SEVEN: "Distracted and Preoccupied." "ANONG sa atin, Say?" tanong sa kanya ng tindera. "Dalawang banana biscuits, dalawang chitcharap, at dalawa ring softdrink na mismo size." "Sige." Nag-umpisang kuhanin ng tindera ang kanyang mga bibilhin. Hindi pa rin mawari ang pintig ng kanyang puso, kahit na hindi siya nakatingin sa katabi niya ay alam niyang nakatitig pa rin talaga ito sa kanya at pinanunuod siya. Ano ba naman! Lahat yata ng ikikilos niya ngayon ay balak nitong panuorin! Nakaka-conscious tuloy! Habang naghihintay sa mga bilihin niya ay hindi na talaga niya napigilan ang sariling tumingin kay Baste, hindi pa rin ito nag-iiwas ng paningin sa kanya. Umiwas ulit siya at tumingin ulit. Wala ba talaga itong balak na tantanan siya ng mga mata nito! "Eto na,