FOUR: "Bakit nga ba?"
NANG sumunod na hapon na nakauwi sina Lindsay at Adriana galing sa trabaho, nakasalubong nila si Baste pagkababa pa lamang nila ng taxi. Mukhang kakauwi lang din nito at naglalakad pa kasama ng mga kakilala nilang sina mang Mario at mang Boyet.
“Lindsay! Adriana!” tawag ng binata habang maganda ang ngiti tulad ng lagi.
Bakas talaga sa mukha nito ang pagiging palangiti at masiyahing tao. Carefree and happy go lucky, kumbaga.
Nakasuot lamang ito ng sandong puti na naging brownish na dahil sa dumi at iilang mga putik na natuyo roon tapos ay nakamaong na pantalon na may punit-punit sa tuhod at halos maputi-puti sa alikabok ang paa nito at ang tsinelas ay marumi na rin. May lumang kulay maong na backpack itong suot sa likod nito, marahil ay mga kagamitan sa pagpapanday. Nagpapawis pa ang mukha at medyo haggard ang itsura, tipong pagod pero kaya pa.
Isinama na siguro ito ng mga manong sa trabaho sa construction kaya halos naging lamugo ang ayos ngayon pero in fairness, kahit gaano pa ito kahalatang pawisan, haggard, at dumi-dumi ang damit ay hindi pa rin naaalis ang taglay na kagwapuhan ng itsura nito.
"Baste!” ang kanyang kaibigan ang tumugon.
Nagmano siya sa tatlong mga manong na kasama ni Baste na noon pa mang unang taon nila ni Adriana rito sa Siyudad ay nakilala na nila at naging mga kaibigan na rin.
“Kumusta kayo dito, Say?” ani mang Mario.
“Maayos naman po, mang Mario. Ang tagal n'yo na pong hindi nakakapamasyal sa amin dito ah!”
“Oo nga. Abala kasi lagi sa trabaho, Say.” si mang Jack naman ang nagsalita.
Tumango siya upang ipakitang naiintindihan niya.
“Kumusta naman sa trabaho, Say?” tanong bigla sa kanya ni Baste.
Naramdaman na lamang niya ang bilang paghuhurumentado ng kanyang puso dahil sa unang pagkakataon ay tinawag siya nito sa kanyang palayaw na ‘Say’. There's nothing special about it pero para bang iba ang dating sa kanya. Para bang musika sa kanyang pandinig at ang ganda ng register sa kanyang tainga kapag ito ang bumibigkas ng ganoon.
Nag-iwas siya ng mga mata sa lalaki. “Ayos lang din.”
Nagulat na lamang siya nang bigla itong lumapit sa kanya at may inilagay na kung ano sa kanyang buhok. He shocked her a bit but he was gentle and careful. Kindness is also evident.
“Teka, anong ginagawa mo?” malakas ang pintig ng puso na tanong niya.
Hindi ito nagsalita at magiliw lamang na nakangiti habang tinatapos ang ginagawa. “Sabi ko na nga ba, bagay sayo.” anito nang bitawan ang kanyang buhok.
Halos pamulahan siya ng mukha nang makitang marahang tumatawa na ang tatlong mga manong na nasa likuran nito. “Kaya pala, hindi matanggal-tanggal ang ngiti mo kanina habang tinitingnan 'yang hair clip do'n sa accessories store na nadaanan natin.” pahayag ni mang Mario.
Hair clip? Binilhan siya ni Baste ng hair clip?
“Para pala kay Saysay iyan.” tumatawa ding sunod ni mang Crisostomo.
“Awww. Sweet!” tumili naman bigla si Adriana.
“Bagay naman 'di ba?” lingon ng binata sa tatlo.
Sabay-sabay na tumango ang tatlo at muli siyang nginitian ni Baste, showing her his beautiful dimple that even makes him more handsome. Kumalabog at nagwawala ang kanyang puso.
Nahaplos niya ang hair clip sa kanyang buhok kahit pa hindi pa niya nakikita ang itsura nito o ang itsura ng buhok niya kapag suot ang hair clip.
"Binilhan mo 'ko ng hair clip?" she asked lowly, feeling overwhelmed.
"Oo, ikaw kasi naisip ko kaagad nang makita ko 'yan kanina sa nadaanan naming accessories store sa bayan." ngiting-ngiting sagot nito sabay kamot sa batok.
She couldn't even understand why he is looking more and more handsome kapag unconscious ito sa mga nagagawa nitong gestures when he's in front of her. He's kinda' handsomely cute.
"Pero bakit naman?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.
Like, anong meron 'diba? Bakit siya nito bibilhan ng clip? Bakit naisip siya nito nang mapadaan sa accessories at nakita ang nasabing clip na naka-display roon? Wala ba itong babaeng ibang maisip na pagbibigyan? Baka naman ay may magselos nito?
"Naku, ano ka ba naman! Anong bakit?" bigla ay salag sa kanya ng kaibigang si Adriana. "Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre, naalala ka niya nang makita niya ang magandang hair clip na 'yan dahil alam niyang mas lalong gaganda 'yan kapag sinuot ng babaeng babagay diyan! Tingnan mo nga naman, bagay na bagay sayo? 'Diba, mga manong?"
