kaya iniba niya ang estilo ng paghalik sa dalaga. Dahan-dahan at puno ng pag-iingat ang bawat galaw niya, para kahit paano makasunod ito sa labi niya. Sinabi ni Ziyah na virgin pa ito, at hindi pa ito pumasok sa anumang relasyon. Posible kayang siya ang unang lalaking nakahalik sa dalaga? naisip niya. Hindi na rin nakapagpigil ang isang kamay niya na bumaba sa leeg ng dalaga. Wala siyang naramdamang pagtutol mula rito, kaya nagpatuloy siya. Bumaba pa lalo ang kamay niya sa collarbone nito, patungo sa dibdib na kanina pa niya nais mahawakan. Napansin niya ang pagliyad ng katawan ni Ziyah at pagtaas ng mga kamay nito sa batok niya, para mas lalo silang magkalapi

