"Ziyah!" . Malakas na tawag sa kanya ni Julio pagpasok niya sa loob ng bahay. Huminto siya sa paghakbang at sinulyapan ang stepfather. "Saan ka nanggaling ah?!" Galit na tanong ni Julio sa kanya at humakbang palapit sa kinatatayuan niya. "Julio, hayaan mo na munang ako ang kumausap kay Ziyah," pakiusap ng ina habang nakasunod kay Julio na galit na palapit sa kanya. "Tumigil ka nga Cassandra! Masyado na kong binabastos ng batang ito!" Hiyaw ni Julio sa Mommy niya. "Julio," saway ng Mommy niya at hinarang nito si Julio para hindi siya malapitan ng amain. "Julio, hayaan mo na munang akong ang kumausap kay Ziyah," pakiusap ng ina kay Julio. Alam niyang may kinalaman si Wilson kung bakit ganito ang galit sa kanya ni Julio. Marahil nagsumbong si Wilson na sumama siya kay Zandro. "Pagsabi