At kinuntiyaba pa talaga ang mga manong!
Sabay-sabay naman na nagsitango ang mga ito.
"Oo naman. Basta para kay Say na galing kay Baste ay maganda at bagay na bagay." dugtong pa ni mang Crisostomo.
Natahimik na lamang si Lindsay. Bigla ay na-conscious siya. Maganda nga kaya ang clip? Ano kayang itsura? There's a part of her that feels really excited to see what the hair clip looks like, at kung gaano nga kaganda ito at kabagay sa kanya tulad ng sinasabi ng lahat lalo na ni Baste.
Kinaumagahan, hindi mapakali si Lindsay sa harapan ng malaking salamin sa kanilang sala habang tinitingnan ang sarili. She's now on her office suit, at first time yata niyang magsusuot ng hair clip na nakaganitong ayos. Hindi niya alam kung bagay ba sa kanya o kung ano kasi kung yung hair clip lang ang titingnan tama ang sinasabi nila, ang ganda-ganda nga naman talaga nito!
It is made of silver metal surrounded with pink crystals around it and a pink butterfly in the middle. She's even wondering kung totoong crystals at silver ang pinaggawan nito pero naisip niyang hindi naman siguro. Baka mukhang mamahalin lang talaga pero hindi naman siguro totoo kasi imposible naman yatang maka-afford ng mga mamahaling bagay tulad nito si Baste.
He doesn't look like he can afford expensive things at all especially genuine silver and crystals. Oo, baka nga fake lang pero in fairness, maganda naman at mukhang totoo talaga. Kumikinang pa!
“Yieeee, conscious siya masyado. Don't worry, sis, maganda at bagay na bagay naman sayo.” tukso ng kaibigan niyang nagme-make up na rin ng sarili na nakaupo sa couch sa likod niya.
Adriana's also fixing his composure, tulad niya, before going to the office where they both work into.
Nailang at nahiya siya kaya umalis na siya sa harap ng salamin at nag-ayos na lamang siya ng kanyang bag. “I'm not conscious. What for?” kaila pa niya.
Ewan ba niya. Basta gusto niyang umiwas sa panunukso, nakaka-uncomfty kasi!
“Sige, mag-deny ka pa!” patuloy nito sa patutyada.
Hindi na lamang siya nagsalita pa, nagbingihan na lamang at kunwari ay walang narinig. Bingi-bingihan ang peg. Kunwari wala lang at 'di affected.
“By the way, nagulat ako kahapon sa ginawa niya ha! Sa harap mismo namin nina mang Mario, mang Jack, at mang Crisostomo. Mukhang proud na proud siya sayo. Awww!” kinikilig na tumili na naman ang loka. “Pero bakit ka kaya niya binigyan ng ganyan 'no? Mapapaisip ka nalang talaga!"
Bakit nga ba? Tanong din paulit-ulit ng kanyang isipan.
"I mean, mapapaisip ka, wala ba siyang girlfriend para pagbigyan ng ganyan kaya ikaw ang naisip niya? Sa gwapo niyang 'yon, wala siyang girlfriend? Weh? Pero baka nga naman wala."
Ewan ni Lindsay. Hindi niya alam at wala siyang planong alamin.
Wala nga ba talaga? Yung totoo self?
Hays! Kung anu-anong sinasabi ng isip at damdamin niya! Minsan nakakagulo at nakakaabala na! Hay naku talaga!
“Hay bakit ko pa ba itinatanong ang ganito! Syempre malamang wala unless nalang if meron at naisip ka lang niya dahil gusto ka niya bilang kapatid, pero ang rare din eh!"
Kapatid? What? Naiisip siya ni Baste na parang kapatid? Lol. Ba't parang natatawa siyang bigla? Pinipigilan lang niya.
Well, hindi rin naman imposible pero mukhang anlabo eh. Bilang kaibigan siguro, oo.
"Bihira ang lalaking magbibigay ng hair clip sa babaeng tinuturing na parang kapatid lang. Even biological brothers and sisters do not usually give hair clips as gifts."
Totoo nga naman iyon.
"Isa lang talaga naiisip ko eh. You know what's usual when a guy gives a girl a hair clip?"
"What?" patay-malisya niyang tanong.
Kahit na deep inside ay may clue naman talaga siya.
"He likes the girl and really thinks the girl is beautiful and worth it kaya niya binibigyan ng magandang bagay na alam niyang babagay sa babaeng kanyang itinatangi."
Okay. Adriana is being metaphoric again!
"Kutob ko, may gusto yung tao sayo kaya nagpapakita ng sweet gestures!” sagot pa nito sa sariling tanong na tila ba siguradong-sigurado sa pahayag.
Lumipad ang kanyang mga mata sa kaibigan. “So, sinasabi mong may gusto si Baste sa akin kaya niya ako binigyan ng hair clip?”
