Pagdating sa bagong bahay ni Zandro, agad na silang bumaba ng kotse. May bukas na ilaw na sa labas ng bahay. Humugot pa siya ng malalim ng paghinga habang nakatingin sa malaking bahay ni Zandro na magiging bahay na rin niya ngayong mag asawa na sila. "Let's go," anyaya nito sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango rito. At sumunod na rito papasok ng pintuan. Aaminin niyang kinakabahan siya. Oo matagal na niyang napaghandaan ang magaganap sa kanila ni Zandro, pero hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman niya ngayon. "Wala ang mga kasambahay ngayon, sinabihan ko silang mag day off muna ng ilang araw, para naman masolo muna natin ang buong bahay," litanya ni Zandro sa kanya nang makapasok na sila sa loob. "Hindi pa fully furnished ang bahay, pinatigil ko din muna ng ilang araw an