EIGHT: "Sayaw." ILANG araw ang makalipas at ginugulo pa rin ang parehong utak at puso ni Lindsay ng mga alaala ni Baste. Pilit lamang niyang iwinawagli ang mga huling matatamis nitong mga salita sa kanya. "Uy, Say! Adriana!" Kapwa sila natigil sa paglalakad nang papasok na sila sa trabaho at magpapara na lamang ng tricycle na dumaraan nang may nagmamadali ring tumawag sa kanila. "Oh, aling Tesa. Kayo pala 'yan!" ani Adriana sa ginang. "Magandang umaga sa inyo." bati nito. "Magandang umaga din ho." bati rin nila pabalik. "Uy, birthday ng anak kong dalaga sa makalawa. Si Marie. Debut party niya, diyan lang sa bahay ang handaan. Punta kayo ha." Nagdalawang isip kaagad si Lindsay. "Ah, may trabaho po kasi eh." "Naku, walang problema 'yan, Say, kasi hapunan nama