FIVE: "Something exciting..." NAKARAMDAM ng pagkausig ng kanyang konsensya si Lindsay sa lungkot na mababakas sa itsura ng binata at naramdamang bigla ang pagkirot ng kanyang puso. “Baste, kung ano man yung narinig mo-“ she tried to explain ngunit inunahan siya nito. “That's your own opinion and I respect it.’Yan ang tingin mo sa akin eh kaya wala na akong magagawa diyan.” Tumalikod na ito at naglakad palayo. “Baste, teka lang!” aniya at walang pasubaling hinabol ang binata. “Baste, I didn't mean to offend-“ Tumigil ito, hinarap siya saka muling pinutol. “Naiintindihan ko, Lindsay. Hindi mo intensyong saktan ako dahil narinig ko lahat pero kung wala ako do'n at wala akong nalaman, ayos lang sayo na pagsabihan ako ng mga ganoong bagay.” nagpatuloy it