“Exactly!” palatak nito saka naghahahagikhik.
She rolled her eyes. “Assuming.”
Kalokohan.
“Gaga. Hindi ako assuming. I'm just telling a conclusion based on my observations! The way he looks at you, the way he smiles around whenever you're near to him, and the way his eyes depict how deep his adoration for you. Duh, alam ko kaya kung kailan may gusto ang isang lalaki sa isang babae at higit sa lahat, alam ko kung kailan may gusto din ang babae sa isang lalaki pero nagagawa pa ring magkaila sa pamamagitan ng pa-roll eyes roll eyes na 'yan! As if naman maide-deny ng kaartehan ang genuine feelings ano!” saad nitong halatang itinuturo siya sa bintang nito gamit pa lamang ang mga malisyosong mata nitong diretso ang tingin sa kanya.
May kung ano naman sa kanya na hindi kayang salubungin ang mapambintang nitong mga mata kaya napaiwas na lamang siya. “Hindi kaya.”
"Oh, bakit hindi kaya? Ba't nagpe-pressume kang ikaw yung pinatatamaan diyan? Tinamaan ka ba? Guilty much, te?" tumawa pa ito sa panunukso.
"Ha? Hindi ah! Wala naman din akong sinasabing ako yung tinutukoy mo! Baliw ka!" nakaiwas pa ring sagot at depensa niya.
“Ay sus, ate! Sa akin ka pa talaga nagkaila, sa akin pa na best friend mo, sa akin pa na higit na nakakakilala sayo!”
“Eh, hindi naman kasi talaga.” pagpipilit niya.
“Hindi totoo o ayaw mo lang talaga sa tao dahil mukhang hindi s'ya papasa sa standards mo, sa mga pamantayan mo ng lalaking nais kong pag-alayan ng puso at buhay mo?”
“The latter, maybe?” hindi rin siguradong sagot niya. At least, this time she's trying to be honest with herself and with her friend as well.
“Gaga. Alam mo kasi, sis, when it comes to love, walang standard-standard! Cut the pamantayans off! Kapag nakita mo na ang mamahalin mo, kusang titibok 'yang puso mo, unconditionally. Magising ka nga, ideal man doesn't really exist! Kaya nga ideal 'diba? Dahil idea lang sila, basis lang! But in reality, walang gano'n, sisterette! Walang ideal man. Real man meron, ideal man ekis!” at nagawa pa talaga nitong i-ekis ang mga kamay to gesture a wrong belief of hers.
Okay. Ito na ang may ipinaglalaban.
“Sa totoo lang, wala namang problema kay Baste eh. Sa katunayan pa nga, napakabait n'ya at gentleman, masiyahin pang tao.” pag-amin niya, admiring all the traits of Baste that any girl would also admire about him. “Kaya lang... “
“Kaya lang ano?”
“He's not my type! Malayong-malayo siya sa gusto ko, yung tipo niya ay hindi ko tipo, basta malayo sa konsepto ng taong gugustuhin ko. Hindi ko naman sinasabing gusto ko talaga ng mayaman o milyonaryo pero sana kahit yung may stable na trabaho man lang, saka tingnan mo nga yung itsura n'ya lalo na kahapon galing sa construction, ang dumi-dumi! Dinaig pa n'ya ang lalaking nanggaling sa sakahan. It's just that I don't like the idea that I'm an office girl at nagkagusto ako sa lalaking 'ni walang stable job.”
Lindsay is just being practical. Husgahan na siya ng iba basta para sa kanya pipili siya ng lalaking nanaisin niyang ibigin. Isang lalaking kahit papaano sana ay may sinabi sa buhay.
“Aba! Aba! Sumusobra ka na, sis, ah! Hindi ko na nagugustuhan 'yang masyadong pangda-downgrade na pagtingin mo kay Baste!” anito ngunit sa marahang paraan at nagpaypay ng sarili gamit ang kamay.
“Hindi naman ako nangde-degrade. I'm just giving my overviews. And besides, Baste’s attitude is very common. Marami na akong mga naka-encounter na mga kaklase noong high school sa aming baryo pati na no'ng college tayo na tulad niyan, yung tipong kung titingnan ang bait-bait kasi gwapo, yung tipong gentleman pero may hidden agenda, yung palangiti dahil inaakit at nilalandi ang isang babae sa ganda ng ngiti niya, at yung akala mo maginoo pero ang totoo, bastos at heartbreaker naman. Gano'n,” she explained further.
“So, ganyan pala kababaw ang tingin mo sa akin?”
Kapwa nagulat ang magkaibigan sa nagsalita mula sa nakabukas na pinto at nakitang nakatayo doon si Baste at bakas sa mukha nito ang pagkadismaya sa mga narinig. Malungkot at bigo ang itsura.
The heck? Narinig ba n'ya lahat?
Boba siyempre narinig niya! Hindi bubusangot 'yan kung walang naririnig na kahit na ano mula sa mga masasakit na salita at mga paratang mong walang basehan!
“Oh my god! Baste!” naibulalas naman sa gulat ni Adriana.