Kinabukasan, nauna siyang nagising kay Ziyah. Marahil pagod pa rin ang asawa, alas syete na kasi tulog pa rin ito. Dati, ito ang nauunang nagigising sa kanila at naghahanda ng almusal nila sa condo unit. Baka napagod nang husto ang katawan nito ngayon sa ginawa nila kagabi. Wala pa ang ginawa nila kagabi sa mga gagawin pa nila sa mga susunod na araw. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mahimbing pa ring tulog ng asawa. Saka na siya lumakad palabas ng silid. Siya na muna ang magluluto ng almusal nila ngayon. Pagdating sa kusina, binuksan niya ang ref. Napangiti siya sabay iling ng ulo nang makitang puno ng iba't ibang lulutuin ang loob ng ref. Pinagbilinan kasi niya ang mga kasambahay na mag-grocery na ng mga pwedeng lutuing pagkain. Mula kasi nang tumira ang asawa sa condo niya ay mar

